________
"Eh kayo ni lucas? Nagkita na ba kayo ulit?" Mahinang tanong ni via.
Agad na nagbago ang ekspresyon ng muka ko saka napahinga ng malalim. Ayoko ng isipin yon pinaalala pa niya..
"Nagkita kami sa mall noon. Hindi ko nga alam bat nakarating sila don sa province nagpakalayo layo na nga nagkita pa din kami? Ano yun sinusundan niya ba ako? Tinanong niya din kung ano pangalan ng anak ko. Sinabi niya na bakit ko pinaako kay kiel ang pagiging tatay niya. Eh may anak na siya at asawa alangan na sabihin ko pa sa kanya na may anak kami? Ayoko makasira ng pamilya pero sa nagawa ko masisira ko ata sila lalo na pag nalaman ng asawa niya na nagkaanak si lucas saakin"mahaba kong paliwanag.
"Girl, nu kaba anak din ni lucas si Wallace kaya maghanda ka na pag nalaman niyang may anak siya sayo"
Napahinga ako ng malalim saka kumain ng fries
"Mukang Alam niya na nga. Nung magkita kami hinatid niya pa kami ng anak ko sa bahay mabuti nalang wala si kiel doon."
Nanlaki ang mata nito saka kumuha ng fries na hawak ko.
"Oh eh pano yan? May anak ka kay lucas may anak ka din kay kiel? Huwaw ha dalawang guwapong fafa ang pumasok"tawa nito.
Tinampal ko ang braso nito saka siya sinamaan ng tingin.
"Ginusto ko ang nangyare saamin ni kiel okay. Magkaiba ang nangayare sa amin ni lucas at ni kiel"umirap ako.
"Huwaw! Jas ha!"
Natawa ako sa reaksyon niya. Wala naman na akong magagawa nandito na eh
"Nga pala Malay mo magkita kayo ni lucas pano pag nalaman niya yang may anak kayo ni kiel? Ay sabagay baka ang alam niya anak niyo din ni kiel si Wallace kaya di na malabong magtaka pa siya na buntis ka ulit"
Napapoker face ako sa sinabi niya. Napakaslow talaga!
"Ewan ko sayo via. Sinabi ng nanghihinala na siya na anak niya si wallace, Ewan ko sayo"
"Oo nga pala sorry naman! Wag masyadong masungit baka mamana ng anak mo yan" natatawa niyang sabi.
Inirapan ko siya saka kinain ang iilang piraso ng fries.
"Tara na baba na tayo baka hinahanap ka na ng mag ama mo"
"Alam naman ni kiel na nandito ako eh yaan mo muna don naglalaro pa yun"tugon ko. Sumandal ako sa headboard ng kama saka kinuha ang unan sa tabi ko.
Nakakamiss din dito sa kuwarto ko.
"Taray jas! Pano ba ang ganyang galawan at ng makachansing din ako"nakangisi nitong sabi.
"Tumigil ka nga. Kagandahan lang ang sagot jan 'no"ngumisi ako pero natawa nang ayusin nito ang buhok nito para ilagay sa gilid ng tenga.
"Ang ganda ko kaya! Pero hintay nalang dahil ayoko pa mag alaga ng baby sa mga anak mo nalang muna ako magiging baby sitter"
"Malay mo mabuntis ka nalang isang araw"pang-asar ko.
Akma nitong ipapalo ang unan saakin pero agad kong sinanggi yon
"Oy! Buntis ako! Bawal ahh!"natatawa kong sabi.
"Hmmp! Pasalamat ka mahal ko ang anak mo! Kundi jusko jas wag kang magsasabi ng ganon malas yon okay"umiiling nitong sambit.
Mas natawa ako ng malakas. Nagtawanan kami habang nagkukwentuhan nakakamiss din pala ganto ang bonding namin lalo na pag walang raket magtatawanan kami at asaran.
"Sama kayo nila kiel sa antipolo. Kasal ng kapatid ko si kuya vio"
"What?! Parang kailan lang ah! Ikakasal na pala si vio"gulat kong sigaw.
Si vio ang kuya ni via diba pangalan palang halatang magkapatid na, lagi akong pumupunta sa bahay nila dati kaya nasasaksihan ko din ang mga babaeng dinadala niya lalo na pag wala ang mga magulang nila. Minsan na din umamin si vio saakin pero basted ayoko sa womanizer kahit kapatid niya pa best friend ko.
"Oo sa wakas magkakaroon na din ako ng pamangkin. Taray ng kuya ko nakasungkit ng model saksi ako sa pagmamahalan nila ni seraphine grabe yon iniyakan ni kuya yon dahil naghiwalay sila ilang buwan oh diba, kaya siguro pinakasalan niya na para di na makawala"kuwento niya. Napangiti ako dahil tumino na pala ang viory na womanizer
"buntis na fiance niya?" Tanong ko.
Tumango siya saka sumisimsim ng ice tea
"Oo tatlong buwan na. Nung naghiwalay sila dun nalaman ni seraphine na buntis siya kay kuya kaya yun road to wedding na."
Mas naantig ako sa samahan nila.
"Mabuti yun pinili nilang magbalikan para na din sa bata"
" oo nga eh. Nagalit si daddy nung nalaman niyang naghiwalay sila ni seraphine pero nung nalamang buntis na grabe ang tatay ko halos lahat ata ng kamag anak namin alam na"natatawa niyang kuwento.
"proud ang first time lolo. eh ikaw kelan mo bibigyan ng apo ang daddy mo?" Nabilaukan siya sa iniinom niya.
"Loko ka talaga! Ayoko nga! Di ko maimagine mabuntis!"nandidiri siya habang sinasabi yon.
Natawa ako sa kanya. Ano kaya magiging itsura nito pag nabuntis
Wala pa pero natatawa na ako pag naramdaman niya ang sakit pag nabuntis.
"Susss mabubuntis ka din di ka lang handa kaya ganyan reaksyon mo"napahalakhak siya saka tumango tango.
"Oo wala pa tsaka wala akong balak 'no. Ayoko pa nga mag boyfriend hanggang sex lang talaga ako"
"Magbabago ka din tamo."
"Oo nalang. Tara na baba na tayo jusko ako'y nagugutom na."
Natatawa akong sumunod sa kanya.
__________________
BINABASA MO ANG
My Sex Addiction (COMPLETED) |EDITING|
Romance|MATURED SCENES| !SPG! A/N: Expect some immature typings Being Raised in poverty, Jassiah Guerrero Became S*X addict. Will they get together? Written in: Tagalog Start: Sep 10, 2020 End: Oct. 4, 2021