41

2.9K 37 2
                                    


^^

__________

"Ilang araw tayo mananatili doon?" Tanong ko kay kiel. Nakabalik na kami dito sa manila, balak ni kiel na makabili ng bahay dito

"3months jas" sagot nito.

Nilingon ko siya saka tinaasan ng kilay.
'Bat ang tagal naman

"bat tatlong buwan pa? anong meron?"
tanong ko.

"aasikasuhin ko ang bahay.."sagot niya.

sa reaksyon niya parang ang lalim ng iniisip.

napatango nalang ako saka inilabas ang phone ko.

may tumatawag na uknown number

"hello? who's this?" nilingon ako ni kiel bago ibalik ang tingin sa daan.

["jas?]" napakunot agad ang noo ko ng marinig ang pamilyar na boses.

"pamilyar boses mo"sabi ko.

nakalimutan ko

["chaka ng trip mo dzaii! ano ka ba! pati boses ng kaibigan mong napakaganda nakalimutan mo na?!]" sigaw nitong tanong

nanlaki ang mata ko saka napahawak sa bibig ko.

"Via?!"sigaw ko. nilingon ako ni kiel habang kunot ang noo.

["wahhhhhhh! i miss you bestieeee!!!"] nailayo ko ang cellphone ko sa tenga ko dahil sa lakas ng sigaw ng gaga

"jusko ka! ang lakas pa din talaga ng boses mong babae ka! ano na! bat ngayon ka lang tumawag ha?" tanong ko.

["busy sa school jusko daming ginagawa! sumasabay pa ang pagiging hot ko hahahahahaha"] natatawa nitong sagot.

natawa ako. di pa din talaga nagbabago

"oh ayos bumalik na sa pag aaral ang bente uno anyos na first year college" pang aasar ko

["loko ka! atleast pagkatapos nito balik ano nanaman hahahahahaha"]

"ano kaba tigil na sa ganyan bagong buhay na!"

["susss palibhasa may boyfriend na!"]

napailing ako habangg malaki ang ngiti. nakakamiss marinig ang boses niya na nakakaasar

" may anak na din kaya tigil na. nga pala kelan balik mo?" pagiiba ko.

["andito na ako sa bahay natin 'no di ko nasabi sayo hindi ko kasi alam number mo nag iba ka ng number. mabuti na lang nakausap ko si tita marie"]sagot nito.

"puntahan ka namin jan kasama anak ko"

["yan ang gusto ko sige dala mo si wallace jusko ang inaanak ko malaki na. magdala na din kayong pagkain di ako mag gogrocery wala pang budget"]

"kuripot ka pa din talaga. oh sige na ibaba ko na 'to" Saad ko.

["Oh siya sige bye! I miss you ulet babush!"]

Binaba ko ang linya saya nakangiting huminga ng malalim.

"Happy?" Rinig kong tanong ni kiel.

"Yup sobra. Namiss ko si via buti nalang tumawag siya saakin" nakangiti kong sagot.

"So, Punta tayo doon later"sabi nito.

"Ikaw? May time kaba? Mabilis lang tayo"nilingon ko siya.

Tumango ito.

"Yeah. Cancel ang meeting kay Mr. Ferrel"sagot niya.

Napatango tango ako saka nilaro ang labi ko.

"Daan nadin tayo sa fast food drive thru lang"

Tumango siya saka nagfocus sa Daan.

Nangunguna ang sasakyan na sinasakyan ng anak ko habang kami nandito sa likuran.

Mas gusto ko kasing nakikita ang sinasakyan ng anak ko para masiguro kong maayos siya.

"May mga guard kayo pag umaalis kayo sa mansion para masiguro kong safe kayo. May mga cctv ang mansion tatlo ang titingin doon kung sakaling may mangyare" paliwanag nito.

"Kailangan pa ba non?" Taka kong tanong.

"Of course. Baka may mag tangka sa buhay natin and sa inyo ng anak ko"

"Wala naman siguro. Wala naman akong nakakaaway baka ikaw kayo ng pamilya mo lalo na napakayaman niyo"saad ko.

"Maybe"

"wag naman sanang madamay ang bata"paalala ko.

Nilingon niya ako saka ngumiti.

"Hanggat nasa puder ko kayo walang mangyayareng masama okay" nakangiti nitong paliwanag.

"Buti naman."

"Hmm. Hungry?"

Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung gutom ba ako.

"Medyo. Daan tayo sa Jollibee gusto ko burger steak tapos spaghetti dagdagan na din ng sundae, fries, chicken"

he chuckled.

Kumunot ang noo ko saka siya tinignan

"May nakakatawa ba?"

"Bakit di nalang bilhin ang lahat ng nasa menu? Parang naglilihi ka sa Jollibee, babe. Magiging paborito ng anak natin yan"natatawa nitong Saad.

Napawaang ang labi ko saka ngumuso.

"Oo nalang. Basta nagutom ako"

"Alright, mi amòre"

______________

My Sex Addiction (COMPLETED) |EDITING|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon