(Wallace kayden guerrero)
___________________
"Hmm?" Tanong ni kiel habang naghihintay ng sagot ko.
Sinubuan niya ako ng parang Suman pero masarap siya.
Napa thumbs up ako sa kanya at yun namang ikinangiti niya.
Andito kami sa isang cottage habang ang anak ko at si manang ay naliligo sa dagat.
Nakatwo piece swimsuit ako. Kokontra pa Sana si kiel sa suot ko pero nakipagtalunan muna ako dahil last ko na toh mygad uumbok din ang tiyan ko.
"Nakausap ko siya"biglang sabi ni kiel.
Napalunok ako ng ilang beses. Alam ko na agad kung sino ang tinutukoy niya.
Nag-iwas ako ng tingin saka ibinaling sa malawak na karagatan. Ang sarap ng Simoy ng hangin dito
"Nagkita na pala kayo"tugon ko.
"Uhuh. Jas tatanungin na kita"aniya na ikinabaling ko ng tingin sa kanya.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ano?"
Huminga ito ng malalim saka tumitig saakin.
"Payag ka bang pakasalan ako kahit may anak kayo ni lucas? Kasi jas may anak din tayo"aniya.
Natahimik ako at hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong nito.
"Kasal ba agad?" Tanong ko.
Nagulat siya sa itinugon ko.
"Gusto mo na ba? Puwede naman na nating planuhin jas" sabi niya saka hinawakan ang kamay ko.
Walang emosyon akong tumitig sa mga Mata niya.
'Totoo may anak kami. Tsaka kasal naman na si lucas ano pang mapapala ko kung pinilit ko sarili ko Pati na ang anak ko sakanya?. May anak din kami ni kiel na ipinagbubuntis ko ngayon wala siyang asawa at maayos naman siyang maging ama kahit na hindi siya ang ama ni Wallace.
"Ang lalim ng iniisip mo hindi mo na nasagot tanong ko" nagbalik ako sa wisyo ng magsalita si kiel.
Huminga ako ng malalim saka sumagot.
"Nagiisip pa ako"tugon ko.
"Hmm"
Nagiwas ako ng tingin saka kinuha ang buko juice.
Sumisimsim ako ng madami dami bago ilagay yon sa table.
"Pakakasalan kita kiel pero hindi pa ako handa"sagot ko.
Rinig ko ang singhap nito saka nagiwas ng tingin.
"Maghihintay ako"huli nitong sabi bago naglakad papunta sa dagat.
Pinanood ko siyang magtungo don habang sunod sunod na buntong hininga.
Iniwasan ko lahat ng puwede kong maisip dahil baka maistress ako ng dahil don. Sumunod ako papunta sa mag ama ko na naglalaro ng sand.
Nakangiti akong lumapit. Nilingon nila akong dalawa
"Mommy let's play!" Ani ni lucas habang gumagawa ng mini castle.
Ngumiti ako saka umupo sa buhanginan.
"Nag p-play kayo ni daddy ah"wika ko.
"Opo mommy" Sagot ni Wallace.
"Tell your mom na gusto mo ng baby girl" sabat ni kiel na ikinalingon ko.
Nakangiti siyang tumingin saakin.
"Mommy I want baby sister"nakangusong sabi ng anak ko.
"Baby hindi pa natin alam ang gender ng kapatid mo"sagot ko.
"Pray for it, na sana baby sister ang gender ng kapatid mo"wika ni kiel saka ginulo nito ang buhok ng anak ko.
Natawa ako sa reaksyon ni Wallace. Gustong gusto talaga niya ng kapatid na babae.
'Ginalingan ko naman...
"Don't worry pag hindi babae ang kapatid mo gagawa pa kami isa" aniya ni kiel.
Tinaliman ko agad siya ng tingin saka pinalo sa braso.
"Loko ka kung ano anong sinasabi mo naririnig ng bata!" Galit kong sabi.
Natawa siya na mas lalo kong kinainis.
Nahawa ata ang anak ko sa kalokohan ng tatay niya kaya natawa din
"Seriously kiel?" Nakataas ang kilay kong sabi.
"What babe?" Nakangisi nitong tugon.
"Ewan ko sayo" pinatong ko ang kamay ko sa balikat nito saka tumayo.
Dumaing siya ng idiin ko ang paghawak doon.
Ngunit mas natawa siya. Kakainis!
"Mommy, bakit po kayo galit?" Natatawang tanong ni Wallace.
Huminga ako ng malalim saka pilit na ngumiti sa anak ko.
"Hindi anak. Pinagsasabihan ko lang ang daddy mo"tugon ko.
Tumango siya ng sunod sunod. "Okay po!"
Ngumiti ako sa kanilang dalawa saka tumalikod.
Rinig ko ang usapan nila at alam Kong inaasar ako ni kiel.
Natawa nalang ako tsaka inisip na ang Saya na kasi unti unti ng natutupad ang pangarap kong magkaroon ng masayang pamilya.
BINABASA MO ANG
My Sex Addiction (COMPLETED) |EDITING|
Romance|MATURED SCENES| !SPG! A/N: Expect some immature typings Being Raised in poverty, Jassiah Guerrero Became S*X addict. Will they get together? Written in: Tagalog Start: Sep 10, 2020 End: Oct. 4, 2021