"At bakit suka ka ng suka ha?! Masakit pa ulo mo! Magsabi ka nga jasiah. Buntis ka ba?!" Sermon ni via.
Kahapon pa masakit ang ulo ko buti nalang pinayagan ako ni lucas mag leave muna. Dalawang linggo na ang nakalipas matapos na may mangyare saamin ni lucas.
Pinunasan ko ang bibig ko tsaka humarap kay via. Sasabihin ko ba.. Hays wala na nahuli na ako.
"Buntis ako via" napapalunok kong sabi.
"Ano!! Sinong ama!?" Pasigaw niyang tanong.
"S-si lucas"sagot ko. Shit.
"Jusko naman jas! Nagsisimula ka palang sa trabaho mo! Oh e pano yan! Pano ka makakatrabaho! Sabihan mo yang tatay ng anak mo ha! Sus ginoo ka!"sermon ni via. Napahawak pa siya sa noo.
Pupuntahan ko ba siya. Papanagutan naman ako ni lucas. Ginusto niya din ito.
"Maliligo na ako. Pupunta ako kay lucas para sabihin toh" Saad ko. Tumingin siya saakin.
"May pt ako sa bag kukunin ko lang maghintay ka jan"
Tumango ako. Umakyat siya papunta sa kuwarto niya.
Nakakaramdam ako ng kaba bakit ganon. Normal Lang naman siguro sa buntis yon.
Hinawakan ko ang wala pang umbok na tiyan ko.
"Baby pupunta tayo kay daddy ah." Nakangiti kong kinakausap ang tiyan ko.
Bumuntong hininga ako saka naman bumaba si via. Lumapit siya sakin saka binigay ang box na may lamang pregnancy test.
"Oh gamitin mo. Para may ebidensiya ka na buntis ka" seryoso niyang Saad.
Inabot ko iyon.
"Thank you" tinanguan niya lang ako.
Nagtungo na ako agad sa cr. Buti nalang di ako umihi kanina.
.......
"Ano positive?" Bungad na tanong ni via.
"Hindi ko alam" inabot ko sa kanya ang pregnancy test.
Kunot noo niya iyong tinignan. Oh.
Tumingin siya sakin saka hinarap ang pregnancy test.
Dalawang guhit
Nanginginig ang labi ko ng makita ang resulta. Buntis nga ako....
Binasa ko ang pangibabang labi ko saka emosyonal na tinignan si via.
"Buntis nga ako via.."emosyonal kong Saad.
Ang kaninang kunot noo niyang itsura ay nagiba. Ngumiti siya saka ako niyakap.
"Wag na wag mong papabayaan ang dinadala mo. . . . "bulong niya sa pagitan ng yakap namin.
Tango lang ang isinagot ko. Ramdam ko ang paginit ng parehong mata ko.
Di ko namalayan na tumulo na pala ang luhang nagbabadyang lumabas.
Hinarap niya ako saka nakangiting pinunasan ang luha ko.
"Kanina oo nagalit ako kasi wala ka pang ipon para jaan. Pero masaya ako dahil alam kong masaya ka na meron'g darating na anghel sayo" nakangiti niyang Saad.
"Ikaw nalang ang hindi" biglang nagbago ang ekspresyon ng muka niya.
Natawa ako saka niyakap ulit siya ng mahigpit.
"Biro lang. Alam ko naman wala pa sa isip mo yan"
Umalis ako sa yakap. Nakangiti ulit siya saka natawa.
BINABASA MO ANG
My Sex Addiction (COMPLETED) |EDITING|
Romance|MATURED SCENES| !SPG! A/N: Expect some immature typings Being Raised in poverty, Jassiah Guerrero Became S*X addict. Will they get together? Written in: Tagalog Start: Sep 10, 2020 End: Oct. 4, 2021