This part is now edited, Enjoy!_______________________
"Mommy what happened po?"Nag aalalang tanong ng anak ko.
Walang emosyon siyang tinignan ni jessica na ikinakaba ko baka ano pa masabi niya sa bata.
"Jessa, go to your room anak"saad ko saka hinawakan ang likod niya.
"Daddy, what happened to mommy po?" Nag angat ito ng tingin saakin. Ngumiti ako saka umiling.
"i will tell you later, sweetheart."Sabi ko saka hinalikan ang noo nito.
"Sinabi ng umakyat ka sa kuwarto mo diba?"seryoso at walang emosyong sabi ni jessica na ikinabahala ko.
Tinignan ko agad siya.
"Wag mong pag sabihan ng ganyan ang Anak mo. Kausapin mo ng maayos"paalala ko.
Sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Ang lakas ng loob mong sabihin yan. Magdamag kang wala dito diba? Oh bat di ka pa umaalis?"malamig nitong tanong.
Bumuntong hininga ako saka ikinalma ang sarili ko.
"please. Mag pahinga ka muna kakauwi lang natin"mahinahon kong tugon. Hahawakan ko Sana ang kamay niya pero iniiwas niya iyon
"Magpapahinga ako kung gusto ko"saad nito bago umalis sa harap ko.
"Jessica!"pagtawag ko pa pero hindi niya na ako sinagot.
Napaupo na lamang ako sa sofa. Sapo ko ang ulo ko habang nakapikit
______________
sumapit ang dalawang araw. Babalik na kami ni wallace, agad ko nang inayos ang mga gamit namin habang si wallace naman ay abala sa laruan niya.
masama pa rin ang loob ko dahil sa lalaking 'yon. kung bakit ba naman kasi hanggang dito ay sinusundan niya pa ako!?
Nag check-out kami pagkatapos kong mag ayos. habang nakasakay kami sa bus, hindi ko maiwasan isipin na nasaksihan ni wallace ang tagpong 'yon namin ng kanyang ama...
Pagkabalik naman namin sa rest house ay walang imik si wallace kaya nanghinala na talaga ako na iniisip niya na iyong sumbatan namin ni Lucas.
pagkababa namin, Nakaabang na rin si Via sa daungan. Masaya niyang sinalubong si wallace, masaya 'ring sumalubong si wallace at'saka magiliw na niyakap ang kanyang tita.
pagod akong ngumiti kay Via nang mabaling ang kanyang atensyon sa akin. lumapit naman siya agad at kinuha ang bag na hawak ko.
"Kumusta ang bonding ninyong mag ina? maganda ba doon ngayon?"sunod sunod niyang tanong.
napagdesisyunan ko nang hindi sabihin ang tungkol sa pagkikita namin ni Lucas dahil alam kong mag hysterical nanaman siya. pinawi ko agad sa isip ko 'yon. hinayaan ko si wallace ang mag kuwento sa kanyang tita. ineexpect ko na sasabihin niya ang tungkol sa nasaksihan niya sa'min ni lucas pero namangha ako ng wala akong narinig ni isang salita tungkol doon na galing sa kanya..
Inayos kona ang pinagkainan namin habang abala sila wallace at via na nagkukwentuhan pa rin sa sala.
Naghuhugas ako ng pinagkainan namin nang marinig ang boses ni wallace sa sala.
"Daddy!"
agad akong natigilan. naghugas agad ako ng kamay na may sabon pa at'saka nagpunas. mabilis akong lumabas ng kusina.
napuno ng luha ang mga mata ko nang mapagtanto na andito si kiel ngayon. nakayakap silang dalawa ni wallace, Bumaling ang atensyon niya sa'kin at lumambot ang ekspresyon..
mabilis akong nagtungo palapit sa kanya. sinalubong niya ako nang yakap habang hinahalikan ang gilid ng aking sentido.
"Bakit ngayon ka lang.."himig ko, bakas ang tampo sa boses ko.
"I'm sorry" Narinig kong usal niya.
I sobbed while hugging him tighter. Feels like home when I'm with him.
"I'm so sorry my love..."he keeps on muttering that words. we're now at my bed, hugging each other.
"Please, Wag mo na akong iiwan ng ganon katagal kiel, nasasaktan ako..."Humihikbi na ako at hindi na mapigilan.
he continued to make me hush while placing small kisses on my senses... I can't see my future self without him by my side... ayoko....
We stayed on our position in hour then we decided to eat for our dinner.
naabutan namin si Via na naghahain habang nanonood ng tv si wallace. nang mapagtanto neto na nakababa na kami ng daddy niya ay patakbo itong lumapit sa'min at'saka mahigpit na yumakap sa pagitan namin ni kiel.
lumambot ang puso ko..
"I miss you, both so much"he muttered between us.
i smiled at him. planted a soft kiss on his lips, it made him stop but he smiled.
Pagkatapos naming mag dinner at mag usap nila Via ay napagpasyahan na namin na umuwi sa bahay namin ni kiel. Natuwa si wallace nang malaman na babalik na kami, maging ako ay hindi na mawala ang excitement.
habang nagbibyahe kami pauwi, nakatuon ang mata ni kiel sa daan pero ang kanyang kamay ay mahigpit na nakahawak sa aking kamay. pinagsiklop niya iyon na ikinangiti ko...
nakatingin lamang ako sa daan. pakiramdam ko ay hindi pa rin maluwag ang damdamin ko, alam kong darating ang oras na magtatagpo muli ang landas namin ni lucas.
ipipilit niya nanaman ang hinanaing sa akin. napapikit ako ng mariin, pagod na'ko sa gulong dala niya sa'min.
bakit hindi siya mag focus sa buhay nilang dalawa mag asawa? at kailangan pa na guluhin kami? naguguluhan pa rin ako sa inaasta niya palagi. para 'bang wala siyang asawa kung umasta siya ng ganon ganon lang sa'kin...
___________________
BINABASA MO ANG
My Sex Addiction (COMPLETED) |EDITING|
Romance|MATURED SCENES| !SPG! A/N: Expect some immature typings Being Raised in poverty, Jassiah Guerrero Became S*X addict. Will they get together? Written in: Tagalog Start: Sep 10, 2020 End: Oct. 4, 2021