"110 students risk their lives for all of you...Kung hindi nila binuwis ang buhay nila ay wala kayo ngayon. Idinaos natin ngayon ang pagpaparangal sa kanila. Here are they! The Heroes of Abaddon University!"
Napairap ako ng marinig ko ang malalakas na palakpakan at hiyawan ng mga estudyante. Ano ba tong ginagawa nila? Para silang mga tanga. Nasagitna kami ng Zombie Apocalypse tapos magsasaya sila? Baliw! May paparangal pa sila.
Nagulat ako ng isa-isang tinawag ang mga pangalan. Wait, what? Sana naman hindi nila ako nilista! Ayokong umakyat sa stage! Nakakainis!
Narinig kong tinawag sila Diego, Daze at Gino. Maging si Eustace at tinawag rin at ang gago sayang-saya pa! Nagngingiti itong tumayo at kumaway pa. Napailing na lang ako.
"Mag-ccr lang ako." Sabi ko kay Sheena. Taka naman siyang tumingin sa akin.
"Baka ikaw na ang tawagin—oy!"
Hindi ko siya pinansin at tumayo na at mabilis na naglakad. Ayokong masali sa kagaguhan nila. Marami pa akong pinoproblema.
"Astreae Ferer! Ang nag-iisang babae!"
Natigil ako sa paglalakad ng tawagin ang pangalan ko. Narinig ko ang sumipol at hiyawan ng mga kalalakihan. Napabuntung-hininga na lang ako at wala ng nagawa kundi ang maglakad papunta sa stage. Pansin ko ang masamang tingin sa akin ng mga kababaihan habang kabaliktaran naman ang mga kalalakihan. Binibigyan nila ako ng humahangang tingin.
Nang tumingin ako sa unahan ay nakita ko silang nakatingin sa akin lahat. Hindi ko na lang pinansin at nagawi ang tingin ko kay Eustace na isa pala sa sumisipol sa akin.
Napailing na lang ako. Sa direksyon niya ako pumunta at binatukan ko siya.
"Aray!"
"Para kang asong ulol! Gago!"
Ngumuso lang siya sa akin at inakbayan ako. Inilapit niya ang mukha niya sa akin at bumulong sa tenga ko.
"Gago pero guwapo rin naman."
Napairap ako. "Yuck! Pwe!"
Siniko ko siya sa tagiliran pero imbis na bitawan ako ay mas humigpit pa ang pagkakaakbay niya sa akin. Mahina siyang tumatawa kaya mas lalo na lang akong napairap. Saka ko lang napansin. Nasa kanan ko si Eustace na nakaakbay sa akin. Sa kanan rin ni Eustace ay si Gino at Diego na kanina lang pala nakatingin sa amin. Masama ang tingin na ibinibigay nila kay Eustace. Si Eustace ay parang wala lang.
Katabi ni Diego ang bestfriend ni Daze na si Zayn. Kanina rin lang itong nakatingin sa akin at alam ko ang iniisip niya. Tungkol pa rin sa pagkawala ni Atlanta na ako naman ang sinisisi nila. Hindi ko siya pinansin.
Hanggang sa nagawi ko ang tingin ko kay Daze na katabi ni Zayn. Kumulo ang dugo ko sa tinging ibinibigay niya sa akin. Yung tingin na parang inaakusahan akong 'Malandi'. Ano ba talaga ang problema niya sa akin?!
Sinamaan ko siya ng tingin bago umiwas. Kay Eustace ko na lang binaling ang atensyon ko. Nag-aasaran lang kami hanggang matapos ang ka echosan nila. Bumaba na kami sa stage habang isa-isang lumabas ang mga estudyante sa hall. Papaalis na rin sana kami ng may tumawag sa akin sa palayaw ko.
"Thea!"
Napalingon ako at napalunok ako ng makita ang seryosong si Tito Angelo. Lagot. Bahagya akong itinulak ni Sheena.
"Puntahan mo na! Hintayin ka na lang namin sa labas."
Tumango na lang ako sa kanya saka dahan-dahang humakbang papunta kay Tito. Tangina, malalagot ako nito.
"Bye babe! Good luck! Haha!" Narinig ko pang pang-aasar ni Eustace bago sila umalis. Hindi ko nalang pinansin.
Nang makalapit ako kay Tito ay kaagad akong napasigaw sa sakit ng pingutin niya ang tenga ko.

BINABASA MO ANG
TRAPPED
Horror"Shit? They are going to eat us! Alive!" When Astraea woke up after a huge incident. Everything feels so weird for her. She knows something is wrong but she just can't point it out. And then, An unknown virus started spreading in the whole city of A...