Third Person's POVIsang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa apat na sulok ng kwarto. Lahat sila ay takot at nalulungkot na din para sa kanilang kasama na si Zayn. Nanginginig ang kanilang buong katawan at hindi sila sigurado kung ano ang sasabihin.
Sa di-inaasahang pangyayari ay tumayo si Astreae at mabilis na lumapit kay Zayn at hinawakan niya ang kamay nito. Napaawang ang labi nilang lahat ng biglang sinugatan ni Astreae gamit ang katana niya ang parte ng kamay ni Zayn na may kagat.
"Argh!" Hiyaw ni Zayn sa sakit.
"A-Astreae.." hindi sila makapaniwala lahat.
"What the hell are you doing?!" Sigaw ni Gino pero hindi ito binalingan ni Astreae.
Seryoso ang mukha ni Astreae at bakas sa mukha niya na alam niya ang ginagawa niya. Napasinghap silang lahat ng sinip-sip ni Astreae ang dugo ni Zayn saka binuga. Nagulantang silang lahat ng makitang kulay itim ang dugo ni Zayn na ibinubuga ni Astreae. Sipsip, buga. Paulit-ulit yon na ginawa ni Astreae habang sa bumalik sa pula ang dugo ni Zayn.
Nanigas silang lahat at walang nakapagsasalita.
Itinigil na ni Astreae ang ginagawa at umayos ng tayo habang pinapahiran ang dugo sa labi niya gamit ang likod ng kamay niya. Seryoso niyang tinignan ang mga kasama saka binalingan ng tingin si Zayn.
"Magiging ok ang lahat." She said and sighed.
"Paano mo nasisigurado, Astreae?" Nagsinghapan silang muli ng biglang may binunot si Patrick sa bulsa niya at itinutok kay Zayn na katabi ni Astreae. Napataas naman ang kamay ni Zayn sa takot.
"Patrick?!"
"C-Chill pare!"
Nagsigawan silang lahat ng may gulat at takot sa mga boses.
"P-Put the gun down, Patrick."
Sa halip na ibaba ang hawak na baril ay hinigpitan niya ang kapit dito gamit ang dalawa ang kamay. Disedido siyang patayin si Zayn base sa ekspresyon ng mukha niya.
"Hindi niyo ako naiintindihan! Hindi tayo sigurado sa kalagayan ni Zayn! Paano kung maging zombie siya? Edi patay tayong lahat!"
"Kaibigan pa rin natin siya!"
"Kaibigan mo siya Patrick!"
Sarkastikong tumawa si Patrick ng malakas na para bang sobrang nakakatawa yung sinabi nila.
"Kaibigan? Walang kai-kaibigan pag buhay ang pinag-uusapan!"
Napasinghal silang lahat sa inis. Nagbago bigla ang ugali ni Patrick. Bigla siyang naging isang gago na makasarili.
Habang pilit na pinapakalma at kinakausap ng lahat si Patrick ay tahimik at maingat naman na gumagalaw si Astreae. Pasimple niyang kinukuha ang katana niya na nakalagay sa mesa na nasa likuran niya. Medyo nakahinga siya ng malalim ng tuluyan niya na itong naabot ng hindi napapansin ni Patrick.
Muli siyang huminga ng malalim at bumuwelo at sinipa ang kamay ni Patrick dahilan para tumalsik ng napakalakas ang hawak niyang baril. Napadaing si Patrick dahil sa sakit na natamo mula kay Astreae. Nagsigawan naman silang lahat. Akmang kukunin ulit ni Patrick ang baril na nahulog pero mabilis na siyang hinawakan ni Daze at Gino.
"Get off me!"
Pilit nilang hinahawakan si Patrick habang nagpupumiglas ito. Si Astreae naman ay pumunta sa harap ni Zayn at itinutok niya ang katana niya sa mga kasamahan dahilan kung bakit natigilan silang lahat. Huminga ng malalim si Astreae.

BINABASA MO ANG
TRAPPED
Horror"Shit? They are going to eat us! Alive!" When Astraea woke up after a huge incident. Everything feels so weird for her. She knows something is wrong but she just can't point it out. And then, An unknown virus started spreading in the whole city of A...