Mabigat ang ulo ko ng magising ako kinabukasan. Wala akong masyadong maalala kagabi pero alam kung kasama ko si Daze at yung kakaibang narinig namin kagabi.
Sa tuwing naiisip ko yon ay kinikilabutan parin ako. Creepy.
"What happened last night? Bakit magkasama kayo ni Daze?" Bungad sa akin ni Sheena nung umagang yon. Naiirita ako sa tanong niya dahil hindi ko rin alam kung bakit. "Tsaka tulog ka na nung hinatid ka niya dito at take note, binuhat ka niya pa-bridal style. What's going on? May hindi ka ba sinasabi sa akin?" Nanunuya niyang tanong.
Inirapan ko siya. "Wala akong dapat na i-kwento sayo kasi wala namang nangyari. Something strange happened last night, he helped me blah blah and now, I don't want to talk about it." Masungit na sabi ko. Gusto kong i-kwento sa kanya ang nangyari kagabi but knowing Sheena. Matatakutin siya at ayaw kong maging paranoid siya.
Kumunot ang noo niya dahil sigurado akong wala siyang naiintindihan sa sinabi ko pero hindi niya na ako kinulit pa kasi naramdaman niyang medyo bad mood ako.
Masakit parin kasi ang ulo ko pati ang tenga ko. Hindi ko alam kung bakit.
Nang pumasok kami sa school napansin ko na tahimik ang mga estudyante. Halos lahat ng mukha nila ay malungkot ang ilan ay parang kinakabahan. Siguro ngayon lang nagsink-in sa kanila ang lahat. Kahapon ang iingay pa nga nila. Psh.
Napansin kong nawalan sila ng gana lahat. Pati ang mga teacher ay hindi pumasok kaya nakatunga-nga lang kaming lahat sa loob ng classroom namin. Walang nagsasalita, lahat nakatulala. Maging ako.
Napaayos kami ng upo ng may pumasok sa Classroom namin. Si Tito Angelo. Tumayo kami at walang ganang bumati.
"Yung mga kasali sa 110 students na lumaban nung isang gabi, sumama kayo sa akin sa gym."
Naging alerto ako sa narinig. Pinagmamasdan ko si Tito at halatang wala siyang maayos na tulog. Magulo ang buhok, maitim ang ilalim ng mata, eyebags at magulong uniporme. He look wasted.
Tumayo ang sampu sa amin. Ako, Daze, Gino, Eustace, Diego at ilan pa naming kaklase.
Napatingin si Tito Angelo sa akin at nabasa ko ang susunod niyang sasabihin. Kabisado ko na nga siya psh.
"Astreae wag ka ng sumama—"
Hindi niya pa man natapos ang sasabihin niya ay kumaripas na ako ng takbo palabas. As usual narinig ko na naman ang galit niyang boses pero hindi ako natinag. Wala na akong paki kung makatikim na naman ako ng pingot sa tenga. Tingin ko ay mahalaga ang pag-uusapan nila at gusto kong malaman yon.
Nang makarating ako sa gym ay naagaw ko ang pansin ko sa mga estudyante na nag-aantay dun. Nakaform sila ng circle habang naka-indian sit sa lapag. Hindi ko pinansin ang tingin nila sa akin at umupo ako kasama nila.
Ilang minuto ang lumipas bago dumating sila Tito Angelo at ang mga kaklase ko.
Hindi na ako nagulat ng may tumabi sa akin ng upo sa magkabilang gilid at umakbay sa akin.
"Malalagot ka talaga kay Tito..tignan mo ang sama ng tingin niya sayo." Bulong sa akin ni Eustace. Nagkibit-balikat ako.
"Ok..so let's start."
Umayos kami ng upo lahat at ibinagay ang lahat ng atensyon namin sa sasabihin ni Tito Angelo.
"May problema tayo.." panimula ni Tito na nagpakaba sa akin. "We don't have enough stocks of foods. Wala na rin tayong maiinom na tubig. Lahat tayo ay magugutom kung walang magsasakripisyo."
Nahigit ko ang hininga ko. Sinasabi ko na nga bang mangyayari to. Mukhang alam ko na ang patutunguhan ng usapang to.
"Kailangang may lumabas ng school para kumuha ng stocks."
As expected.
Natahimik kaming lahat.
"Hindi kayo pwedeng lumabas lahat dahil delikado pag marami kayo. So, I'm sending 10 students only."
I need to be one of those 10 students. Unang pumasok sa isip ko.
"Ang masasali sa 10 ay dapat na marunong talagang makipaglaban. Kaya kailangan niyong maglaban-laban lahat. Matira ang matibay."
Mas lalo kaming natahimik lahat sa narinig. Pinagmamasdan ko silang lahat at sa nakikita ko sa mga mukha nila ay alam kung desidido silang mapabilang sa 15. Alam ko ang iniisip nila.
Pamilya.
Alam kong yon ang habol nila kaya gusto nilang makalabas. Maging si Eustace ay nakita kong seryoso. I know he's thinking about them too.
Dahan-dahan kaming tumayo lahat. Nagsimula kaming magstreching. Pinatunog ko ang mga kamay ko. Kinuyom ko ang mga kamao ko at sinimulang mag streching. Kailangan kong matira sa amin. Kahit na anong mangyari.
"Ang role ay wag mag patayan. Basta kailangan niyo lang patumbahin ng isang beses ang kalaban niyo. Remember, 10 lang ang matitira." Seryosong saad ni Tito.
Naghanda na kaming lahat. Lahat kami ay seryoso sa laban na ito.
Lumapit si Tito sa akin at hinawakan ang braso ko ng mahigpit.
"Hindi ka sasali sa kanila Astreae. I'm warning you." Mariing sabi nito.
Sa pagkakataong ito alam kung galit siya. At pag ganyan siya hindi ko magawang sumuway sa kanya. He's like a second father to me.
Pero..Alam ko kung paano siya mapapayag.
Walang dalawang isip akong lumuhod sa harap niya. Nakarinig ako ng singhapan sa paligid. Alam kong nakatingin silang lahat sa amin. Kita ko ang gulat sa mukha ni Tito.
Nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata ko.
"Tito..I need to do this. Hindi ko kayang maghintay na lang at walang ginagawa para mahanap si Lala, Si Papa at si Atlanta. Please Tito, payagan mo na ako. Pangako, kung matalo man ako sa labang ito ay hindi na ako magpupumilit pa." Patuloy sa pagtulo ang mga luha ko habang sinasabi iyon. Pero nanatiling malamig ang boses ko.
Kita ko ang paglambot ng ekspresyon ng mukha ni Tito. Alam niyang this time, Wala na siyang magagawa kundi ang payagan ako.
Hinawakan niya ang braso ko para patayuin ako. Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Papayag na ako...basta mangako kang...magiging ligtas ka. Please.." nagmamakaawang sabi niya.
Yumakap ako pabalik sa kanya.
"Pangako.."
Pero alam ko sa sarili ko na hindi ako sigurado.
Wala akong paki kong mamatay man ako basta mailigtas ko lang ang mga mahal ko.
BINABASA MO ANG
TRAPPED
Horror"Shit? They are going to eat us! Alive!" When Astraea woke up after a huge incident. Everything feels so weird for her. She knows something is wrong but she just can't point it out. And then, An unknown virus started spreading in the whole city of A...