38: The Final Battle

740 40 27
                                    

This is our final battle.

Mabilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa unti-unting pagbukas. Kinakabahan ako sa magiging kahahatungan ng gagawin namin. Paano kung hindi kami magtagumpay? Paano kung mamatay lang kaming lahat ng dahil sa akin? Paano kung-

Natigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano ng makaramdam ako na may humawak sa kamay ko. Napatingin ako at kaagad na lumambot ang ekspresyon ko ng makitang si Daze ito.

"Keep yourself alive." Saad niya sa akin at pinisil ang kamay ko. Binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti.

"Ikaw rin."

Binitawan niya na ang kamay ko ng tuluyan ng bumukas ang higanteng tarangkahan. Mabilis naman kaming lahat na naglakad palabas at muling naisarado ang higanteng tarangkahan. Humigpit ang hawak ko sa dala kong katana ng makakita ako ng zombies sa may di kalayuan. Ako ang nauuna sa lahat. Nasa likod ko sila Papa, Daze, Eustace, Diego, Zayn at Gino. Sa likod nila ang mahigit isang daang mga lalaking estudyante.

"Maghanda!" Sigaw ko ng makita kong unti-unting lumingon ang mga zombies sa amin. Nang makita kami ay kaagad na tumakbo ang mga ito patungo sa amin.

"Sugod!"

Nagsigawan kaming lahat at sinalubong ang mga zombies. Napuno ng putok ng baril at sigawan ang paligid. Wala kaming ibang nararamdaman kundi ang galit sa mga nilalang na ito. Malakas ang pagkakahampas ko ng katana ko sa kanila kaya lahat ng zombies na lumalapit sa akin ay kaagad kong napapatay. Ramdam ko ang pagtulo ng pawis ko at ang pagtalsik ng dugo sa mukha ko pero hindi ko ito pinansin.

Nakatuon ang atensyon ko sa mga zombies na paparating. Lahat ng nakikita ko ay hindi ko pinapalampas. Pinapatay ko sila lahat gamit ang Katana ko. Nang mapatumba ko ang lahat ng nasa paligid ko ay nanatili akong nakatayo habang hinahabol ang hininga ko.

"Siyam, Sampu!"

Napakunot ang noo ko kay Eustace na siyang nasa malapit sa akin. Naririndi ako sa pagbibilang niya!

May nakita akong putol na tsinelas sa kalsada kaya pinulot ko ito at binato kay Eustace. Sapul ito sa ulo niya kaya napadaing siya at napalingon sa akin ng may galit na ekspresyon pero nang makita niyang ako ang bumato sa kanya ay kaagad na lumambot ang ekspresyon ng mukha niya.

"Atlanta! Bakit?" Tanong niya ng may ngiti sa labi. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong yang ginagawa mo?"

"Di ba obvious? Nagbibilang ako!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit ka ba nagbibilang?!"

"Kasi nagpustahan kami at ayaw ko namang matalo ano?! Ang may pinakamababang mapatay na zombies ngayon ay manlilibre! Aba! Wala kaya akong pera!"

"Gago! Zombie Apocalypse na at lahat-lahat, libre parin ang iniisip niyo!" Saad ko at bumalik na sa pagpatay ng mga zombies. Tawa lang ang isinagot niya at ng ilang nakarinig sa sinabi ko.

Ilang minuto pa ang lumipas ay naghiyawan silang lahat ng maubos namin ang mga zombies. Napailing na lang ako habang chine-check kong may nasaktan ba at thank god at wala naman kahit na isa. Hindi ko talaga alam kung saan nila nakuha ang pagiging hyper. Hindi pa nga kami nakakakalahati sa lungsod ay nagdidiwang na sila. I'm sure madami pang zombies na dadating!

Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad.

"Stop," saad ko at sumenyas sa mga kasamahan ko dahilan para matigil sila. Pinakatitigan ko ng maigi ang isang bulto ng babae na nakatayo sa gitna ng kalsada sa may di kalayuan namin. Dahan-dahan akong naglakad para aninagin ang mukha ng babae.

Kaagad akong nanigas sa kinatatayuan ko ng makilala kung sino ito. Hindi ako nakagalaw at nagsimulang manginig ang buong katawan ko.

"Astreae!" Sigaw ni Gino at tumakbo patungo sa direksyon ng babae. Kaagad nanlaki ang mata ko at hindi ko na siya napigilan pa.

Akmang susunod na ako para makalapit sa kambal ko ng biglang tumigil ang buong mundo ko sa nakita. Nagsinghapan silang lahat ng makitang bumagsak si Gino dahil sinaksak ito ni Astreae.

"Gino!" Sigaw ko at walang dalawang isip na tumakbo papunta sa kanya.

"Atlanta!" Tawag nila sa akin pero hindi ko na sila pinansin pa. Nasa kay Gino at Astreae ang buong atensyon ko.

