Agad akong lumapit kay Wallace saka siya binuhat. Nabigla si Wallace sa ginawa ko.
"Mommy bakit po" tanong nito pero di ko sinagot. Hindi ko nilingon ang lalaki saka agad akong humakbang papunta ng counter para mabayaran ang binili niyang laruan.
Ng mabayaran ko ang laruan dali dali kaming lumabas pero agad akong napatigil ng may braso na humarang.
Bahagya akong natigilan, Dahan dahan ko itong nilingon nakailang lunok pa ako bago ko matunton ang mga Mata nitong seryosong nakatingin saakin.
"Jasiah" barituno nitong Saad.
Hindi ako agad nakasagot. Niyugyog ng anak ko ang kamay ko.
"A-anong ginagawa mo dito?"utal kong tanong.
Kumunot ang noo nito
"Ikaw lang ba puwedeng pumunta ng mall?" Tanong nito.
Nakaramdam ako agad ng pagkainis sa pananalita nito.
"Wala akong sinabi. Mauna na kami" iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "Halika na anak"
Dadaan na sana kami sa kabila pero hinarang nanaman nya.
Inis ko na siyang tinignan.
"Bakit nanaman?" nanggagalaiti kong sabi.
"Who is he?" Tanong niya habang nakatingin kay Wallace.
Anak na'tin.
"Anak ko" sagot ko.
Hindi pa din niya inaalis ang tingin sa anak ko.
"Mommy, sino po siya?" Lumingon ako kay Wallace ng magtanong ito.
"Naging boss ko dati anak" sagot ko nalang.
"Hi" napatigil ako ng batiin niya si wallace saka yumuko para mapantayan ang anak ko.
Sunod sunod ang lunok ko.
Ramdam ko ang pagluwang ng hawak ni Wallace sa kamay ko.
"Hello po" nakangiti nitong asal habang kumaway pa.
"What's your name?" Tanong ni lucas sa kanya.
"My name is walla---" sumagot agad ako para maputol ang sasabihin ni Wallace.
"Puwede ba. Aalis na kame" nagngingitngit kong sabi. Gulat ang muka ni Wallace sa inaasal ko.
"I'm just asking his name" sagot nito habang seryosong nakatingin saakin.
Tumingin ako saglit sa anak ko na inosente pa ding nakalingon kay lucas.
"Wallace, Wallace ang name niya" iwas tingin kong sabi.
"Wallace? It's sounds like my nickname. . . " bulong niya pero rinig ko pa din.
Paki niya ba kung kinuha ko don pangalan ng anak niya
Tumingin ulit ako sa kanya.
"Aalis na kami" Saad ko saka dumaan sa gilid niya.
Nagmamadali kong kinuha ang grocery na binili ko saka lumabas ng mall.
Puro tanong pa sakin si Wallace di ko nalang sinasagot. pano siya nakarating dito eh province na toh? Nakakapagtaka lang . . .
'Wag niyang sabihin na sinusundan niya ako
Sa kinamalas malasan nga naman walang tricycle. Hawak ko ang kamay ni Wallace. Nakatayo lang kami don habang naghihintay ng tricycle.
Gusto ko ng tawagan si kiel pero makakaabala lang ako lalo na at may meeting pa sila.
Habang tinitipa ko ang cellphone ko may sasakyan na tumigil sa harap namin. Tinted ang salamin kaya hindi ko agad nakita kung sino ang nagmamaneho non.
Pero agad nanaman akong nagulat ng ibaba nito ang salamin. At don ko nakita ang muka ng lalaking nakatingin saakin.
Iniiwas ko ang tingin ko.
"Walang masakyan? Sakay na kayo hatid ko" Saad nito pero hindi ko pinansin.
Hindi ako sumagot. Nakamasid pa din ako sa Daan at naghihintay ng tricycle. Pero bwisit talaga ang tadhana walang dumating Trento minutos na nakalipas.
Tumingin ako kay lucas na nakangisi sakin.
Nilingon ko si Wallace, pipikit pikit na ang mga Mata nito. Agad akong naawa sa anak ko.
"Anak tiis nalang uuwi na tayo ha"bulong ko dito.
Dahan dahan itong tumango.
"Hop in jas, your son is sleepy now" Hindi ko pa din siya pinansin.
"Come on jasiah" rinig ko ang pagsara ng pinto wari koy lumabas ito ng sasakyan.
Nakashades siya habang papalapit. Sunod sunod ang lunok ko ng maamoy ang pabango nito.
"Tara na baka maabutan kayo ng ulan"saad nito nang makalapit saakin.
"Maghihintay kami ng tricycle, salamat nalang" sabi ko.
"Wala na nga oh kanina pa kayo jan"pangungulit niya.
"Hindi ko kailangan makisakay sayo okay? Maghihintay kami" nagngingitngit kong sabi.
"wala na oh. Dali na"pangungulit niya.
Rinig ko ang paghikab ni Wallace kaya agad ko itong kinarga.
"Mommy I'm sleepy na po" dahan dahan niyang pinikit ang mata.
No choice kundi sumakay na sa sasakyan niya. Nakatulog si Wallace saakin habang tahimik kaming bumabyahe pauwi.
Hindi ako umiimik dahil baka ano pang masabi ko sa kanya tch.
BINABASA MO ANG
My Sex Addiction (COMPLETED) |EDITING|
Romance|MATURED SCENES| !SPG! A/N: Expect some immature typings Being Raised in poverty, Jassiah Guerrero Became S*X addict. Will they get together? Written in: Tagalog Start: Sep 10, 2020 End: Oct. 4, 2021