32

3.7K 36 2
                                    


『Flashback』

"Jasiah magiingat kayo ha" pagpapaalala ni via sakin habang hawak ang balikat ko.

Tumango ako saka siya niyakap ng mahigpit.

Bumyahe kami ng ilang oras hanggang sa makarating sa probinsya. Kinamusta agad ako ng mga kamag anak ko doom

"Jusko jasiah ang ganda mo!" Salubong na sabi ni nanay Maria saakin.

Siya ang nag alaga sa akin mula bata ako dahil na din napabayaan nila mama at papa nung Bata pa ako.

Sinalubong ko agad si nanay Maria ng yakap.

"Ang laki mo na anak ko" gumagaralgal ang boses nito habang kayakap ako.

Naging emosyonal ako dahil namiss ko din ang lola ko. Sa mahabang taon na tumira ako sa manila ni hindi ko na sila nadadalaw dito.

"Nay namiss ko kayo" naiiyak kong Saad.

Pinunasan niya ang luhang kumawala sa mata ko. Pati si nanay ay naiyak din

"Ate jasiah!" Napalingon ako sa batang tumawag saakin.

Nanlaki agad ang mata ko ng makita ko si nephira Isa sa pinsan ko.

"Ang laki mo na!" Gulat kong Saad.

Humiwalay sa yakap si nanay Maria saakin saka nakangiting nakatingin saamin ni nephira ng yakapin ako nito.

Humiwalay ako agad sa yakap saka tinignan ang kabuuan niya.

"Ang tangkad mo na ha. Grabe dalaga ka na ang bata mo pa nung nilalaro kita" masaya kong Saad.

"ate di nga po kita nakilala buti nalang sinabi saakin ni mama na ikaw na pala yan" Saad nito.

Natawa ako saka sinuklay ng daliri ko ang buhok nitong napakahaba.

Lumapit din saakin ang ibang mga tita at lola ko sa father side. Yes kamag anak ko Sila sa father side and I'm so happy kasi sila ang nagsilbing pamilya ko ng maging komplikado ang relasyon ng magulang ko.

Simula ng dumating ako dito pinakilala ko na sa kanila si kiel na kaibigan ko. Nalaman na din nilang buntis ako naiyak pa si nanay Maria dahil dati lang daw ay bata pa ako na kanyang binabantayan ngayon may anak na.

Naging emosyonal ako sa mga kuwento nila saakin. Gaya ng namatay ang lolo ko dun ako humagulgol sa iyak sinamahan ako ni kiel para Patahanin pero hindi tumigil ang luha ko dahil di ko manlang nalaman na nawala na pala si lolo.

"Cardiac arrest ang dahilan kaya nawala ang lolo mo. Hinahanap pa niya kayo anak ko lalo na mga pinsan mo nandito habang ikaw Wala. Pinasabi niya din na kapag pumunta ka dito ay malaman mo na sayo nakapamana ang lupa sa bayan na kanyang pag aari" kuwento ni lola Lorena saakin.

Mas lalo akong nahagulgol dahil doon.

"Shhhh it's okay. Masaya na ang lolo mo ngayon okay, tahan na"pinatong ni kiel ang ulo ko sa dibdib niya tsaka binigay ang panyo.

Madami pa silang ikinuwento na ikinatuwa ko. Ang mga damit ko noong bata ako tinago pala ng lola ko.

Ng maghapunan na madami silang inihandang pagkain. Tuwang tuwa silang tinutukso kami ni kiel pero ako dedma lang. Walang kami ni kiel dahil hindi pa ako handa sa ganon lalo na may anak na ako.

"Jas..drink this" iniabot saakin ni kiel ang isang tableta ng gamot.

Ngumiti ako sa kanya saka inabot ang gamot.

"Thank you"

Tumango ito saka inabot ang isang baso ng tubig. Ininom ko na yon saka pinunasan ang bibig ko

Tumabi siya sa tabi ko. Hating gabi na at andito ako sa dati kong tambayan noong bata ako, dito ko lang maramdaman ang katahimikan at nawawala lahat ng iniisip ko pag nakakalanghap ako ng fresh na hangin.

"Ang lalim ata ng naiisip mo" biglang sabi ni kiel sa tabi ko.

Napabuntong hininga ako. Saka siya tinignan

"Hindi naman." Sagot ko saka nagiwas.

"Hmm tungkol ba kay lucas?" Tanong nito.

Huminga ako ng malalim saka tumingin sa buwan. Ang ganda bilog na bilog ang sarap sa matang makita iyon sa sobrang liwanag.

"May asawa na pala siya 'no" sagot ko.

Hindi siya umimik ng ilang Segundo

"Yes. Kasal na siya kay jessica at yung batang anak niya si jessa" sabi nito.

'Jessica..

"Hmm."ungot ko.

"Itatago mo anak mo sa kanya?" Tanong nito.

"No choice"

Tinignan ko ang tiyan ko na hindi pa masyadong naumbok.

"Hindi ako maninira ng pamilya para lang sabihin kay lucas na panagutan ang anak namin" dagdag ko.

Natahimik siya. Ilang menuto kaming hindi umimik pero ramdam ko ang pagkailang niya.

Napangiti ako saka siya tinignan. Lumingon ito saakin

"Ikaw may girlfriend ka na ba?" Tanong ko.

Tumaas ang sulok ng labi nito saka umiling.

"Wala pa, may hinihintay kasi ako" sagot nito.

"Sino naman?"

Tumitig siya saakin. Napakunot ako ng noo ng maisip na baka ako yun.

inalis ko agad sa utak ko ang naisip, imposible yon. 

"You" sagot nito saka nagiwas ng tingin.

Gulat akong tumingin sa kanya.

"Bakit ako?"

"Because I want you, I like you jas" sabi pa niya.

Matunog akong ngumisi saka umiwas ng tingin. Sa buwan ulit ang tingin ko 'napapaisip ako kung bakit nangyare sa akin 'to. Deserve ko ba lahat ng nangyayare saakin?

Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Pahinga ang gusto ko kiel" sabi ko.

Rinig ko ang matunog nitong pag lunok.

"Magpahinga ka sakin. Andito lang ako sa tabi mo jas ako ang bahala sa inyo ng anak mo, ako ang kikilala niyang ama" sabi niya.

Bahala na

________________________

Mamadaliin ko na din itong tapusin kasi matagal ko ng nasimulan at natigilan ito noon ayun lang babushhh

My Sex Addiction (COMPLETED) |EDITING|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon