Late update.__________
"Dahan dahan" hawak ni kiel ang kamay ko habang inaalalayang bumaba ng yate.
Nang makababa ako sunod namang bumaba si kiel saka hinapit ang katawan ko palapit sa kanya.
"Manong sa biliran tayo"saad ni kiel sa matandang lalaking naggaguide saamin.
"Hindi ba muna kayo maghahapunan iho?" Tanong ni manong domeng.
"Doon nalang."sagot ni kiel.
Tumango ang matanda saka kami sinabihan na sundan siya.
Sumakay kami ni kiel sa sasakyan saka sinundan ang tricycle ni manong domeng.
Ang sarap ng hangin dito ang fresh. Hindi ko lang talaga maintindihan mga sinasabi ng mga tao
"Gutom kaba?"tanong ni kiel habang nagmamaneho.
" hindi naman. Nabusog ako kanina"sagot ko.
"Nabusog huh"nilingon ko siya sakto namang nakangisi.
Don ko lang nakuha ang sinabi ko.
"Ewan ko sayo"nakakunot ang noo ko.
He chuckled. inagkla niya ang braso sa akin
Buong byahe nakinig lang ako sa music.
"Babe?" Tawag saakin ni kiel.
"What?"
"San mo gustong mag celebrate ng birthday mo?" Tanong niya na ikinalingon ko.
"Birthday ko?" Nakakunot kong tanong.
Nilingon niya ako ng nagtataka.
"Nakalimutan mo?"
Tumango ako. Natawa siya saka ako tinapunan ng tingin
"july 11, 1993 birthday mo. Makakalimutin ka ah"natatawa nitong sabi.
Natampal ko ang noo ko saka kinunutan siya ng noo.
"Ano naman! Nakalimutan ko" dumako ang paningin ko sa Daan.
" it's okay. Sa mansion nalang natin icecelebrate. Alam na din ni mommy"saad niya.
"Kiel ayoko ng bongga ha"paalala ko sa kanya.
" alright. Don't worry Relatives ko lang and relatives mo ang invited."wika niya.
Napahinga ako ng maluwag saka itinuon ang paningin sa dinadaanan namin.
Grabe ang daming bundok dito!
Binuksan ko ang bintana saka sinimot ang hangin na tumatama sa muka ko.
"Hey wag mong masyadong ilabas muka mo" paalala ni kiel.
"Oo na shut up ka jan naiirita ako sayo"
Tinawanan niya lang ako saka bumyahe ng tahimik.
Nakakamiss yung ganito. Walang masyadong iniisip ang sarap magrelax kain lang ng kain lalo na may bata sa loob ng tiyan ko.
Ng makarating kami sa destinasyon namin. Ipinark ni kiel sa tabi ang sasakyan saka lumabas. Umikot sa patungo sa pinto ko saka binuksan iyon
Hinawakan ko kamay niya 'grabe ang hangin!
Maganda mag picture taking dito. 'Or maternity shoot
"Ang hangin kiel. Nadala mo ba yung bag ko? Andun yung shades ko"saad ko.
"Oh fuck hindi ko nadala. Pakuha ko nalang kay Hector mamaya. Tara doon tayo"
Inalalayan niya ako habang hawak ang kamay ko saka sabay na tinungo ang bridge.
"Woah ang ganda!"
Humiwalay ako sa kanya saka nagpamauna makapunta doon.
"Careful, jas"nilakasan ni kiel ang boses niya para mas marinig ko ang sinabi niya.
Malakas kasi ang hangin.
"Oo na!" Sigaw ko.
May nakita akong mga nagpipicture na kabataan doon. Ang iba ay lumilingon saakin
Floral dress pair with white sandal ang outfit ko.
"Babe.."natigil ako agad ng marinig ang boses ni kiel sa likod ko.
"Nakatingin sila saakin. May mali ba saakin?" Tanong ko.
Umiling siya saka kinunutan ng noo ang mga nakatingin saakin.
"Wala naman. Yaan mo na halika dito kakain tayo" aniya saka hinawakan ang kamay ko para tumungo kay kuya domeng na nakatingin din saamin.
"Madami ang kumukuha ng litrato dito ngayon lalo na ang mga kabataan. Pagpasensyahan mo na iha nagagandahan sila sa iyo kaya nakatingin sayo" nakangiting sabi ni manong domeng.
Pilit akong ngumiti saka nginitian din ang mga teenagers na nakatingin saakin.
"See. Ang ganda mo" bulong ni kiel sa tenga ko.
nag init naman ang pisngi ko.
"Let's go, pipicturan kita."nakangiti nitong Saad.
Kinuhanan niya ako ng litrato doon. May nakahawak sa railing ng bridge halos makailang take kami doon dahil ayoko ang mga nakuha niyang pic!.
May nakaupo sa gitna ng kalsada at yun ang nagustuhan ko.Tinignan ko sa cp niya ang picture.
"'Pang profile ko yan"saad ko.
"Instagram?"
"Fb lite lang di ako mayaman sa load hanggang free lang ako" nakangisi kong sabi.
"May wifi naman babe" tugon niya.
"Ayos na yon sa fb."
Hindi na siya umimik. Nagpatuloy siya sa pag picture saakin hanggang mapagod ako.
Nagpahinga kami sa sasakyan saka bumyahe ulit papunta sa bahay nila manong domeng. Sa poblacion siya nakatira kaya pumunta muna kami doon
Siya ang driver nila kiel noon sa mansion nila pero dahil sa katandaan ay nagpasya si manong domeng na magpaalam na. Nakakatuwa dahil sagot ng pamilya ni kiel ang pagpapaaral sa mga anak nito na hindi pa nakakapagtapos.
Masaya kaming binati ng pamilya ni manong domeng saka pinatuloy sa kanilang bahay.
Medyo malaki din dahil din daw sa tulong nila Mrs. Sadoviska sa kanila.
Nagkuwentuhan kami saka sila nagpasalamat kay kiel.
Nakilala ko din ang mga anak ni manong domeng. Ang dami pala grabe siyam ang anak nito
Sa isang malaking kuwarto kami tumuloy dahil umuulan na dito muna kami magpapalipas ng gabi.
Nasa hapag kainan na kami at sabay sabay na kumakain.
"Ate jas ang ganda mo po!" Nakangiting Saad ni fery ang bunsong anak ni manong domeng.
Nginitian ko ito saka nagpasalamat.
"Thank you fery. Ikaw din ang ganda ganda mo" tugon ko.
"Fery kumakain ang ate jasiah mo. Wag muna magsasalita habang kumakain ha" saway ni manang fe.
Napangiti ako sa pagpapaalala niya sa anak niya.
Ngumuso si fery saka pinapagtuloy nito ang pag kain.
" nga po pala manang. Nasan na si Maryann?" Biglang Saad ni kiel.
Kumunot ang noo ko saka siya nilingon.
"Jusko iho nasa maynila ang anak ko ngayon"sagot ni manang.
"Ahh pakisabi manang nagiwan ako ng extra money niya para sa pang baon niya" dagdag ni kiel.
"Nag abala ka pa iho. Sakto lamang ang Pera ni Maryann" aniya.
"Ayos lang po iyon manang sa'ka nangako ako sa kanya" nakangiting sabi ni kiel.
Para akong hangin dito na hindi manlang niya nililingon kahit nakatitig na ako ng nagtataka sa kanya.
_____________
BINABASA MO ANG
My Sex Addiction (COMPLETED) |EDITING|
Romance|MATURED SCENES| !SPG! A/N: Expect some immature typings Being Raised in poverty, Jassiah Guerrero Became S*X addict. Will they get together? Written in: Tagalog Start: Sep 10, 2020 End: Oct. 4, 2021