Thank you so much for reaching in this part! 😘
TRAPPED isn't my first story but writing this made me realize a lot of things. This story means a lot to me.
I wrote this story because I want to overcome my fear. Honestly, takot na takot talaga ako sa zombie dahil sa "Train to Busan." Simula nun nagkaphobia na ako sa mga zombie movies. Umiiyak ako tuwing nagigising ako ng hating gabi dahil napapanaginipan ko ang mukha ng mga zombies at sobrang na trauma talaga ako. Yung ibang kaibigan ko na sinasabi ko ay tinatawanan lang ako pero para sa akin seryoso na tong nangyayari sa akin. Hindi na normal.
Napapaiyak ako sa tuwing nakakabasa ako ng katagang, "Face your fear." Kasi naman mahirap harapin ang bagay na sobrang kinakatakutan mo.
Hanggang sa napagod na ako sa mga bangungot ko. Naisip ko isang araw, what if gumawa ako ng story about zombies? Kaya naman ay trinabaho ko ang plot at hindi ko inaasahan na aabot ako sa part na ito.
Tamad kasi talaga ako kaya hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng kasipagan 😅
God is my inspiration in writing this story.
Kaya ayon, naisip ko ang ending kung paano mapapatay ni Atlanta si Abaddon. Napatay niya si Abaddon dahil sa matinding paniniwala niya kay God.
Habang nagsusulat din ako ay minahal ko ng husto ang mga characters ko. Wala naman talaga akong balak na patayin si Diego. It was supposed to be Gino pero naisip ko si Diego na lang! Kawawa naman kasi siya dahil siya lang ang walang kapartner. Ayoko namang malungkot siya sa ending kaya chinugi ko na.
Thank you so much for being with me in this journey 💗
Sadly, tapos na ang kwento.
Let's all say goodbye to Atlanta and the rest of the characters.
May mensahe ka ba para sa TRAPPED? Mga karanasan habang nagbabasa o di kaya ay mga katanungan? Comment ka po dito😊
Kitakits sa mga upcoming stories ko! Stay cool!
Hanggang sa muli,
DramaticQueenWriter
BINABASA MO ANG
TRAPPED
Terror"Shit? They are going to eat us! Alive!" When Astraea woke up after a huge incident. Everything feels so weird for her. She knows something is wrong but she just can't point it out. And then, An unknown virus started spreading in the whole city of A...