30

4.2K 60 4
                                    


Nagising ako sa lamig ng hangin na dumapo sa paanan ko. Nakaulos pala ang kumot habang tutok ang aircon sa paanan ko.

Tinignan ko ang katabi ko. Kunot noo akong tumitig kay kiel na nakakunot din ang noo habang nakapikit, mahimbing pa ang kanyang tulog.

Dahan dahan kong inalis ang kumot na nakatabing sa katawan ko saka tumayo.

Inayos ko muna ang buhok kong magulo. 

Kumuha ako sa drawer ko ng underwear saka short at T shirt. Agad akong lumabas ng kuwarto wala na ata sila Wallace at manang.

Bumaba ako ng hagdan saka dumeretso ng kusina para uminom ng tubig.

Napadighay pa ako sa dami kong nainom. 

Hinawakan ko ang tiyan ko tsaka nagtungo sa may refrigerator. Naghanap ako ng puwedeng makain don sakto may natira pang mashed potato kagabi.

Kinuha ko yon saka pinainit sa microwave. Naghintay pa ako ilang Segundo tsaka ko nilantakan yon.

"Babe?" Natigil ako sa pag subo ng marinig ang tinig ni kiel.

"Oh? Andito ako sa kusina" tugon ko tsaka tinuloy ang pag kain ng mashed potato.

Rinig ko ang yabag nito palapit pero di ko na tinignan pa.

Umupo siya sa harap ko ramdam ko ang tingin nito saakin.

Nag angat ako ng ulo saka siya inalok ng kinakain ko pero inilingan niya lang.

"Tch edi don't" sabi ko.

Rinig ko ang tunog ng pag ngisi niya.

"Ang sungit mo ah, kagabi pa"

Di ko siya pinansin bugkod ay tinuloy ko lang ang pag kain ko. Gutom ako bahala siya jan

"Hey, talk to me" Ani niya habang pilit akong pinapatingin sa kanya.

Agad na naglapit ang dalawa kong kilay saka siya tinapunan ng tingin.

"Woah relax.." aniya.

" ingay mo"

" ang sungit naman niyan" he chuckled. 

Inirapan ko siya saka inubos na ng tuluyan ang mashed potato. Pati ang nasa gilid na Tira Tira kinamay ko na para di sayang.

"Gutom na gutom ka ah. Napagod ka kagabi?" Tanong niya.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Siraulo ka" sagot ko.

Natawa siya kaya mas lalo akong nainis.

"Sungit ng future wife ko" sambit nito.

"Muka mo"

"Guwapo ako babe"

"pangit!"

"Uy yang bunganga mo ha bad yan!"

"Mas bad pa yang muka mo! Napakasahol kadiri ka alis ka nga dito!" Naiinis kong aniya.

Gulat ito sa inasta ko.

"what's happening to you.." nanghihinala nitong sabi.

Naibaba ko ang bowl na hawak ko.

"Anong iba?" Maang maangan kong tanong habang nakakunot ang noo ko.

 nahalata niya ba?!

"Are you pregnant?"bigla nitong tanong.

Sunod sunod akong lumunok di ako makatingin ng deretso sa mga Mata niya.

Huminga ako ng malalim saka pinantayan ang tingin niya.

"Oo.. buntis ako" sagot ko.

Seryoso ang kanyang mga Mata habang nakatingin saakin. Nahugot niya ang hininga niya saka umiwas ng tingin saakin.

My Sex Addiction (COMPLETED) |EDITING|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon