A/n: Walang edit to kaya expect wrong grammars and wrong spellings. Happy Reading! <3
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Kanina pa kami tahimik lahat dahil may kanya-kanya kaming ginagawa.
Binabalutan namin ang mga braso namin ng makakapal na carton at packing tape. Si Daze, may weapon na siyang dala, yung makapal na tubo. Si Diego kanina pa siya naghahanap ng pwedeng gamiting panghampas pero Wala siyang nakita kaya tumayo na ako at sumilip sa ilalim ng kama ko at doon ko nakita ang baseball bat ko noon. Kinuha ko ito at ibinigay sa kanya.
Umiilang siya. "Sayo na lang yan."
"Meron ako kaya kunin mo na yan."
Tumango na lang siya at tinaggap Ang baseball bat ko. Sumilip uli ako sa ilalim ng kama ko at doon ko nakita ang isang box na matagal ko ng hindi binubuksan. Buti na lang at dinala ko dito yan.
Kinuha ko ito at binuksan. Napasihap sila ng makita ang laman nito. Hindi ko manlang napansin na kanina lang pala sila nakatingin sa akin.
"P-paano ka nagkaroon ng ganyan dito?" Tanong ni Diego.
Kinuha ko ang katana at itinaas para ipakita sa kanya. "Ito? Pinuslit ko lang to dito sa school. Bigay to ni Papa."
Pinagmamasdan ko ito at pinadaan ko ang kamay ko sa matalim na bahagi nito bahagyang nasugatan ang daliri ko kaya napangisi ako. Great! After 10 years magagamit ko na rin uli ito.
"Ast... kailangan mo ba talagang gawin to?"
Napatingin ako kay Sheena at tumango ako. "Magiging ok ako."
Niyakap niya ako ng mahigpit. "Mag-ingat ka."
Nang handa na kami ay dahan-dahan na naming kinuha ang mga gamit na nakaharang sa pintuan. Si Daze ang dahan-dahang bumukas ng pinto. Naghanda naman kami ni Diego kung ano ang bubungad sa amin sa labas.
Rinig na rinig ko ang malakas na tibok ng puso ko sa sobrang kaba.
Tuluyan ng nabuksan ni Daze ang pintuan at tahimik na hallway ang bumungad sa amin. Dahan-dahang sumilip si Daze sa labas at ng masiguro niyang walang tao—at walang zombies ay tinanguan niya kami ni Diego.
Nauna siyang lumabas then sumunod ako. Gusto kong masuka ng tuluyan akong makalabas. Ang daming dugo na nagkalat sa sahig. Maging sa mga pader ay may mga dugo. Na pa takip ako sa bibig ko at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.
Ngayon ko lang naalala...
Ganitong-ganito ang napapanaginipan ko tuwing maghahating-gabi. Nagigising ako na umiiyak tuwing gabi kasi.. napapanaginipan ko ang mga zombies na kinakain ang mga mahal ko sa buhay. Tapos ngayon...nagkakatotoo na.
Takot ang bumalot sa puso ko.
Pero hindi ko hahayaang mangyari yon. Po-protektahan ko ang lahat ng taong malapit sa akin. Kahit na ikamatay ko pa.
Go to fucking hell, Zombies!
Medyo napatalon ako sa gulat ng may naramdaman akong humawak sa kamay ko.
Napalingon ako kay Diego at nakita kong nakatingin siya sa akin ng may pag-aalala. Alam ko na agad ang iniisip niya.
"Kaya ko." I said. "Kakayanin ko."
"Astreae alam kong parte ito ng bangungot mo. Ok lang maging duwag. Hindi mo kailangang gawin to." He said. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi ako duwag Diego." Mariing sabi ko. Hindi niya pinansin Ang sinabi ko.
"Basta Astreae nandito lang ako. Hindi kita pababayaan." Sabi niya at pinisil ang kamay ko. Hindi ako sumagot.
"Wag nga kayong maglandian diyan."
BINABASA MO ANG
TRAPPED
Terror"Shit? They are going to eat us! Alive!" When Astraea woke up after a huge incident. Everything feels so weird for her. She knows something is wrong but she just can't point it out. And then, An unknown virus started spreading in the whole city of A...