"Sino ho sila?" Tanong ng batang babae na nais ko sanang matanungan.
"Magandang Umaga. May kilala ka 'bang jasiah guerrero? Dito kasi sinabi ang lugar kung saan siya nakatira"mahinahon kong tanong.
Nanlaki ang mata ng bata saka tumango. Nabuhayan ako ng loob.
"Si ate jasiah po?! Opo kilala ko po! Anak po ako ng pinsan ni ate jasiah, May kasama po siyang lalaki guwapo nung pumunta sila sa amin. Tinignan po nila ang lupa ni ate jasiah"paliwanag nito.
Nagkatinginan kami ni Travis. Si kiel
"Kiel ba pangalan ng kasama niya?" Tanong ni Travis sa kanya.
Nagisip pa ang bata bago tumango tango.
"Opo ata kasi narinig ko tinawag ni ate jasiah na kiel ang kasama niya po"aniya.
"Ah saan ba sila nagpunta? Exact location ng lupa ni jasiah?" Tanong ko muli.
Inabutan namin siya ng papel at ballpen. Sinimulan na nitong isulat habang ako naman ay di mapakali. Ng iabot niya ang papel agad kong kinuha yon.
"Nga po pala sino ho kayo?" Tanong nito.
Napatingin ako sa kanya. Umawang ang labi ko ng makaisip ng iba
"Boyfriend niya. Salamat ha sige mauna na kami"agad akong tumakbo papunta sa kotse. Sumunod naman agad si Travis saakin.
Nang lingunin ko ang bata nanlalaki ang mata nito habang gulat pa.
"Loko ka! Nagulat yung bata"natatawang Saad ni Travis.
Pinaandar ko ang sasakyan saka mabilis iyong pinaharurot.
_____________
" anong nangyare sayo?!" Impit na sigaw ni via saka ako nilapitan
"May nangaway po kay mommy! Yung mister na nakita namin noon sa mall yung wife niya po inaway si mommy" sabat ng anak ko.
"Wallace go to your room anak"paninita ko.
Nakahawak ako sa noo ko. Nahihilo ako sa sabunot ni jessica. Nang maalala ko ang dinadala ko agad akong napahawak sa tiyan ko.
"Anong nangyare?" Tanong muli ni via.
Napabuntong hininga ako bago umupo sa sofa.
"Nagkita kami ni jessica sa supermarket kanina. Yun ang asawa ni lucas, nagtataka pa ako paano niya nasabi na inahas ko si lucas eh hindi ko alam na may asawa na siya noon. Tsaka wala naman kami ni lucas noong may mangyare sa amin. Minsan lang kami nagkita ni lucas noon. Tapos yun sa sobrang puno ko nasampal ko siya doon na niya ako sinabunutan" mahaba kong paliwanag.
"Impaktang babae yan hahambalusin ko yon! Sana sinabi mo manlang na buntis ka! Paano kung may mangyareng masama sa inyo ng anak mo!" Sigaw nito.
Napairap ako saka ininom ang tubig na nasa table.
"Edi mas lalong magagalit sa akin yon. Paano pag naisip niyang anak namin ni lucas ito"napasapo siya sa noo saka napabuntong hininga.
"Jasiah uunahin mo pa ba yon kesa sa kalusugan mo at ng dala dala mo?" Nag ngingit ngit nitong Saad.
"Ewan wala na akong maisip kanina simula ng sinabunutan niya ako at sinabihan ng kung ano ano. Basta maayos kami ng anak ko, kung may nangyare man sa amin kanina pagbabayaran niya."sagot ko.
"Aba dapat lang! Pinaghirapan ni kiel yan!" Napatingin agad ako sa kanya saka agad inambaan.
"'Yang bibig mo!"sigaw ko.
"Biro lang eh! Pag nakatuos mo ulit yang babae na yan tawagan mo kaagad ako!" Paalala nito.
"Hindi naman na kailangan, okay. Makikipagusap ako ng maayos"tugon ko sabay irap sa kanya.
"Anong hindi kailangan ka jan. Laban mo laban ko din! makita ko lang babaeng yan hahambalusin ko ng sabunot yan dahil ako'y nanggigigil"aniya habang umaaksyon pang animo'y sumasabunot.
"Ewan ko sayo. Kumain kana ba?" Pagiiba ko.
Tumango ito.
"Kanina pa noh. Kayo ba ng baby labs ko?"
"Kumain kami kanina sa Jollibee. Ang liit talaga ng Mundo namin ni lucas nagkita pa talaga kami kasama na ngayon asawa niya"naiiling kong sabi bago tumayo at magstretching.
Napalingon ako kay via ng hindi ito sumagot. Nakaiwas lang siya ng tingin
"Oh bat tumahimik ka?" Tanong ko.
"Ha? Hindi ah! Napaisip lang ako bat di ka pinuntahan ni kiel dito"aniya.
Nagkibit balikat ako. Oo nga 'no kahapon di niya kami sinundan
"Baka may ginagawa hayaan na natin. Pupunta naman yon kung gusto niya makipag ayos sakin"tugon ko.
" marupok ka din magiging maayos din kayo"nakangisi pa nitong sabi.
Inirapan ko siya bago nagpaalam na aakyat muna ako sa kuwarto at magbibihis.
________________
BINABASA MO ANG
My Sex Addiction (COMPLETED) |EDITING|
Romansa|MATURED SCENES| !SPG! A/N: Expect some immature typings Being Raised in poverty, Jassiah Guerrero Became S*X addict. Will they get together? Written in: Tagalog Start: Sep 10, 2020 End: Oct. 4, 2021