09: The Brave Students

985 52 7
                                    

Third Person's POV


"Start!"

Naging alerto silang lahat pagkatapos marinig ang sigaw ni Headmaster Angelo. Lahat sila ay mabilis na naghanap ng aatakihin pero si Astreae ay nanatiling nakatayo dahil walang umatake sa kanya.

Nilalampasan lang nila siya at iniiwas ang tingin sa kanya. Lahat sila ay nagbubug-bugan na habang siya naiwan sa gitna na nakatayo lang.

Nagsalubong ang kilay niya sa inis.
Mahina ba ang tingin nila sa akin? O mataas lang talaga ang pride nila dahil ayaw nilang kumalaban ng babae. Ani niya sa isip niya.

"Hey!" Inis na sabi niya pero walang pumansin sa kanya.

Uminit ang ulo niya lalo nung nakita niya ang Tito Angelo niya na natatawa habang nanood sa kanila sa gilid. Kinuyom niya ang kamao niya. Ayaw niya pa naman ang minamaliit siya.

Lumingon-lingon si Astreae sa paligid at nakakita rin siya ng target. Hindi niya alam ang pangalan nito pero kilala niya ang mukha. Nagmartsa siya palapit sa dito. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi siya nito napansin.

"Hoy gago!" Tawag niya rito.

Nang lumingon ito sakanya ay kaagad na sumalubong sa rito ang kamao niya. Malakas ang naging suntok niya kaya medyo napaatras ito sa lakas ng impact. Napangisi si Astreae ng tumingin ito sa kanya ng may gulat na ekspresyon sa mukha.

"Astraea?" Medyo nagulat si Astreae ng banggitin nito ang pangalan niya. Kilala pala siya nito samantalang hindi naman niya ito kilala.

Schoolmate ko lang siya I think? Ani niya sa isip niya. Mukhang mas matanda pa ito sa kanya.

Sininyasan niya ito na umayos ng tayo. "No offense pero kailangan kitang patumbahin.." seryosong sabi ni Astreae at kaagad siyang sinipa sa tagiliran. Napasigaw ito sa pinagsamang gulat at sakit. Hindi pa man ito nakakabawi ay paikot na sinipa ulit ito ni Astreae sa leeg.

"Argh!" Hiyaw nito at napatumba sa sahig at hindi na nakabangon pa.

Nagpeace sign si Astreae dito. "Sorry Kuya."

Dahil sa ginawa niya ay may ilan ng sumugod sa kanya. Finally, na gets na rin nila na hindi naman ako 'mahina'. Ani niya sa isip niya. Kaya kong makipagsabayan sa kanila. Kaya ko rin silang patumbahin.

Dahil swerte siya, dalawa ang sumugod sa kanya.

Paparating sa kaliwa ang isa at sa kanan naman ang isa. Mabilis siyang tumalon at nag split sa ere at sabay na sinipa ang mukha ng dalawa. Kaagad namang natumba ang dalawa.

May isa ulit na sumugod sa kanya. Iniwasan niya ang suntok nito at nang sisipain na sana siya nito ay sinalo niya ang binti ng lalaki. Nanlaki ang mata nito ng ngumisi siya.

"Sorry boy." Saad niya at pinilipit ang binti ng lalaki at inihagis niya ito sa ere. Narinig niya ang malutong na mura ng lalaki ng tuluyan itong lumagapak sa sahig.

Lumingon-lingon siya sa paligid dahil wala ng sumugod sa kanya. Nakita niyang iilan pa lang ng natumba. Marami pa sila, mga 60 pa.

Ang bagal! Ani niya sa isip niya at napahikab.

Gusto niyang matapos kaagad ang laban kaya mabilis niyang pinaghahampas sa leeg ang mga lalaking malapit sa kanya. Lahat ng nadaanan niya ay napapabagsak niya. Hanggang sa namalayan niya na lang na 20 na lang silang natitira.

Great!

Napangisi siya habang pinagmamasdan ang mga natira. As expected, Si Daze, Gino, Diego...wait.

TRAPPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon