FLASHBACK
"Atlanta..come here." Malamig na saad ni Papa sa akin. Mabilis ko namang sinunod ang sinabi niya. Baka paluin pa ako eh. Ang sakit kaya.
"Bakit po?" Nakayukong saad ko. Bahagyang nanlaki ang maliit kong mata ng makita ang inilahad ni Papa sa harap ko. Mahaba ito at hindi ko alam kung ano. Ngayon lang ako nakakita ng ganyan.
"This is a katana and I want to give this to you. Protektahan mo ang sarili mo, anak."
Kahit na walang emosyon ang mukha ni Papa habang sinasabi yon ay napangiti parin ako at ang sarap sa pakiramdam. This is the first time that Papa give me something. He even call me 'Anak.'
Simula nung araw na iyon, ipinangako ko sa sarili ko na aalagaan ko ang ibinigay ni Papa sa akin.
My katana.
Third Person's POV
"Ano ka ba?! Nandiyan si Papa sa loob." Saway ni Atlanta sa kasintahan ng halikan siya nito sa labi. Nasa harap sila ng bahay niya at bilib siya sa boyfriend niya dahil nagawa siya nitong halikan sa harap ng bahay nila.
Daze chuckled and wink her.
"Text na lang kita pag naka-uwi na ako. Love you baby." He said and give her a flying kiss. Napangiti na lang siya at bahagyang namula.
"Love you! Ingat ka! Magpapakasal pa tayo!" Sagot niya na nagpapula kay Daze. Tumawa na lang siya habang tinatanaw itong tumakbo palayo. Halatang masayang-masaya. Siya rin naman eh.
Bahagya na lang siyang napailing habang tumatawa.
Kinikilig na yon panigurado.
Malaki ang ngiti niya habang papasok sa bahay nila. Ang alam ng lahat ay perpekto ang buhay niya. Maganda, matalino, maraming kaibigan at may mapagmahal at poging boyfriend. Dahil sa mga bagay na yan, ang tingin ng mga tao sa kanya ay perpekto pero wala namang perpektong tao sa mundo.
Pero kahit ganoon ay masaya naman siya at kontento. Kahit na malamig ang pakikitungo sa kanya ng Papa niya at kambal niya. Kahit na pakiramdam niya ay hindi siya belong sa pamilya. Ok lang naman kasi nandiyan ang Lala niya. Kontento na siya.
Bahagya siyang natigilan ng may marinig siyang katok sa pintuan ng kwarto niya. Tumayo siya at binuksan ang pinto. Natigilan siya ng makita kung sino ito.
Ang kambal niya.
Si Astreae.
Kaagad siyang nanigas sa kinatatayuan niya nang bigla siya nitong niyakap at umiyak ito sa balikat niya. Kaagad niya itong pinapasok at sinarado ang pinto. Pinaupo niya ito sa kama niya at binigyan ng tubig.
Naninibago siya dahil hindi naman sila masyadong close ng kambal niya. Tipid lang ito kung makipag-usap sa kanya kaya talaga ay medyo masaya siya ngayon dahil sa wakas lumapit na ito sa kanya at yumakap pa talaga. Pero nalulungkot din siya kasi parang may problema ito. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya itong umiiyak.
Magkaibang-magkaiba sila ng kambal niya.
Si Astreae ay silent type at introvert. Palaging nakakulong sa kwarto niya. Walang kaibigan. Gustong-gusto talaga ni Atlanta na makipag-close sa kanya pero para itong si Elsa. Napaka-cold at madalas hindi siya pinapansin kaya hinayaan niya na lang. Kung sa physical appearance naman ay medyo nerd si Astreae. May eyeglasses kasi.
BINABASA MO ANG
TRAPPED
Terror"Shit? They are going to eat us! Alive!" When Astraea woke up after a huge incident. Everything feels so weird for her. She knows something is wrong but she just can't point it out. And then, An unknown virus started spreading in the whole city of A...