29: Legend of Abaddon

840 43 9
                                    

"Bakit nga kasi kayo nagsuntukan?" Pangungulit ko kay Diego pero inisnob niya lang ako.

"Astreae ayaw ko ng pag-usapan."

Napabuntung-hininga na lang ako dahil wala siyang balak na sabihin sa akin kung ano ang dahilan ng alitan nilang dalawa nung wala pa akong malay.

"Manhid mo, Astreae."

"Anong sabi mo Eustace?" Taas kilay na tanong ko sa kanya ng marinig kong may binulong siya at nasama ang pangalan ko.

Mabilis naman siyang umiling-iling. "Wala-wala!"

Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Tahimik lang akong naglalakad ng bigla akong akbayan ng dalawa. Tumigil ako sa paglalakad at sinamaan sila ng tingin. Nagpatay-malisya naman sila at tumingin sa magka-ibang direksyon.

"Putulin ko tong mga braso niyo sige!"

Kaagad naman nila akong binitawan at nagpatay-malisya parin. Hobby talaga nila ang umakbay sa akin! Porke't gumaling na ako ay gaganituhin na nila ako.

"Nasaan ba yung girlfriend mo oy!" Tanong ni Diego kay Eustace.

"Sabi niya sa library daw-"

"Guys!"

Napalingon kami at nakita naming tumatakbo si Sheena papunta sa amin.

"Oh ayan na pala eh."

Humihingal si Sheena ng makarating siya sa harap namin.

"Saan ka galing?"

"Kay Ms. Langitan. Hiniram ko tong Legend of Abaddon sa kanya. Nandito lahat ng gusto mong malaman, Astreae. Sa katunayan, ayaw niya pa ngang ibigay sa akin dahil ito na lang daw ang kahuli-hulihang copy ng libro at baka mawala pa pero nakiusap ako na isasauli ko kaagad kaya sa huli pinahiram niya na rin." May ipinakita na libro si Sheena sa akin at kita sa cover nito ang lungsod namin. "Tara na sa lib!" Saad niya kaya naman ay sumunod na rin kami sa kanya.

I remembered, Ms. Langitan. Ang terror teacher namin sa Math. Buti nakaya ni Sheena na kausapin yon.

"Kayo lang talaga ang nagkakaintindihan dalawa. Ano bang meron?" Takang tanong ni Diego.

"Oo nga. Nga-nga lang kami dito at hindi namin alam kung para saan tong ginagawa natin-"

"Shut up!" Sabay na sigaw namin ni Sheena dahilan para matigil sa pagsasalita si Eustace. Napangiwi naman siya.

"Fine! Shut up na po si me."

Nang makarating kami sa library at pinili namin na maupo sa pinakasulok at yung walang masyadong tao. Sinimulan ni Sheenang buksan ang libro na dala niya.

Habang binabasa niya ang nakapaloob dito ay nalaman ko ang lahat tungkol sa pinagmulan ng lungsod namin.

"Unknown pa ang pangalan ng lugar na ito noon. Maliit ang populasyon ng mga tao, malayo sa ibang mga baranggay at lungsod. Naniniwala ang lahat ng mga naninirahan dito na sila ay may karapatan na hindi sumunod sa patakaran ng gobyerno. Gusto nila ng kalayaan. Naniniwala sila na hindi sila sakop ng gobyerno. Tahimik lang na namumuhay ang mga tao sa lugar na ito noon. Hanggang sa.." Saad ni Sheena at bahagyang tumigil sa pagbabasa. "Dumating ang pamilya Archeron sa lugar."

Nanigas ako sa kinauupuan ko sa narinig. Archeron..

'Astreae Gin Archeron and Atlanta Gresel Archeron'

Bumalik sa ala-ala ko ang nabasa ko aa likod ng pictures namin na nakalagay sa loob ng box.

Anong..ibig sabihin nito?

"Ok ka lang?" Tanong ni Sheena at itinigil ang pagbabasa. Tumango na lang ako kahit hindi ako ok.

"Ipagpatuloy mo." Sagot ko.

"Teka hindi namin maintindihan-"

Napalingon kami ni Sheena sa dalawa at sinamaan sila ng tingin kaya sinarado na lang nila ang mga bibig nila at nag peace sign. Binalik na namin ni Sheena ang tingin sa libro.

"Ang pamilya Archeron ay tinitingala ng lahat dahil sa kanilang karangyaan at dahil na rin sa kabutihan ng kanilang kalooban sa lahat ng mamamayan. Kaya naman ay nakumbinsi nila ang mga tao na sila ang mamuno sa lugar. Doon na pinangalanang 'Abaddon' ang dating lugar ng Unknown.." Saad ni Sheena Kaya tumango-tango ako.

Ang mga Archeron pala ang nagpangalan ng Lugar namin.

"Dahil sa pamumuno ni Gaius Archeron naging marangya ang Abaddon at unti-unting umuunlad at dumarami na rin ang populasyon ng mga tao. Naging tanyag ang Abaddon hanggang sa tinawag na rin ito na isang 'City.' at naging isa sa pinakamayamang lungsod. Maraming taon ang lumipas at unti-unti ng nagtaka ang lahat sa pamilya Archeron."

Kumakabog ang dib-dib ko habang nakikinig sa susunod na sasabihin ni Sheena.

"Ang kanilang pinuno ay si Gaius Archeron parin at hindi ito tumatanda. Maging ang buo niyang pamilya ay hindi nagbago ang itsura kahit maraming taon na ang lumipas."

Natigilan ako sa narinig. Maging sina Eustace at Diego ay napasinghap.

"Hala!"

"Vampira kaya sila?"

Hindi namin pinansin ang dalawa.

"Inalam ng mga tao ang sekreto ng pamilya Archeron at doon nila nalaman na ang pamilya pala ay may sinasambang demonyo na nag ngangalang Abaddon. Kaya naman ay hindi nagdalawang isip ang mga tao at sinugod nila ang mga Archeron at walang awa na pinatay ang buong pamilya."

Bumalot ang nakakabinging katahimikan sa amin. Hindi ako makapaniwala na may ganitong history para ang Lugar namin. Nakakakilabot.

"Ang sabi ng ilang albularyo, mangkukulam at manghuhula, Si Abaddon ay isang demonyo na nakabantay sa mga kalululuwa sa impyerno. Kaya nitong bumuhay ng mga patay kung hihiling ka sa kanya pero may kapalit. Sabi rin ng ilang albularyo, si Abaddon ay may balak na sakupin ang mundo pero nangangailangan siya ng tulong ng isang tao."

Tuluyang nawalan ng kulay ang mukha ko. Kaya pala..kaya pala nagawa niya akong buhayin dahil isa siyang demonyo.

Nakipagkasundo si Mama sa isang demonyo.

"Ibinaon ng lahat sa limot ang nangyari. Naghalal sila ng bagong pinuno at muling naging saayos ang lahat. Mas lalong lumago ang buong lungsod ng Abaddon hanggang sa naipagawa ang mga dambuhalang pader-" tumigil na si Sheena sa pagbabasa. "Mga achievements na to dito. Wala ng tungkol kay Abaddon, Astreae."

Napalingon ang dalawa sa akin.

"Bakit gusto mong malaman ang tungkol kay Abaddon?" Takang tanong ni Diego.

I tried so hard to hide my emotions. Luckily, nagawa ko naman.

I shrugged. "Strange dreams." I calmly said as if wala akong masyadong pake.

"Teka, may picture pala ang pamilya Archeron dito sa book!"

Kaagad nakuha ni Sheena ang atensyon ko.

"Asan? Patingin."

Medyo blurred at black and white ang pic pero klaro din naman. Ang dami pala nilang family members. Isa-isa kong tinitigan ang mga mukha nila hanggang sa natigilan ako ng may ma mukhaan.

Parang sumabog ang buong mundo ko ng makilala ko ang isa sa kanila. Bata pa siya dito pero sigurado akong siya to. Siguradong-sigurado ako..

Papa..

Why the hell is he here?!

TRAPPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon