31

4K 44 1
                                    


"Nagugutom ka ba? Ano gusto mong kainin?" Maya't Maya kung itanong ni kiel saakin.

Iling ang itinugon ko saka tumingin ulit sa himpapawid.

 sarap sa pakiramdam ng nasa himpapawid. 8 na kami nakarating sa airport kaya late kaming makakarating sa leyte

"Manang look oh! Ang ganda ng clouds!" Natutuwang tinuturo ni Wallace ang mga ulap.

"Oo, oh kainin mo na tong sandwich mo" tugon ni manang.

Napangiti ako sa inaasal ng anak ko.

Sa pagiisip ko di ko namalayang nakatingin pala saakin si kiel.

Tinaasan ko siya ng kilay at siya namang nagpangiti sa kanya.

"Ang ganda mo" nakangiti nitong sabi.

"I know"

"Yeah ako din alam ko"

Napangiwi ako sa sinabi nito.

Sinaniban ata siya ng kabaitan ngayon

"Tch" inirapan ko siya tsaka umayos ng upo.

Rinig ko ang mahina nitong pagtawa saka pinatong ang kamay niya sa hita ko.

Napabuntong hininga ako. Sarap makakapagrelax nanaman ako lalo na buntis Sana wala akong makainisan dun tsk

Di ko namalayan nakaidlip pala ako sa sobrang pagiisip ko. Ramdam ko ang pagpatong ni kiel sa ulo ko sa balikat niya

Don ako mahimbing na nakatulog.

..................

Naalimpungatan ako sa boses ng piloto.
Nandito na pala kami pababa na ang eroplano.

"Gutom ka ba?" Tanong ni kiel.

Hindi ako sumagot pero epal ang tiyan ko tumunog.

Nainis ako agad sa mahinang pagtawa ni kiel.

"Aw my babies are hungry" pacute nitong sabi saka hinaplos ang tiyan ko.

"Oo gutom na" sagot ko nalang.

"alright. Kuha lang ako" tumayo siya saka naglakad papunta sa harap.

Nakapikit kong pinapakinggan ang tinig ng piloto. Ramdam ko ang pagbaba ng eroplano siya nama'y pagbalik ni kiel na may dalang pagkain.

Natakam agad ako sa lasagna. Agad niyang nakita ang reaksyon ko. Nilapag niya sa table ang pagkain ako namang excited lantakan yun.

"Here"aniya saka nilapag ang lasagna sa harap ko at ang iba pang pagkain.

"Thank you daddyy" Natutuwa kong sabi saka kinutsara agad ang lasagna.

"Daddy huh" natigil agad ako sa mapangasar nitong sabat.

"Oo Daddy ng mga anak ko " sagot ko.

Umirap ako at siya namang natawa sa naging reaksyon ko.

"ubusin mo na yan pababa na tayo oh" aniya.

Di ko siya inimik. At sakto ngang pagbaba namin ay naubos ko ang pagkain.

Tahimik kaming bumaba ng eroplano. Lantak ko pa din ang pudding na hindi ko naubos kanina

Hawak ni kiel ang bewang ko habang nasa likuran naman namin si manang at si Wallace.

May kasama din kaming bodyguard na pinasama ni tita kiara.

Sumakay kami sa isang itim na kotse si kiel ang nagdrive habang sila manang at Wallace naman sa isang sasakyan.

"Sa rest house tayo ngayon" aniya habang nakatingin sa Daan.

Tinigil ko ang pag kain sa pudding saka siya tinignan.

"Oh sige gusto ko din mahiga. Parang napagod ako kakaupo" sabi ko.

"Hm yeah. Anyway, mag quit ka na sa trabaho mo" napabalikwas agad ako sa sinabi niya.

"Ano?!"

 Eh yun na nga lang trabaho kong matino!

"Makakasama sa baby pag naistress ka" sagot niya.

"Kiel yun lang trabaho ko at dun lang ako kumikita!" Pakikipagtalo ko.

Tinapunan niya ako ng tingin saka binaling ulit sa Daan.

"Mas better pag nagpapahinga ka and pacheck up. Mas magandang nasa bahay ka lang jasiah baka anong mangyare sa anak natin"paliwanag niya.

Napailing ako. Natampal ko agad ang noo ko. 

Hindi na ako umimik. Siguro nga Mas magandang ipahinga ko nalang, ayokong maging komplikado ang lagay ng anak ko pag naistress ako.

Walang umimik saming dalawa hanggang sa makarating kami sa isang gate na puti. Bumukas agad iyon may mga guwardya na nagsidatingan.

Ipinark ni kiel ang sasakyan sa tapat mismo papasok ng bahay

Lumabas siya atsaka pumunta sa direksyon ko. Binuksan niya ang pinto saka ako lumabas, kinuha niya din ang bag ko saka hinawakan ako sa bewang papasok ng bahay.

Nauna na sila manang sa loob. Si Wallace ay tuwang tuwa ng makahiga siya sa sofa.

"Anak magsabi ka kay manang kung gutom ka na ha" sabi ko agad Kay Wallace.

"Opo mommy!" Sagot niya.

Tinanguan ako ni manang habang nakangiti sinuklian ko yon ng ngiti.

Inalalayan ako ni kiel paakyat sa kuwarto. Pagkabukas palang ni kiel lamig na agad ang sumalubong. Nakabukas na pala yung AC. Humiga agad ako sa kama saka nagkumot.

"Call me when you're hungry or what. Okay" aniya.

Tinanguan ko lang siya saka pumikit.

Rinig ko ang pagsara ng pinto wari ko'y kakalabas niya lang.

Nakaidlip ako sa sarap ng pagkakahiga ko.

_____________

<3

My Sex Addiction (COMPLETED) |EDITING|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon