* • *
E P I L O G U E"Mayor ano ba talaga po ba ang nangyari sa Lungsod ng Abaddon? Bakit po halos naubos ang mga tao?"
"Mayor totoo po bang may kumalat na virus sa loob ng lungsod? Paano niyo po ito napigilan? Paano niyo po nailigtas ang ilang mamamayan?"
"Anong virus ang kumalat po Mayor?"
"Saan na po ang mga katawan ng mga nasawi?"
"Kumusta po ang mga natitirang mamayan ng Abaddon?"
"Totoo po bang ang anak niyo ang dahilan kung bakit nailigtas ang mga mamayan?"
"Ano pong nangyari sa anak niyong si Astreae? Ipinadala niyo po siya sa Mental Hospital?"
"Mayor!"
"Mayor pakisagot po!"
Pinagmamasdan ko kung paano dumugin si Papa ng mga reporters ng makalabas siya sa office niya. Halatang pagod na pagod siya at walang maayos na tulog dahil sa itim na nasailalim ng mga mata niya. Marami na nga siyang iniisip, dumagdag pa ang mga bunganga ng mga reporters.
Hinarap ni Papa ang mga reporters.
"Sa ngayon wala muna akong maibibigay na impormasyon sa inyo. Nagpapagaling pa ang mga mamayan ng Abaddon at ang iba sa kanila ay may mga trauma pa. Kaya hindi muna kami magbibigay ng pahayag. Saka na pag handa na kami na sabihin ang lahat."
Tumalikod na si Papa at mabilis na naglakad palayo.
"Mayor!"
Sumunod ang mga reporters sa kanya pero pinigilan na ito ng mga bodyguards ni Papa.
Kunuha ko ang remote at pinatay ang TV. Sumandal ako sa couch at napahilot sa sentido ko. Dahil sa nangyari naging number one topic kami sa buong pilipinas. Interesadong-interesado ang lahat sa kung ano ang nangyari sa loob ng lungsod namin. Lahat sila naghihintay ng sagot.
Nagkausap kami ni Papa kagabi at sinabi niya sa akin na wala siyang balak na sabihin ang tungkol sa demonyong si Abaddon sa lahat dahil hindi ito kapani-paniwala at baka sabihan lang kami ng baliw. Sinabihan na rin ni Papa ang mga mamayan ng Abaddon na wag magsalita kung may magtanong man sa kanila kung ano ang nagyari.
Isang sakit na kumalat ang sinabi ni Papa na naging dahilan ng Zombie Apocalypse. Naniwala naman ang mga tao.
Ilan rin sa mga mamayan ang umalis na ng Abaddon dahil sa trauma. Pero kami, hindi kami umalis. Mahalaga para sa amin ang lugar na ito kahit pa sa mga masamang nangyari. Abaddon is our home. Dito kami lumaki at nagkaisip. We value this place so much.
Bumalik ako sa kasalukuyan ng may naraman akong humawak sa hita ko at humalik sa pisngi ko. Napamulat ako ng mga mata at napangiti. Hinawakan ko ang kwelyo niya at hinila ito at hinalikan siya sa labi. I heard him groaned and kiss me back, hungrily.
"Atlanta.." he groaned.
Napasadal ako sa armrest ng couch at kaagad naman siyang lumapit sa akin at pinalalim niya ang halik sa pamamagitan ng paghawak ng batok ko. Naramdaman ko ang kamay niyang humihimas pataas ng pataas kaya napaungol naman ako.
BINABASA MO ANG
TRAPPED
Terror"Shit? They are going to eat us! Alive!" When Astraea woke up after a huge incident. Everything feels so weird for her. She knows something is wrong but she just can't point it out. And then, An unknown virus started spreading in the whole city of A...