20: Reason

864 50 24
                                    

"M-Mayor." Utal-utal na sabi ni Jonathan ng makapasok siya sa Headmaster's Office.

Nanigas siya sa kinatatayuan nila ng maabutan niya si Mayor at Headmaster Angelo na tutok na tutok sa screen na connected sa CCTV sa may labas ng gate. Kitang-kita nila si Astreae at Daze na nakikipaglaban sa natirang mga zombies na hindi naman masyadong marami.

Nang maubos nila Astreae ang mga zombies ay tumakbo si Astreae palayo kung saan hindi na abot ng camera. Kita rin nila ang pag-sunod ni Daze kay Astreae hanggang sa nawala na sila.

"P-Patawad po.." Utal-utal na sabi muli ni Jonathan at napayuko. Hindi siya tinapunan ng tingin ni Mayor.

Tumayo si Mayor at kita ni Jonathan ang panginginig ng kamay nito at ang dahan-dahang pagkuyom nito. Walang mababakas na kahit na anong emosyon sa mukha ng Mayor pero alam ni Jonathan na galit ito.

Napatalon siya sa kinatatayuan niya ng sumigaw ng napakalakas si Mayor at sinuntok ang pader na malapit. Sumigaw si Mayor ulit napaluhod na ito at napatakip sa mukha. Walang narinig na hikbi si Jonathan pero alam niyang tahimik na umiiyak ang Mayor.

Para na siyang maiihi sa takot habang pinagmamasdan niya ang humihingal na Mayor. Noon pa man ay kinakatakutan niya na ang Papa ni Astreae. Bukod sa makapangyarihan ito ay may nakakaintimidate din ang aura nito at nakakatakot pag nagalit kahit pa umiiyak ito ay matatakot ka pa rin.

"Iwan mo muna kami." Malalim ang boses na sabi ng Mayor kaya naman ay mabilis na tumakbo palabas si Jonathan.

Naiwan naman sa loob sina Headmaster Angelo at ang Mayor.

Nakaluhod parin sa sahig ang Mayor habang si Headmaster Angelo naman ay nakatulala lang sa screen.

"Andrius.. p-patawarin mo ako. I failed to protect your daughter." Nakayukong saad ni Headmaster Angelo sa kaibigan.

Dahan-dahang napaupo si Andrius sa sahig at nanghihinang napasandal sa pader.

"Inaamin ko, nagalit ako sayo ng malaman kong pinayagan mong makalabas ng school si Astreae. Pero naalala ko na sa sarili ko dapat ako magalit kasi ako naman ang ugat ng lahat ng ito." Mapait na tumawa si Andrius na parang baliw. "Dahil sa akin nabuhay si Abaddon at ngayon kukunin niya ang anak ko sa akin."

Napakunot ang noo ni Angelo dahil sa sinabi ni Andrius.

"Hindi kita maintindihan." Kunot-noong saad ni Angelo. "Sino si Abaddon?"

Seryosong tinignan ni Andrius ang matalik kaibigan niya na walang kamuwang-muwang sa matagal niya ng itinatagong sekreto.

"Isa siyang parte ng nakaraan ng nabuhay muli para guluhin ang kasalukuyan." Seryosong saad ni Andrius.

Mas lalong napakunot ang noo ni Angelo sa sinabi ng kaibigan. Umiwas na lang ng tingin sa kanya si Andrius at bumuntong-hininga. "May mga bagay na hindi mo na kailangan malaman pa. Wala na rin tayong magagawa para pigilan ang mga pangyayaring ito."

"Ang magagawa na lang natin ay ang panoorin na mamatay isa-isa ang mga mahal natin sa buhay ng dahil sa akin."

Sa kabilang banda..

Humahangos si Jonathan ng makabalik siya sa harap ng gate na kanina lang ay naisarado.

Mariin siyang napapikit ng maabutan niya si Diego na umiiyak habang pinagsusuntok ang malaking gate.

"Astreae!" Umiiyak na sigaw nito. Tahimik lang silang lahat na nakamasid kay Diego. Si Gino naman ay umiiyak rin sa gilid habang ang ilan ay nakatulala lang gaya ni Jonathan.

"Diego tama na! Wala na tayong magagawa." Pigil ni Eustace sa kaibigan pero hindi siya nito pinansin. Umiiyak na rin si Eustace habang pilit na pinapakalma ang kaibigan.

TRAPPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon