31: Her

798 42 18
                                    

Hindi parin ako makapaniwala sa mga nalaman ko kay Papa. Pilit kong iniintindi at iniisip na hindi ko kasalanan ang lahat pero..May kasalanan parin ako kahit na anong gawin ko.

Wala sa sarili akong naglalakad mag-isa sa hallway. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa paligid ko dahil sa dami ng iniisip ko. Hinayaan ko na lang ang paa ko kung saan niya gustong magpunta. Ramdam na ramdam ko ang malamig na hangin na dumidikit sa balat ko. Saka ko lang napagtanto na nasa lumang building na pala ako. Malayo sa mga estudyante at tahimik. Walang nagpupunta dito dahil na rin sa haka-haka nila na may multo daw.

Akmang aalis na sana ako ng makarinig ako ng boses ng dalawang babae na parang nag-aaway. Pamilyar ang mga boses nila kaya lumapit ako at sumilip sa loob ng lumang building at nagulat ako ng makita kung sino sila.

Si Sheena...

Nakaluhod siya sa harap ni Gwen.

"P-Please..Gwen. Tigilan mo na ang pagpapadala ng kung ano-anong insekto sa a-akin. T-Tigilan mo na ang pag-utos sa mga estudyante na b-bugbugin ako. Tigilan mo na ang paglalandi kay E-Eustace. Tigilan mo na ang pambubully sa akin! I-Itigil mo na k-kasi pagod na ako! A-Ayoko na! P-Please, Gwen..wala naman akong ginawang masama s-sayo." Umiiyak na saad ni Sheena habang nakaluhod at nakayuko.

Napakuyom ako sa kamao ko. Gustong-gusto ko ng pumasok sa loob at sampalin si Gwen pero hindi ko muna ginawa. Gusto ko pang marinig ang iba pa nilang pag-uusapan.

Bitch. Akala ko pa naman hindi siya katulad ng kaibigan niyang si Lauren at Dara dahil madalas lang naman siyang tahimik at hindi nagsasalita. Pero hindi ko alam na palihim niya palang inaatake ang bestfriend ko ng wala akong kaalam-alam.

"Itigil?" Tanong niya saka humalakhak ng malakas. "Yeah, Wala ka ngang kasalanan sa akin pero yung bestfriend mo meron."

Natigilan ako sa narinig. Alam kong ako ang 'Bestfriend' na tinutukoy niya.

Anong ginawa kong masama sa kanya?

Pinantayan niya si Sheena at mahigpit na hinawakan ang panga niya. Kaagad naman akong nagtangis ng bagang at lalong napakuyom. Gustong-gusto ko nang manapak.

"Ititigil ko lang ang panggugulo ko sayo pag ginawa mo ang pinag-uutos ko sayo." Saad niya at ngumisi.

Anong..

"Sabi nang hindi ko nga kayang saktan si Astreae! She's my bestfriend and I will never hurt her! Hindi ko kaya!" Saad ni Sheena at napaiyak.

Kumirot ang puso ko sa narinig.

"Simple lang naman ang pinapagawa ko! Sabihan mo lang siya na ayaw mo na sa kanya! Na ayaw mo ng maging kaibigan niya! Mahirap ba yon?! Fine! Ayaw mo akong sundin? Gagawin kong impyerno ang buhay mo at kayang-kaya kong agawin si Eustace sayo!" Nanggagalaiting sigaw ni Gwen.

Hindi ko na nakayanan ang mga narinig kaya naman ay tuluyan na akong pumasok.

"Bakit ba galit na galit sa akin?" Kalmadong tanong ko kay Gwen.

Napalingon naman silang dalawa sa akin at agad na nagulat ng makita ako. Napaiyak muli si Sheena habang si Gwen naman ay napangisi at dahan-dahang humarap sa akin.

"Gusto mong malaman kung bakit?" Sagot niya habang may malaking pekeng ngiti. Hindi ako sumagot.

Silence means yes.

"Well, ginawa mo lang naman na impyerno ang buhay ko." She said as her fake smile faded. Unti-unting naging galit ang ekspresyon niya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkamuhi sa akin. Wala akong natatandaan na ginawang masama sa kanya. Kaya wala talaga akong kaalam-alam kung bakit galit siya sa akin.

"My father is Headmaster Angelo."

Kaagad akong natigilan sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala sa narinig na anak pala siya ni Tito Angelo. I thought patay na ang anak ni Tito? At kung anak nga siya ni Tito Angelo anong connect?

Anong connect ni Tito Angelo dito?

Sarkastiko siyang tumawa saka muli akong sinamaan ng tingin. "Dad never treated me as his own. Ni hindi niya ako maipakakaila sa mga tao. Kinakahiya niya na nagkaroon siya ng anak na katulad ko. Kasi naman in the first place, hindi niya gusto na mabuo ako. Kasi ayaw niya kay Mom."

Hindi ako nakapagsasalita at napakurap na lang. Anong kinalaman ko dito?

Tumawang muli si Gwen pero kita ko ang paglandas ng mga luha sa pisngi niya. "Nagpakasal si Dad at nagkaroon ng ibang pamilya habang kami ni Mama ay naiwang malungkot at galit sa kanya."

".. Kaya naman ay pinatay ni Mom ang asawa at anak ni Dad dahil naniniwala kami na sila ang hadlang sa amin. Kami lang dapat ang pamilya ni Dad."

Napasinghap kaming dalawa ni Sheena sa narinig. She and her mother.. they're both insane! Kaya nilang pumatay ng tao para sa pansarili nilang kagustuhan!

Gusto kong sigawan si Gwen pero hindi ko ginawa at nakinig na lang sa susunod na sasabihin niya. Hindi ko parin alam kung anong naging kasalanan ko sa kanya. Wala naman akong kinalaman sa nangyari sa pamilya niya.

"Pero ganun parin! Akala ko pag nawala ang asawa at anak ni Dad ay mapapansin at mamahalin niya na kami pero mas lumala lang ang trato niya sa amin ni Mommy. Ok na sana sa akin kahit ganun ang trato niya sa amin. Ok lang sana pero dumating ka at ang kambal mo.." ramdam ko ang matinding galit at sakit sa boses niya.

Kaagad na napakunot ang noo ko. Anong kinalam namin...

"Inggit na inggit ako kasi napakamaalaga niya sa inyo! Pinapasyal niya kayo sa playground, kinikiliti kayo sa tagiliran, nakakausap niyo siya ng hindi sumisigaw, tumatawa siya kapag kayo ang kasama niya at higit sa lahat, nag-aalala siya para sa inyo. Pero kahit kailan hindi siya naging ganyan sa akin. Kahit ako yung anak niya, kayo ang itinuturing niyang anak kesa sa akin." Umiiyak na saad niya.

Awang-awa na ako sa kanya. Hindi ko naman kasi alam na ganito ang nararamdaman niya habang kami ay nagsasaya habang kasama si Tito Angelo. Hindi ko naman din kasi alam na anak ni Tito si Gwen. Wala siyang ikinuwento sa amin o kahit nabanggit man lang. Wala akong alam but still, guilty parin ako.

I always love and respect Tito Angelo because for me, he is my second father pero ngayon, galit ako sa kanya. Hindi ko alam na kaya niya palang gawin to sa sarili niyang anak.

"Kaya habang lumalaki tayo ay lumalaki rin ang poot ko sa inyong dalawa ng kambal mo. Ginawa ko ang lahat para pag-awayin kayo ng kambal mo para masira kayo. Kinaibigan ko si Lauren para lang may makasama ako hanggang sa...naging tagumpay nga ang plano ko. Nagkasira kayo ng kambal mo. Naging ayon sa akin ang lahat and now, nandito na tayo ngayon at nalaman mo na ang lahat." Saad niya at marahas na pinunasan ang luha niya.

"Hindi ko nga alam kong bakit sinasabi ko sa iyo ang lahat ng ito." Mariing saad niya at saka ngumisi.

Dahan-dahan ko siyang nilapitan siya at tinitignan siya ng masama bago ko binalingan si Sheena at pinatayo.

"Kung gusto mo akong gantihan wag kang mandamay ng tao."

Hinila ko na si Sheena at akmang aalis na kami nang muling nagsalita si Gwen.

"Hindi pa ako tapos sayo kaya wag kang pakampante. Alam ko ang lahat ng sekreto mo.. Astreae.." Saad niya. Kahit nakatalikod na ako ay feeling ko ay nakangisi siya habang sinasabi ang mga katagang yon.

"Or should I call you At—"

"Shut the fuck up!" Nanlilisik ang mata ko ng lumingon ako sa kanya. Kita ko naman ang malaking ngisi sa labi niya.

She really knows my secrets huh?

Paano niya nalaman?!

"Mag-iingat ka...may panganib na darating..sayo.." Nakangising saad niya bago niya kami lampasan at tuluyang naglakad palayo.

Damn that bitch.










TRAPPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon