30: Archeron

765 43 11
                                    

"Ast ok ka lang? Kanina ka pa tulala."

Umiwas ako ng tingin sa mga kaibigan ko. Ayokong mahalata nila na hindi ako mapakali. Ayokong malaman pa nila ang tungkol sa mga problema ko. Madadagdagan lang ang mga iisipin nila.

"Wala-wala. Iwan ko muna kayo. Hahanapin ko lang si Papa." Hindi ko na hinintay ang sagot nila at tumakbo na palayo.

"Astreae—hoy ang libro!"

Hindi ko na pinansin pa ang pagtawag nila sa akin. Mabibigat ang bawat hakbang ko habang patuloy sa paglilibot para hanapin si Papa. Marami ng mga hindi maganda ang pumapasok sa isip ko at mga tanong na alam kong si Papa lang ang makakasagot.

Anong koneksyon namin sa mga Archeron?

Napagdisesyonan kong pumunta muna sa dorm para kunin yung picture na nakuha ko sa box. Nang makuha ko ito ay kaagad kong binasa ng maigi ang nakasulat sa likod. Nagbabakasakaling nagkamali lang ako ng pagkakabasa nun.

Pero..

Astreae Gin Archeron and Atlanta Gresel Archeron parin talaga ang nakasulat.

Archeron..

Parang alam ko na kung anong koneksyon namin sa kanila. Obvious naman kasi eh.

Natigilan ako ng maalala ko ang sulat ni Mama. Kinapa ko ang bulsa ko pero wala akong nakitang sulat. Teka, nasa bulsa ko lang yon kanina ah! Nagsimula akong mataranta at pilit na hinahanap sa kung saang-saang sulok ng kwarto ko ang sulat pero wala na akong nakita. Hindi pwede!

Natigilan ako sa ginagawa ko ng marinig ko ang pagbukas ng pinto. Napalingon ako dito at nakita kong pumasok si Papa sa loob. Kaagad akong tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig.

Ramdam ko ang pagkawala ng emosyon sa mukha ko ng tuluyan akong humarap kay Papa. Seryoso ko siyang tinignan sa mata at hindi ako kumurap.

"Hinahanap mo daw ako anak?"

Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko at ang malakas na pagtibok ng puso ko.

Gusto ko ng malaman ang lahat-lahat.

Sa nanginginig na kamay ay inilahad ko sa harap ni Papa ang picture namin ng kambal ko at ang picture ng mga Archeron sa libro na hawak-hawak ko.

"Explain." Mariing saad ko sa kanya.

Nakakunot ang noo na tinaggap niya ang picture at libro. Una niyang tinignan ang picture namin ng kambal ko at kaagad nanlaki ang mata niya ng mabasa ang nakasulat sa likod nito. Sunod niyang tinignan ang libro at kita ko ang dahan-dahang paglunok niya habang titig na titig sa picture na nasa libro. Kinuyom ko ang mga kamao ko at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

"P-Pa bakit kasama mo ang mga Archeron sa pic? Tsaka, bakit Archeron ang nakasulat sa picture namin? Magsabi ka nga ng totoo sa akin Pa. Anong koneksyon natin sa kanila?"

Halos mabingi ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang naghihintay sa magiging sagot niya sa akin.

"Tell me the truth." Mariin na saad ko.

Mariing napapikit si Papa at napatingala. Bumuntong-hininga muna siya bago dumilat at tumingin ng diretso sa mga mata ko. Doon, alam ko na sasabihin niya na sa akin ang lahat ng dapat kong malaman.

"Tama ang iniisip mo, Anak. Pamilya natin s-sila.."

Tuluyan akong napapikit sa narinig at impit na napasigaw. Nanghihinang napaupo ako sa gilid ng kama ko. Hindi parin makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya.

Tangina, galing kami sa pamilya ng mga demonyo.

"Pa sabihin mo sa akin..ang lahat-lahat. Mula sa mga Archeron hanggang sa pagkamatay ni Mama. Gusto kong..malaman ang lahat."

Huminga ng malalim si Papa at umupo sa tabi ko. Nakatingin lang siya sa malayo na para bang inaalala ang lahat. Nagsimula siyang magsalita.

"I was just 7 years old back then when I notice that my family has this weird routine. Habang unti-unting akong lumalaki, unti-unti ko ring napapansin na iba ang pamilya ko sa mga ordinayong pamilya. Kaya nilang manakit ng tao sa pamamagitan ng pagawa ng kung ano-anong ritual na hindi ko maintindihan. Sa tuwing hating-gabi ay sumasamba sila sa demonyong si Abaddon at kumakain ng laman ng tao. Sa loob ng aming tahanan ay napakasama nila pero sa labas ng aming tahanan ay para silang mga santo sa sobrang kabaitan sa lahat ng tao."

Hindi ako nakapagsasalita ng lumingon sa akin si Papa kita ko ang matinding galit sa mukha niya. "Naranasan ko ang pagiging malupit ng mga kapamilya ko sa akin, Anak. Maging ang aking ina at ama at lalong-lalo na ang Lolo ko na si Gaius. Nakasama nila sa akin anak."

Kumirot ang puso ko sa narinig. Naiisip ko pa lang na sinasaktan ng sarili naming kadugo si Papa ay gusto kong magwala at gusto kong maiyak.

How can they do this to Papa?

"Sobrang galit na galit ako sa mundo at sa kanila kaya hindi ako sumunod sa yapak nila. Naging rebelde ako sa pamilya at kinakamuhian ko ang demonyo na kanilang sinasamba. Puno ako ng galit at muhi ng makilala ako ng mama mo." Bahagyang napangiti si Papa at kuminang ang mga mata niya. "Kay Jaeia ko naramdaman ang pagmamahal na hindi kailanman naibigay sa akin ng pamilya ko. Tinuruan niya akong maging mabuti, magpatawad sa kapwa at ang maging maunawain."

Lumapit ako kay Papa at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Naramdaman ko naman ang braso niya na pumalibot sa akin.

"Ang mama mo ang dahilan kung bakit nagkaroon ng kulay ang madilim kong mundo anak. Kahit nung nalaman niya ang tungkol sa sekreto ng pamilya ko ay hindi niya ako hinusgahan. Minahal niya parin ako."

Napangiti ako ng marinig ang sinabi ni Papa. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya kay Mama habang nagsasalita siya.

Ang tanging hiling ko lang simula ng bata pa ako ay sana..

Sana nandito pa siya kasama namin. Edi sana, masaya kami at kompleto ang pamilya.

"Pero habang tumatagal ay hindi ko na nasisikmura ang pagsamba ng pamilya ko sa isang demonyo. Hindi ko na kayang manood na lang habang pinapaikot nila ang mga tao kaya.." huminga ng malalim si Papa."I-Ipinagkalat ko ang sekreto nila sa lahat ng tao."

Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwalang napatingin kay Papa. Para akong naputulan ng dila dahil hindi ako makapagsalita. Ibig sabihin...si papa ang dahilan kung bakit pinatay ng mga tao ang pamilya Archeron.

"Buntis noon ang mama mo ng tumakas kami mula sa mga tao at pansamatalang nanirahan sa bahay ng Lala mo. Binago ko na ang apilyedo ko at ang lahat ng impormasyon sa akin. Tahimik kaming namuhay ng mama mo bilang isang normal lang na mamamayan. Wala rin namang masyadong nakakakilala sa akin kasi hindi naman ako sumasama sa pamilya ko noon. Kaya naman ay naligtas ako at walang nakaalam na isa akong Archeron."

"Tuluyan na ring nawala si Abaddon na parang bula lang. Hindi kasi siya mabubuhay kung walang naniniwala at sumasamba sa kanya."

Tahimik lang akong nakikinig.

"Hanggang sa ipinanganak kayo ng Mama mo at doon na nagkagulo ang pamilya natin dahil sa pagpilit niya buhayin ka kapalit ng buhay niya. Hindi ako pumayag pero hindi ko na rin siya napigilan. Nagawa niyang buhayin si Abaddon gamit ang ritual na isinulat ko noon. Ninakaw niya ang ritual ko at dinala ka sa kagubatan at doon...binuhay ka ni Abaddon." Kita ko ang sakit na dumaan sa mga mata ni Papa. Maging ako man ay sobrang nasasaktan sa mga nalaman.

"H-Huli na ako nang makita ko kayo. W-Wala na ang M-Mama mo at nakita kitang duguan sa may bandang tiyan mo pero buhay ka na at umiiyak pa."

"I-I'm sorry papa..this is all my f-fault.."

Niyakap niya naman ako ng mahigpit at hinalikan sa noo.

"No..Wala kang kasalanan. Walang may gusto sa nangyari anak. S-Sana mapatawad mo rin ako sa mga ginawa ko sayo noon. P-Patawarin mo ako kasi ikaw ang s-sinisisi ko.."

Niyakap ko si Papa pabalik at tahimik ako na umiyak sa balikat niya.

TRAPPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon