34

3.4K 42 2
                                    


FLASHBACKS PART 3』last part

"Shh ako na bahala" nagpresinta siyang magtimpla ng gatas para kay Wallace.

Alas tres palang ng madaling araw pero umuungot na kakaiyak ang anak ko.
Tumayo ako para tignan siya saka binuhat

"Asuss iiyak ang baby ko na yan ah"pagkausap ko sa anak ko.

Ang nguso nito ay nakapout hanggang sa umiyak nanaman. Natawa ako saka umupo sa upuan.

Bumalik si kiel dala ang gatas saka binigay saakin.

"Thank you" pinadede ko ang anak ko saka nakapikit na sumandal sa upuan.

"Kamuka niya" biglang wika ni kiel.

'Alam ko. Halos lahat ata ng anggulo ng tatay niya nakuha na. 

"Hmm"ungot ko.

"Hindi ka ba napapagod?" Tanong nito.

"Saan? May dapat ba akong ikapagod?" Nagdilat ako ng mata saka siya hinarap.

"Sa lahat"

Bumuntong hininga ako saka umiling.

"Hindi. Hinding hindi ako mapapagod dahil kaya ko naman. Lalo na may anak na ako kakayanin ko para sa kanya, sa future ko na hindi ko natupad" sagot ko.

Mahina siyang huminga ng malalim saka lumapit saakin. Hinawakan niya kamay ko na nakahawak kay Wallace.

"Andito lang ako jas" aniya habang nakatingin saakin.

Lumunok ako saka nagiwas ng tingin

"Hindi mo naman kailangan gawin ito kiel. May sariling buhay ka na dapat mong inaasikaso ngayon"tugon ko.

"Gagawin ko yon kasama ka"

Huminga ako ng malalim. Hindi na ako sumagot ayoko din nakikipag usap ng matagalan.

"I love you. Mahal na mahal kita jas sa tagal nating magkasama mas lalo akong nahuhulog sayo, mas lalo kitang minamahal kasama na ang anak mo na magiging anak ko na din" dagdag nito.

Napalunok ako ng ilang beses para maiwasan ang pagbugso ng luha ko.

"Salamat kiel. Pero hindi pa ako handa magmahal. Hindi pa ako handang magkagusto  dahil kung meron man akong gusto yun ang tuparin muna ang mga pangarap ko bago yan. Gusto ko munang mabigyan ng magandang buhay ang anak ko" sagot ko habang nakatingin sa kanyang mata. 

mataman niya akong tinitigan. ramdam ko ang sinseridad siya sa akin.

"Alam ko. Mahal kita at hihintayin kita "

_______________

"Dahan dahan anak" natatawa akong nakatingin kay kiel habang hawak ang magkabilang kamay ni Wallace at tinutulungan itong maglakad.

Isang taong gulang na si wallace ngayon..

"Haya!" Wika ni kiel ng binuhat nito ang anak ko.

Nakangiti akong nakatingin sa kanila habang si Wallace ay nilalaro ang ilong ng papa niya.

" he likes your nose" sabi ko saka lumapit sa kanila.

"Ahh!" Daing ni kiel ng kurutin ng anak ko ang ilong nito.

Hinawakan ko agad ang kamay ni Wallace saka natatawang inalis iyon.

Nagngingitngit ang ipin nito na para bang gigil na gigil na nakatingin kay kiel.

Natawa kaming pareho sa reaksyon ng anak ko. Inabot sakin ni kiel ang anak ko.

"Ang sakit" natatawang Saad ni kiel. Natawa din ako dahil namumula ang ilong nito.

"Baby, bad yun ha" pagsabi ko kay Wallace.

Pero dinedma lang ako ng anak ko saka tumingin sa ibang direksyon.

"Let's go home na. Darating sila mommy lola at daddy lolo mo later anak" Ani ni kiel an ikinagulat ko.

"Pupunta Sila?" Tanong ko.

Tumango siya saakin.

"Yup. They want to visit our son" sagot niya.

Napatango tango ako habang naglalakad kami patungo sa subdivision.

Galing kami sa park at pinaglaro namin si Wallace. Natuwa naman siya at inantok sa pagod.

Hawak na ni kiel ang anak ko. Nakarating kami sa bahay natutulog na ito sa braso niya.

"Magtitimpla lang ako ilagay mo na siya sa kuwarto" utos ko. Tumango ito saka umakyat.

Nagtungo agad ako ng kusina saka kinuha ang baby bottle ni Wallace

Habang naglalagay ako ng gatas nito sa dedean merong nagdoor bell.

"Saglit lang!" Sigaw ko saka tinakpan ang de-de-an.

Kakababa lang din ni kiel. Kinuha niya saakin ang bote ng gatas saka nagpaalam paakyat.

Binuksan ko agad ang pinto. Tumambad saakin sila Mr and Mrs. Sadoviska.

"Hi iha!" Nakangiting bati ni tita kiara.

nagulat ako nang bahagya. "pasok po tita, tito." nakangiti kong sabi saka niluwagan ang pagbukas ng pinto.

"Salamat, jasiah. Oh nasan na ang mag ama mo?" Tanong agad ni tita ng makaupo Sila sa sofa.

"Ah tita nasa kuwarto po sila ni Wallace. Kakatulog lang po ni Wallace"nakangiti kong sagot.

Ngiti at tango ang sagot ni tita.

"Ah coffee po?" Tanong ko.

"Kahit na ano na"baritunong sagot ni tito.

Tumango ako at agad nagtungo ng kusina para magtimpla. Pinuntahan din nila so Wallace at kiel sa taas rinig ko ang usapan nila hanggang dito. Pati na din ang paguusap ni tita kay Wallace

Nakakatuwa dahil tanggap nila ang anak ko kahit hindi totoong ama ni Wallace si kiel.

Nakangiti kong inabot kay tito ang kape saka inilipag ang isa sa table.

"Ang cute cute naman ng apo ko" natutuwang Saad ni tita.

Lumapit saakin si kiel saka hinawakan ang kamay ko. Hinalikan niya ako sa pisngi at yun namang nilingon nila tito at tita.

Namula ang pisngi ko ng makita ang nanunukso nilang tingin.

"Asusss magpakasal na kaya kayo!"biglang sigaw ni tita habang napatili pa.

"Mom!" Suway ni kiel sa kanyang ina.

Napangiti ako sa inusal nila. Mabuti nalang at hindi nagising si Wallace sa tili ni tita.

"doon din naman ang hahantungan niyo anak"sabat ni tito.

"Yeah I know dad" wika ni kiel.

Nagtaas ako ng kilay sa kanya. 'Huwaw ha e hindi nga kami. Gusto kong sabihin yan pero ayaw ko naman mapahiya siya sa magulang niya.

Natutuwa akong pinapanood silang kinakausap si Wallace kahit na tulog ang anak ko

_______________

Sulat ko soon ang pov ni lucas yun lang babush

My Sex Addiction (COMPLETED) |EDITING|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon