"After that mga anak, fruits naman ang idraw ninyo okay." Saad ko. Pumapalibot ako habang nakatingin sa aking mga estudyante na nagsusulat ng pangalan sa kani kanilang papel."Tisher I need eraser po!" Lumingon ako sa nagsalita.
Nakangiti akong Lumapit kay aya saka kinuha ang eraser sa blusa ko.
"Here anak. May namali ba?"
Hawak niya ang eraser. Pinudpod niya iyon sa papel.
"Opo tisher."cute na tinig niya.
Ngumiti ako saka nagpaalam para bumalik sa table ko. It's been 5 years at nagtuturo na ako ngayon dito sa isang private school. Preparatory ang mga tinuturuan ko. Isang oras ang itinagal bago sila natapos sa pinapagawa ko.
"Finish na po teacher jasiah!" Sabay sabay nilang sigaw.
Nakangiti akong humarap sa kanila.
"After niyo matapos anong susunod na gagawin?" Ngiti kong usal.
"Fall in line po teacher"sagot naman ng isang istudyante na si Rio.
"Good job Rio. Oh gawin niyo na." Saad ko.
Umayos sila ng pila isa Isa. Ang mga lalaki sa right side ang babae naman sa left side.
Isa Isa nilang ibinigay saakin ang papel.
Ng matapos ang klase namin nagtungo ako agad ng faculty.Namataan ko doon sila aira at Mara. Sila ang Co teacher ko.
"Hi frenny. Kamusta pagturo sa mga chikiting mo?" Tanong agad ni Mara. Lumapit ako sa kanilang dalawa saka umupo sa bakanteng upuan.
"Ayos naman. Kaninang Umaga pumunta sakin ang mother ni Hannah hindi daw makakapasok dahil may sakit. Hays naulanan siguro nung nakaraang araw."pagkuwento ko.
"Siguro, jusko kawawa naman."Saad naman ni aira.
"May activity pa naman silang dapat gawin pero saka na pag nakapasok na si Hannah. Anyway, uuwi na ba kayo?" Pag iiba ko ng usapan.
"Oo fren actually, hinihintay ka lang namin." Saad nilang pareho.
Natawa naman ako. Sila ang naging kaibigan ko simula ng magturo ako dito. Si via nakakausap ko pa naman pero madalang na.
"O sige tara na at gumara pauwi"nakangiti kong asal.
Sabay sabay naming kinuha ang mga gamit namin. Mababait silang dalawa actually, yung isang Co teacher namin noon parang naiinis sakin at sila ang nagtanggol saakin. Umalis na iyon dito sa school at nagpapasalamat ako dahil don.
Dumaan kami sa isang paresan at kumain.
"May bagong teacher nyan sabi ni ma'am principal. Diba nga aalis si ma'am Kristine joy at yon ang papalit sa kanya. Omg frenns balita ko lalaki yon tsaka guwapo!" Kinikilig na kuwento ni Mara.
Ngumiwi kaming pareho ni aira sa inusal niya. Palibhasa walang asawa.
"Ang tanda mo na kasi bat di ka pa magasawa. Hanggang kilig kilig ka nalang" natawa kaming pareho ni aira ng sabihin niya iyon.
Ngumuso si Mara.
"Alam mo naman yung ex ko kakainis yon natrauma tuloy akong mag asawa"nakanguso niyang Saad.
"Jusko naman Mara iba yung ex mo. Malay mo nanjan na sa tabi tabi ang magiging hubby mo" todo ngiti kong pang aasar.
"Ewan ko sa inyo! Pinagtutulungan niyoko ha! Porket may love of your life na kayo hmmp!"
Pare pareho kaming natawa. Ilang sandali pa kaming nagkuwentuhan. Ng matapos naming kumain nagpaalam na kami sa isat Isa.
Sumakay ako ng tricycle para makauwi na. Hapon na din ng makarating ako sa bahay. Binuksan ko ang gate. Nilagay ko ang doll shoes ko sa shoe rack saka pinihit ang pinto papasok.
Nakangiti akong nagtungo ng kusina dahil sa amoy na nanggagaling doon. Nakatayo habang nagluluto doon ang isang postura ng lalaki. Nakaapron ito.
Niyakap ko ito patalikod. Ramdam ko ang pag tigil nito. Amoy ko ang mabango nitong pabango.
"Good evening babe" paos niyang Saad.
Napangiti ako.
"Evening, babe ang bango mo"usal ko.
Humarap siya saakin. Ang guwapo talaga. Nakangisi siyang tumingin saakin.
"Are you teasing me?" Ngisi niyang usal.
Napalunok naman ako.
"Of course not! Hehe" nakangiti akong lumayo saka tinignan ang kanyang niluluto.
"Chicken afritada wow!" Masaya kong usal.
"My baby's favorite" siya naman ang yumakap patalikod. IPinatong niya ang kanyang baba sa balikat ko.
"Kumain na ako pero sige kakain ulit para matikman ko ang niluto mo" mahina kong Saad.
"I love you" paos niyang bulong.
"I love you more." Tugon ko.
Ilang minuto pa kaming naglambingan. 3 years na ang nakalipas ng sagutin ko si kiel. Nung una nagdadalawang isip pa ako dahil sa kaibigan niya. Pero sa huli puso ko ang nagwagi.
"MOMMY!" Pareho kaming napalayo sa isat Isa ng marinig ang munting tinig mula sa hagdan.
Nakangiti akong lumingon ng makita si Wallace na pababa ng hagdan.
"Baby! Oh careful anak" nakangiti akong lumapit sa anak ko.
Yumakap sakin ang maliit niyang braso. Amoy ko agad ang pabango niyang pangbaby.
"I miss you mommy!" Cute niyang usal.
Napangiti naman ako."Let's eat na anak. I miss you too" Saad ko naman.
"My two babies. Can I have a hug too?" Pareho kaming lumingon ng magsalita si kiel sa likuran.
Binuhat ko si wallace saka parehong niyakap si kiel.
BINABASA MO ANG
My Sex Addiction (COMPLETED) |EDITING|
Romance|MATURED SCENES| !SPG! A/N: Expect some immature typings Being Raised in poverty, Jassiah Guerrero Became S*X addict. Will they get together? Written in: Tagalog Start: Sep 10, 2020 End: Oct. 4, 2021