***
Astreae's POV"Joel dito ka na lang. Sila na lang tatlo ang pupunta sa watch tower."
"Pero Jon si Astreae—"
"Stop making excuse. Marami pa tayong gagawin dito at mas kailangan ka namin."
"Fine."
Tahimik lang akong nakikinig sa mga kasamahan ko. Abala kaming tatlo ni Zayn at Daze para sa sa pag-alis namin. Patuloy parin ang iba pa naming kasamahan sa pagkuha ng mga stocks. Pansin ko naman na palaging tumigil ang mga kaibigan ko sa ginagawa nila at napatingin sa direksyon ko. Bakas ang pag-aalala sa mga mukha nila at alam ko na kung sila man ang masusunod ay paniguradong hindi nila ako payagan.
Napabuntung-hininga na lang ako at napaupo sa gilid.
Hindi naman ako nag-aalala para sa sarili ko. Nag-aalala ako para sa kanila. Paano kung may mangyaring masama sa kanila habang wala ako? Mariin akong napapikit.
Pero kasi may dahilan ako kung bakit gusto ko sumama.
Bumalik sa kasalukuyan ang isip ko ng makita ko sa harapan ko si Daze. Walang emosyon ang mukha niya at nagulat ako ng inilahad niya sa harap ko ang katana.
"You need it." He simply said.
Nagtataka man ay wala akong ibang nagawa kundi ang tanggapin ito. Hindi na ako nagsalita pa para magtanong. Ayoko ng pag-usapan ang tungkol dito. Mabubuksan na naman at baka malaman niya na na nagsisinungaling lang ako.
Tumalikod na siya sa akin at bahagyang lumayo. Hindi na niya ako tinapunan ng tingin ulit pagkatapos nun. Hindi ko na rin naman siya pinansin pa.
Bago kami umalis ay niyakap pa ako ng dalawang gago. Panay naman ang hikbi ni Eustace kaya napangiwi ako. Hindi ko talaga siya maintindihan. Minsan nagiging matapang, minsan seryoso at madalas gago.
"Mag-iingat ka Astreae.." halos ayaw ng bitawan ni Diego ang kamay ko kaya bahagya kong kinaha ang kamay ko mula sa kanya at nginitian siya.
"Magiging ok ako Diego. Trust me."
"Astreae beb nangako pa ako kay Sheena na iuuwi kita ng ligtas. Baka hindi ako sagutin nun. Kaya please..!" Napangiti na lang ako kay Eustace. Pansin ko na unti-unti na siyang bumabalik sa dati. Parang unti-unti na rin niyang natatanggap na wala na si Jerome.
"Kaya ko ang sarili ko kaya wag na kayong mag-alala. Kasama ko rin naman sila Daze at Zayn." Sagot ko at bahagyang ngumiti.
Nakabusangot naman ang mukha ni Diego dahil sa narinig kaya napataas ang kilay ko.
"Wala akong tiwala sa kanila."
May ibinulong siya kaya napakunot ang noo ko. "Anong sabi mo Diego? Minumura mo ba ako?"
Mabilis naman siyang napailing at bahagya pang napalunok. "Hindi! Ano ka ba! wala-wala."
"Siguraduhin mo lang dahil malinlintikan ka sa akin." Sabi ko at umirap.
"Astreae tara na."
Napalingon ako sa likod ko ng marinig ko ang boses ni Zayn. Sa may pintuan ng store ay nakita ko si Daze doon na nakatayo at mahahalata mo ang inis sa mukha niya. Mabilis akong nagpaalam sa mga kaibigan ko. Hindi ko naman namalayan na napatagal pala ang pag-uusap namin ng mga kaibigan ko. Mainit pa naman ang ulo nung isa diyan.
Sinulyapan ko si Gino dahil kanina pa siya sumusulyap sa amin ng mga kaibigan ko habang nag-uusap kami. Alam kong kanina niya pa ako gustong lapitan pero hindi na lang niya ginawa. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay huminga siya ng malalim at napatitig na lang sa akin. Wala na siyang balak na lumapit sa akin kaya naman ay nginitian ko na lang siya bago tuluyang tumalikod para puntahan sila Daze na kanina pa naghihintay sa akin.
BINABASA MO ANG
TRAPPED
رعب"Shit? They are going to eat us! Alive!" When Astraea woke up after a huge incident. Everything feels so weird for her. She knows something is wrong but she just can't point it out. And then, An unknown virus started spreading in the whole city of A...