33

3.4K 37 1
                                    

『FLASHBACKS PART 2』

"Ito ang ipinamana sayo iha"sambit ni tita Lorena saakin. Napanganga ako sa laki ng lupa na ipinamana saakin ni lolo.

Hawak ni kiel ang kamay ko habang nakatapak kami sa lupang pagmamay ari ko na ngayon.

"Ang laking lupa ni'to tita"mangha kong sagot.

"Oo Ayan ang bilin saakin ni Kuya bago siya pumanaw" aniya.

Nilingon ko si tita saka ako ngumiti.

"Thank you po tita. Kung hindi pa po ako umuwi baka hindi ko nalaman ito. Thank you po talaga" pagpapasalamat ko.

"Ano kaba wala yun. Dahil eto ang bilin samin ng lolo mo ang ibigay sayo ang pinakamalaki niyang lupa"

Napangiti ako ng malaki sa sinabi ni tita.

Naramdaman ko sa bewang ko ang kamay ni kiel. Tinignan ko siya saka nginitian

"Oh sya maiwan ko muna kayo ha mauuna na ako at baka hinahanap na ako ni nanay maria" sabi ni tita saka hinawakan ang kamay ko.

"Sige po tita thank you ulit" huling sabi ko saka nilingon ulit ang lupang pagtatayuan ko ng bahay.

"Ang laki ng lupang ito jas" rinig kong sabi ni kiel.

"Yeah. Bahay ang kailangan kong ipatayo dito kiel, magtatrabaho ako para May matitirhan kami ng anak ko" sabi ko.

Ramdam ko ang titig nito saakin pero di na ako nag abala pang tumingin pabalik.

Ang tanging nararamdaman ko lang ngayon ay Saya dahil may lupa na ako.

"We can work it together"sambit niya.

Nilingon ko siya at dali daling inilingan.

"Kaya ko kiel. May sarili Kang pamumuhay at dapat iyon ang iniintindi mo sa ngayon okay"sagot ko.

Bumuntong hininga ito saka hinawakan ang pareho Kong kamay.

"Gagawin ko ang lahat para makasama kita at ang magiging anak mo. Anak natin.." seryoso siyang nakatingin saakin

Umiling ako saka siya nginitian.

"Kiel kaya ko ito . Atsaka thank you sa pagtulong mo saakin pero ang pagtulong na saakin para makapagpatayo ng bahay..."umiling ako."Kaya ko magisa ito at syempre kasama ang anak ko" dagdag ko.

"I want to be with you jas. And gagawin ko lahat para lang matanggap mo ako" aniya.

Bumuntong hininga ako saka dahan dahang inalis ang pagkakahawak nito sa kamay ko.

'Pangarap ko ito. Ang magkaroon ng buong pamilya pero..

Nag iwas ako ng tingin saka nagtungo sa sasakyan. Ramdam ko ang pag sunod nito sa akin pero di ko na siya nilingon.

"Jas.." aniya ni kiel ng maabutan ako.

Hinarap ko siya saka tinignan ng seryoso.

"Hindi pa ako handa kiel"sagot ko.

'Hindi pa.

_______________________

A Few months later~

"Kiel!! Manganganak na ako!"puno ng sakit ang nararamdaman ko ng pumutok na ang panubigan ko.

Agad kong narinig ang yabag papalapit saakin. Tumakbo si kiel palapit saka ako binuhat.

"Hey calm down.." pagpapakalma niya sakin habang mabilis akong isinakay sa kotse niya.

'Punyeta anong kalma! A

"Kiel bilisssss!!!" Pulos sigaw ko ang namayani sa buong sasakyan.

"Hala jusko jasiah manganganak ka na!" Sigaw na ani ni ate Marie.

Umikot papasok sa driver's seat si kiel saka dali daling sumakay.

Nakatingin saakin ang mga kamag anak ko. Pumasok si ate Marie saka ako tinabihan hawak nito ang tiyan kong malaki na ang umbok.

"Calm down jas" Ani ni kiel saka mabilis na pinaandar ang sasakyan.

"Kalma ka lang ha. Malapit lang hospital dito ha.." pagpapaalala ni ate Marie saakin.

Napapapikit ako sa sakit ng buong katawan ko lalo na ang tiyan ko.

Mabilis na pinatakbo ni kiel ang sasakyan hanggang sa makarating kami sa malapit na hospital dito.

Agad siyang bumaba saka pumunta sa direksyon ko at binuhat ako.

"Wheelchair please!" Sigaw niya na agad namang ibinigay ng security guard.

Lumapit din ang mga nurse saakin saka ako dinala sa delivery room.

Hawak ni kiel ang kamay ko habang hinahalik halikan yon. Nilingon ko siya saka naiiyak na pumikit.

"Kiel ang sakit.." naiiyak kong Saad.

"Shhhh it's okay normal Lang yan jas manganganak ka na" sabi nito.

Huminga ako ng malalim ng binuhat ako pahiga.

"Misis push!" Utos ng doctor na dali dali kong ginawa.

"Ah!!!"sigaw ko ng makaisang ire ako.

"Isa pa misis! Wag mong isigaw ang iyong pag ire!" Ani nito

'Sunod sunod akong napaire hanggang sa maramdaman ko ang ulo na lumabas.

"Jas one more push nakikita na ang ulo ng anak natin" nakangiting sabi ni kiel habang nakaalalay siya sa ulunan ko.

Nanghihina akong tumango saka tinodo ang pag ire!

"AHHHHHHHHH!!!"Buong lakas kong ire hanggang sa lumabas ang bata.

Maiyak iyak akong nakatingin sa baba ko ng marinig ang matinis nitong pag iyak.

Tumingin saakin si kiel habang nakangiti saka hinalikan ang noo ko.

"I love you" aniya.

Hindi na ako nagulat dahil araw araw nitong sinasabi saakin iyon kahit hindi kami.

Dinalaw ako ng antok kayat agad akong pumikit hanggang sa makatulog ako.

____________

My Sex Addiction (COMPLETED) |EDITING|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon