25

4.7K 47 1
                                    

Nagpaalam ako agad kila aira at mara. Tinanong pa ako kung San ang Punta ko at napaaga pero ang sinabi ko nalang magdedate kami ni kiel. Todo hiyaw pa ang dalawa sa sinabi ko.

Sumakay agad ako ng tricycle para pumunta sa ob. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Nagbayad agad ako ng makarating. Ngumiti ako sa assistant ata ng doctor.

Tinawag niya si MRS. Cruz ang ob-gyne.

Naghintay ako habang nakaupo sa bench. Tinext ko din si kiel na matatagalan ako, sinabi ko nalang na mag m-mall kami nila aira at mira.

Nilagay ko na sa bag ang cp ko ng dumating ang doctora.

"Good afternoon Mrs?" Nakangiti niyang Saad

"Guerrero po"ngiti kong sagot.

Nagusap pa kami ng ilang minuto ng papasukin niya ako sa isang room.

Sinabi ko ang nararamdaman ko ng ilang araw na ang nakalipas. Matapos binigyan ako ng pregnancy test.

Tinest ko agad ang ihi ko. Naghintay pa ako ng ilang Segundo para makita ang resulta. Hawak ko ng mahigpit ang bag ko.

Natigilan ako ng makita ang resulta nito.

Dalawang guhit..

"Congrats Mrs. Guerrero" nakangiting puri ni doctora.

Pilit akong ngumiti.

Ang dami kong iniisip ng pauwi ako.
Natatakot pa akong sabihin kay kiel...

Tulala akong pumasok sa gate saka pinihit ang pinto.

Kita ko agad si kiel at Wallace na nanonood ng TV.

Ng lingunin nila ako agad na tumakbo papalapit saakin ang anak ko.

"Goodevening mommy!" Bati nito.

Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Goodevening, baby. Kumain kana ba?" Tanong ko dito.

"Opo mommy! Bumili po kami ni daddy sa mcdo"natutuwa nitong asal.

Nakangiti akong tumingin sa kanya.

Alanganin kong nilingon si kiel na papalapit.

Ngumiti ako ng tipid dito.

"Nagabi ka ah" sabat ni kiel.

Napalunok ako agad. Dahan dahan akong tumayo, hinawakan ko ang isang kamay ni Wallace.

"Nagbonding kami ng mga Co teacher ko"palusot ko.

" For sure pagod ka"aniya.

Tumango nalang ako.

"Nood tayo movie bago matulog."aya niya.

Tango lang ang sagot ko. Binuhat ko si Wallace para makaupo sa sofa. Nanood kami ng the grudge pero dahil hindi kaya ni Wallace nakatulog siya.

Binuhat ni kiel si Wallace papunta ng kuwarto nito. Huminga ako ng malalim bago sumunod sa kanila.

Next week ko na kaya sabihin kay kiel. Bibili din ako ng pt para maibigay sa kanya. Susurpresahin ko siya sa office niya

........

"Freeennndddddddd!!!! Omg! Ang guwapo ng new teacher!!" Humihiyaw na ani ni aira. Napatakip ako sa tenga sa sigaw niya.

Halos pagtinginan kaming lahat sa faculty.

Tinapik ni mira ang balikat nito saka sinabihan.

"Hui! Ano ba! Ang ingay jusko ka!" Sinabi nito.

Nagpaumanhin si aira sa mga teachers na iba. Nakita niya na?

"Talaga? Ano itsura?" Tanong ko.

"Eckkkkkkk! Jusko frend ang guwapo!" Hiyaw nito habang kinikilig.

Natawa kami ni mira.

Natigil kaming tatlo ng may pumihit sa pintuan.

Tinignan ko ito pataas.

Matangkad na lalaki ang puti niya. Napaiwas pa ako ng tingin ng tumingin ito sakin.

Guwapo nga

"Hi everyone, I'm Jace akhiro laxon" pagpapakilala nito.

Nagbulungan ang iba. Sakto namang pumasok ang principal.

"So sinabi ko na sa inyo ito kahapon."napa oo kaming lahat. Tumingin ito kay sir Jace. "Doon ang table mo sir" Turo nito sa taking table ko.

Napadaing ako sa kurot ni aira sa tagiliran ko.

"Hala frenddd sa tabi moo" kinikilig nitong bulong.

Sinabihan ko ito na tumahimik.

Lumingon ulit ako kay sir Jace. Napalaki ang mata ko ng makitang nakatingin ito saakin.

"Thanks ma'am" sagot ni sir Jace sa principal.

Bumalik ang lahat sa puwesto. Humakbang ako patungo sa table ko.

Nakita ko sa gilid ko ang paglapit ni sir Jace sa isang table na katabi ko.

"Uhm hi, may I ask kung saakin ba itong isang desk?" Tanong nito.

Nilingon ko ito. Ako ata ang tinatanungan.

Tumango ako saka ngumiti ng tipid.

"Thanks" sabi niya.

Hindi na ako umimik. Chinekan ko lahat ng ginawa ng mga studyante ko.

Nahihilo kong ibinaba ang ballpen na hawak ko saka umidlip.

My Sex Addiction (COMPLETED) |EDITING|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon