FLASHBACK
CONTINUATION
• • •
HINDI na alam ni Atlanta kung ano ang gagawin niya sa kambal niya. Kahit na anong sabihin niya dito ay hindi ito nakikinig sa kanya. At di pa nakakatulong na palagi lang silang nagsisigawan sa tuwing nagkakausap sila. Unti-unti niya na ring napapansin ang pagbabago ng ugali ni Astreae.
Ganoon parin ang sitwasyon nila. Hindi kasi gusto ni Astreae na bumalik sa dati kaya naman ay wala siyang ibang nagawa kundi ang magkunwaring si Astreae.
Habang nasakatauhan siya ng kambal niya, narealize niya na ang unfair pala talaga ng mga tao sa kapwa nila. Maraming plastic na nakapaligid sayo. Yung akala mo na mababait at kaibigan ang turing nila sayo pero pag nakatalikod ka na ay saka ka sasaksakin sa likod. Maganda lang ang trato nila sayo pag sikat ka, maganda, matalino at lalong-lalo na kung may mapapakinabangan sila sayo.
May silbi naman ang pagpapanggap niya bilang si Astreae kahit papaano. Kasi ngayon alam niya na ang totoo sa paligid niya. Alam niya na kung sino ang totoong mabait at yung nagbabait-baitan lang.
Pag siya si Atlanta parang mga aso ang mga tao kung sumunod at sumamba sa kanya. Pag siya naman si Astreae ay para lang siyang basura na tinatapaktapakan lamang.
"Hala! Nag kiss sila!"
Nagtilian naman ang lahat ng nakakita sa biglang paghalik ni Astreae kay Daze.
Parang gumuho ang mundo ni Atlanta sa nakita. Tumagal ng ilang segundo ang halik. Kita niya ang gulat sa mata ni Daze dahil sa paghalik ni Astreae sa kanya. Alam naman kasi ni Daze na ayaw niya ng hinahalikan siya sa public kaya ito gulat.
Daze hindi yan ako.
Daze ako ang girlfriend mo!
Paulit-ulit na isinigaw niya iyon sa isip niya. Nakita niyang unti-unting nawala ang gulat sa mukha ni Daze, napalitan ito ng saya.
Nakaramdam siya ng matinding kirot sa puso niya. Sa sobrang sakit ay bumilis ang paghinga niya hanggang sa napakuyom na siya, nagtangis ang bagang at marahas na tumayo. Nakalimutan niya ang lahat sa paligid niya. Isa lang tumataktak sa puso at isip niya.
Galit.
Galit para sa sarili niyang kapatid. Galit para sa kambal niya.
Hindi niya na napigilan ang sarili niya. Sinugod ni si Astreae kahit pa nakaupo ito sa tabi ni Daze. Mahigpit niyang hinawakan ang buhok nito at kinaladkad. Nanlaki ang mata ni Astreae at napasigaw sa sakit.
"Atlan—Astraea?!" Sigaw nito sa kanya. Napangisi na lang si Atlanta dahil muntik na itong madulas sa pagtawag sa kanya. Marami pa namang tao ang nanood sa kanila.
Hindi nakinig si Atlanta sa mga sigaw nito. Sinabunutan at pinagsasampal niya ito ng maraming beses.
"Malandi! Mang-aagaw!" Sigaw niya kay Astreae.
Natigil lang siya ng may tumulak sa kanya. Napasalampak siya sa sahig sa lakas ng pagkatulak sa kanya. Tinignan niya kung sino ito at kaagad siyang nanigas at hindi makapagsalita dahil galit ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.
Si Daze.
Ang boyfriend niya.
Niyakap ni Daze ang umiiyak na si Astreae at sinamaan naman siya nito ng tingin. Napalunok naman si Atlanta at hindi nakapagsasalita. Parang may kung anong bumara sa lalamunan niya.
BINABASA MO ANG
TRAPPED
Horror"Shit? They are going to eat us! Alive!" When Astraea woke up after a huge incident. Everything feels so weird for her. She knows something is wrong but she just can't point it out. And then, An unknown virus started spreading in the whole city of A...
