22: Not Ordinary

942 46 9
                                        

"I-I'm sorry."

Napangisi na lang ako at kinagat ko ang pang-ibaba ko para pigilan ang sarili ko na sigawan siya. I know he just want to save me but why bother? Ayaw ko rin namang mailigtas.

I have the right to choose for my life.

I want to die.

"Don't apologize if you don't mean it." I said coldly. "Alam ko na kung maulit man ang mga pangyayari ay pipiliin mo paring patayin si Lala para sa akin."

Kita ko ang matinding guilt sa mukha niya. I feel bad for saying this to him but I can't help it.

"Sana pinatay mo na lang din ako."

Kita ko ang awa sa mata niya. Gustong-gusto niya akong lapitan pero ramdam niya na ayaw ko. Kita ko ang pagkurap niya. Hindi alam kung anong isasagot sa sinabi ko.

Well, I'm not asking.

Mapait na lang akong napatawa. Pakiramdam ko nasiraan ako ng bait. I feel empty. I feel nothing at all after crying for Lala's death. Kasabay ng pagkawala ni Lala ay ang tuluyang pagkawala ng emosyon sa mukha ko. I feel nothing but anger.

La nasaan na ang sinabi mong nagbabantay sayo? How come wala siyang ginawa para iligtas ka?

I feel bad for lala. She trust him so much and yet he had abandoned her. Kaya hindi ko magawang magtiwala sa kanya. He always disappoint me.

"Don't say like that. Marami pang naghihintay sayo. Sa tingin mo ano ang mararamdaman nila pag nawala ka?" Sobrang lambot ng ekspresyon ng mukha niya. Hindi ko maintindihan pero nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya. "Magpakatatag ka. Kailangan ka pa ng mga kaibigan mo. Kailangan ka pa nina Junjun at Eunice at... kailangan pa k-kita."

Umiwas ako ng tingin sa kanya at hindi na sumagot pa.

Hindi ko na naramdaman pa ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. Siguro napagod na kakaiyak. I came back to my usual ekspresyon pero mas lumala na dahil alam ko na hindi ko na kayang ipakita pa ang ilan kong emosyon. Kahit pa sa mga kaibigan ko.

Lala is my only happiness.

Ramdam ko ang titig ni Daze pero nanatiling malayo ang tingin ko. Ilang minuto kaming tahimik hanggang sa nakarinig kami ng mga kalabog sa baba. Malakas ito at para pang may binabangga na kung anong bagay.

Automatic na kinabahan ako sa narinig. Nagkatinginan kami ni Daze. Tumayo ako at sabay kaming sumilip sa bintana sa labas. Nagimbal kaming dalawa nang makita ang napakaraming zombies sa labas. Pilit nilang binabangga ang pintuan at sa dami nila ay hindi malabong mabuksan nila ito.

Narinig rin namin ang iyak ng mga bata sa baba kaya mas lalo akong kinabahan.

"Kunin mo sina Jujun bilis!" Sigaw ko kay Daze kaya mabilis at walang pag-alinlangang tumakbo na siya pababa. Naiwan akong mag-isa.

Akmang susunod ako sa kanya ng bigla na lang akong nakaramdam ng matinding sakit sa ulo at tenga. Impit akong napasigaw at napaupo sa sahig sa sobrang panghihina. Umiikot na rin ang paningin ko.

"Kukunin kita.."

"Akin lang ang katawan mo.."

TRAPPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon