"You know what naiinis ako sayo nung una nating pagkikita"sabi ko sa kaharap ko.
Ngumisi siya atsaka sumimsim sa kape niya habang nakatingin sakin. Nilapag niya iyon tsaka umayos ng upo.
"You know what too? Naattract ako sayo nung una nating pagkikita"nakangisi niyang tugon.
Natigilan naman ako atsaka lumunok.
"Just kidding. btw, bakit ka nga pala nandito eh madaling araw na"aniya.
Natigilan naman ako ng maalala ang ginawa ng kaibigan niya. Yeah! Kabigan niya man yun o katrabaho basta nakakabwisit yung kiel na yun!
Kumunot ang noo ko atsaka inis siyang tinignan. Kumunot naman ang noo niya batid na nagtataka siya sa inaasta ko. nakasex ko lang naman kanina ang kaibigan mo!
"Uhmm nothing nagcrave lang ako sa frappe"tugon ko.
Napatango tango naman siya habang nilalaro ang labi niya ng nakatingin sakin. naiilang na ako sa titig niya sa'kin!
Pero biglang nag ring ang phone niya kaya nag excuse muna siya atsaka sinagot yun. Tinignan ko naman siya habang iniinom ang frappe ko. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya batid kong iba ang binigay na mensahe ng kausap niya.
Tumingin siya sakin habang pinatay niya ang tawag atsaka lumapit.
"I'm sorry, i have to go. hatid na pala kita anong oras na"aniya habang tinitignan ang relo niya.
Umubo naman ako ng mahina tsaka tumayo na. Tumingin siya sakin.
"Sige"walang hiya kong sabi.
Tumango naman siya tsaka nagpamauna ng lumabas. Sinundan ko naman siya. Dumeretso siya sa sasakyang nakapark dun sa may parking lot. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto sa passenger's seat.
"Get in"utos niya.
Mabilis naman akong pumasok. Nagulat pa ako ng pinasok niya ang kalahati ng katawan niya tumingin siya sakin. Halos magkalapit na ang mukha namin ng lumingon siya sakin. Napalunok naman ako ng ngumisi siya atsaka tumingin sa labi ko.
"Nice lips"bulong niya tsaka tumingin sakin.
Naginit ang pisngi ko sa sinabi niya. Tulala akong nakatingin sa labas habang siya umikot na papunta sa driver's seat. Tahimik lang kaming dalawa habang nagbabiyahe.
Tinignan ko ang oras 3:35 am palang pala. Hayst sure ako di ako iniintay ni via syempre nahulaan niya na ang nangyare samin nung kiel na yun tch.
"Saan bahay mo?"biglang tanong niya.
Hindi ko pa alam pangalan niya!" sa tibra lang"sagot ko. Lumingon naman siya atsaka Tumango.
Tumingin nalang ako sa labas habang nagiisip isip.
Hindi na kami umimik hanggang sa makarating kami sa bahay ko. Lumabas na ako. Narinig ko ding bumukas ang pinto niya hudyat na lumabas din siya.
Nahihiya akong tumingin sa kanya atsaka lumunok. Nagdapo ang tingin namin lumapit siya sakin atsaka tinignan ang bahay ko.
"Dito ka pala nakatira hmm"bulong niya pero narinig ko pa naman.
"yeah"
Tumingin siya ulit sakin tsaka ngumisi.
"Ahh thank you pala" sabi ko.
" welcome"simple niyang sagot.
"Pasok ka?"aya ko.
"Puwede ba?"
"Oo naman tara"
Nanguuna akong maglakad atsaka binuksan ang gate. Pinapasok ko muna siya.
"doon tayo"aya ko
Binuksan ko na ang pinto tsaka nagpamaunang pumasok. Nakakahiya! Nakakalat pa ang bra ko sa sofa!
Dali dali kong kinuha ang bra ko doon tsaka tinago. Nagtataka naman siyang lumingon sakin nginitian ko nalang.
"Hehe wala yun"sabi ko. Ngumiti naman siya atsaka nagiwas ng tingin.
Pinunta ko siya sa taas. Kinakabahan ako at baka mahuli kami ni via the heck.
"magbibihis muna ako"sabi ko.
"Go ahead"aniya. Tumango naman ako atsaka dali daling pumunta sa kuwarto ko atsaka nagbihis.
Nakasando lang ako atsaka maiksing short. Binuksan ko na din ang aircon ko para lumamig na.
Lumabas na ako nandun naman siya nakatingin sa mga picture frame.
"Ahh tara kain muna tayo"aya ko. Lumingon siya sakin.
"But i want to eat you"bulong niya. Halos manlamig ako ng lumapit siya sakin.
"H-hah"
"Kidding"natatawa niyang sagot tsaka ako inakbayan.
Tumayo ang mga balahibo ko ng maramdaman ang mainit niyang balat sa braso ko. Tinignan ko ang kamay niyang nandoon tsaka siya nilingon.
"San ba ang kitchen niyo?"tanong niya tsaka tumingin sakin.
"Ahh doon tara na"
Nagtungo kami sa kusina. Nakaupo naman siya sa may upuan habang nakatitig sakin sa ginagawa ko.
Nagluto ako ng egg,bacon,spam tsaka toast bread. Nilagay ko na yun sa lamesa tsaka kumuha ng plato.
Nilagyan ko siya ng isang plato tsaka fork.
Tahimik lang kaming kumakain halos walang umiimik! Nakakailang....
"Btw, my name is lucas"biglang sabi niya. Tumingin naman ako sa kanya.
"Ahh yun pala name mo. Hmm nice to meet you lucas. pangalan ko ay jasiah, jas nalang"tugon ko tsaka ngumiti.
"Oh nice to meet you too jas"aniya tsaka ngumisi.
Tumango nalang ako tsaka pinagpatuloy ang pagkain. Di na siya umimik hanggang sa matapos kaming kumain. Nag pasya pa siyang siya anb maghuhugas pero tumanggi na ako. Hinugasan ko na yun habang siya ay nakatitig lang saakin.
Ng matapos kong maghugas inaya ko na siya na dito muna matulog. Sumangayon naman siya. Atsaka sabi niya hindi na daw siya tutuloy sa pinagusapan nila kanina nung kausap niya sa phone niya.
Pinatulog ko siya sa may guestroom. Buti nalang pinalagyan ko na ng aircon yun kaya malamig. Iniwan ko na siya doon tsaka pumunta sa kuwarto ko. Ginawa ko pa ang night routine ko bago matulog........
BINABASA MO ANG
My Sex Addiction (COMPLETED) |EDITING|
Romance|MATURED SCENES| !SPG! A/N: Expect some immature typings Being Raised in poverty, Jassiah Guerrero Became S*X addict. Will they get together? Written in: Tagalog Start: Sep 10, 2020 End: Oct. 4, 2021