"Gino! Fuck, hold on please!" Natatarantang saad ko ng makitang may lumabas na dugo sa bibig niya.

Binalingan ko ng tingin si Astreae at kita kong walang kahit na anong emosyon ang mukha niya. Bahagya akong nagulat ng makitang purong kulay itim na mata niya. Pero hindi ko na naman napigilan ang galit ko sa kanya. Gusto ko siyang sugurin pero ayaw kong iwan si Gino.

"Baliw ka na ba ha?! Bakit mo sinaksak si Gino?! Papatayin mo ba siya?! Bakit?! Wala siyang ibang ginawa kundi ang mahalin ka tapos ganito lang ang gagawin mo sa kanya?!" Galit na galit na saad ko.

"Anak?! Bakit mo nagawa yan sa kaibigan mo?!" Napalingon ako sa direksyon ni Papa at kita ko ang dahan-dahang paglapit niya sa amin.

Sa likod ni Papa ay nakita ko ang mga kamahan namin na walang ibang nagawa kundi ang tingnan kami. Halatang ayaw nilang madamay sa away pamilya namin. Kita ko rin si Daze na nagwawala at gustong pumunta sa akin pero hinahawakan siya nila kaya hindi niya magawang makalapit sa akin. Tinanguan ko sila at sinenyasan na ipagpatuloy ang paghawak kay Daze. Ayoko siyang madamay dito.

Binalik ko ang tingin ko kay Astreae ng bigla siyang tumawa ng malakas.

"Anak? Pagkatapos mo akong ipakidnap tatawagin mo akong anak?" Saad ni Astreae at muling napatawa. "Anong karapatan mo?"

Natahimik kami dahil sa sinabi niya. Maging si Gino na na hawak ko ay natigilan dahil sa narinig pero hindi niya magawang makapagsalita dahil sa dugong lumalabas sa bibig niya.

"Kung may galit ka sa amin, wag mong idamay si Gino dito!" Saad ko. Ibinaling niya ang tingin niya sa akin.

"Ano pang point? Kahit naman na nasa tabi ko siya ay sayo parin siya kakampi kahit na anong mangyari! Lahat na lang sila, ikaw na lang ang palaging pinipili! Kahit na si Papa!" Sigaw ni Astreae at mas lalong umitim ang mata niya dahil sa galit.

"Kaya mas mabuting patayin ko na rin siya!"

"Napakasama mo!" Sigaw ko at unti-unti kong naramdaman ang pagkabasa ng pisngi ko dahil sa luha ko.

"Oo masama ako dahil sayo!"

"Stop this nonsense, Astreae!"

Ngumisi lang si Astreae at napa-cross arms.

Binalingan naman ako ni Papa ng tingin at dahan-dahan siyang yumuko para pantayan kami ni Gino. Nakahiga si Gino sa lap ko habang patuloy paring lumalabas ang dugo sa bibig niya.

"Heal him, anak."

Kaagad naman bumilis ang tibok ng puso ko. Kaya ko siyang pagalingin?

"P-Pa I don't know h-how.. I can't."

Tinapik ako ni Papa sa balikat ko at binigyan ako ng isang ngiti.

"You can. Just try it."

Dahan-dahan akong tumango at binalingan ng tingin si Gino na nag-aaagaw buhay na.

Huminga ako ng malalim at itinapat ang dalawang kamay ko sa sugat niya. Muli akong huminga ng malalim saka mariing pinikit ang mga mata ko. Naramdaman kong may lumabas na enerhiya mula sa mga kamay ko. Ibinuka ko ang kaliwang mata ko para silipin ang ginagawa ko at nagulat ako ng makitang may kulay itim na enerhiya na lumabas sa mga kamay ko papunta sa sugat ni Gino.

Dahan-dahang gumaling ang sugat ni Gino at tumigil na rin ang pag labas ng dugo sa bibig niya pero nawalan siya ng malay. Tinawag ko ang ilan sa mga kasama namin para buhatin si Gino palayo sa amin.

Dahan-dahan akong tumayo at tumakbo patungo kay Astreae at niyakap siya. Nagbabakasakali ako na sa pagyakap ko sa kanya ay babalik na kami sa dati. Na magiging ok na ang lahat.

"Astreae please stop this. Patawarin mo na kami. Bumalik na tayo sa dati-"

Natigil ako sa pagsasalita ng makaramdam ako ng matinding sakit sa tiyan ko. Napalayo ako kay Astreae at umawang ang bibig ko ng makita ko na nakasaksak ang kutsilyo sa tiyan ko.

"Atlanta!"

Nagsigawan silang lahat nang unti-unti akong napaluhod sa lupa.

"Gusto ni Abaddon na dalhin kita sa kanya. Pero gusto ko na patayin ka na." Saad ni Astreae at ngumisi sa akin.

TRAPPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon