__________Bakit ba kasi pumayag ako. Tahimik akong nakamasid sa Daan. Nasa backseat kami umupo ni Wallace.
Ramdam ko ang pag tingin niya sakin sa salamin. Kunot noo lang ako habang nagmamasid sa Daan, Tama naman yung dinadaanan namin.
Rinig ko ang ilang buntong hininga niya.
Nakailang buntong hininga pa siya. Don ko na siya tinignan, natigilan pa ako nung mahuli ko siyang nakatingin din sa akin.
Dali dali kong iniiwas ang paningin ko.
"Jasiah" pagbasag niya ng katahimikan.
Di ako sumagot.
"Please.. talk to me" tinig niya pa.
Sunod sunod ang paglunok ko sa lambing ng boses niya.
"About last 5 year---"
"Puwede ba magfocus ka Daan dahil baka hinahanap na kami ng asawa ko" tumigil Siya sa pananalita ng sumabat ako.
Nilingon ko ito. Kita ko sa salamin ang gulat sa mata nito
"May asawa ka na..?"bulong nito pero rinig ko.
"Yes, I'm already married"sagot ko pa.
"But, you don't have a ring on your finger" sabat pa nito.
"Hindi ba puwedeng inalis ko muna?"sarkastiko kong ani.
"I'm sorry"
Kunot noo akong tumingin sa kanya
"Focus ka nalang sa pagddrive Lucas, wala ako sa mood makipag-usap sayo"
Huminga siya ng malalim saka pinakawalan iyon.
Wala na kaming naging imikan kaya lumuwag na Ang pakiramdam ko.. Hanggang sa makarating kami sa bahay walang umiimik
Hindi ko na din siya nilingon at baka may masabi pa ako. Ewan ko ba bat lumayo loob ko sa kanya eh hindi naman naging kami.
Tahimik akong lumabas bago binuhat si Wallace. Tinignan ko ang mga pinamili ko.
"Ako na"sabat ng nasa likod ko.
Kinuha niya ang pinamili ko saka ang bag ko.
"Kaya ko naman ibaba mo nalang salamat"sabi ko.
Pero parang bingi at ang isang toh. Sa inis ko nagpamauna nalang akong pumasok ng gate.
Sumunod siya sakin. Binuksan ko ang pinto saka binuksan ang ilaw. Ang tahimik ng bahay, Wala pa si kiel
"Ibaba mo nalang jan. Salamat nga pala" sabi ko pero di ko siya nilingon.
"Jas, can we talk?" Sabi nito sa likod ko.
"Para San?" Tanong ko.
"About us, yung nakita mo noon"mahina nitong Saad.
Nakaramdam ako ng munting kirot ng maalala ko ang batang babae na tumawag sa kanya ng daddy.
"Anong noon? Wala akong maalala" maang maangan kong tugon. Nangangawit na ako sa buhat ko jusko.
Dumeretso na ako agad sa kuwarto ni wallace. Iniwan ko siya don kapal niya naman
"Jas.." gulat ako ng sumunod pala siya sakin.
"Ano ba. Natutulog ang anak ko" malamig kong tugon.
"I'm sorry" nilingon ko ito. Nakayuko siya habang nakababa ang tingin
"Tch" singhal ko.
Gumalaw unti si Wallace ng maibaba ko siya sa kama. Niyakap niya ang unan saka mahimbing na natulog.
nakatingin ako sa maamo nitong muka.
"Jas." Pero bumalik lang ako sa wisyo ng magsalita nanaman si lucas.
Sa ngayon tinignan ko na siya ng seryoso.
"Yung noon ba? Wala na sakin yon. Labas na ako sa pamilya niyo lucas"sagot ko.
Tumitig siya saakin habang umiigting ang kanyang panga.
"May nangyare saatin jas and 5 years ago na iyon kaya posibleng anak ko si wallace" tinambol ang puso ko sa sinabi niya.
Sarkastiko akong tumawa. "Ang lakas ng loob mong sabihin yan. Baka nakakalimutan mo adik ako sa sex. At hindi ikaw ang ama kundi si kiel" seryoso kong sagot.
Wala akong nakitang gulat sa muka niya. Blanko siyang nakatingin saakin .
"Sa dinami dami ng puwede mong ipakilala sa anak ko na ama bakit yung kaibigan ko pa?" Seryoso nitong Saad.
Speechless ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa sinasabi niya.
Nag iwas ako ng tingin saka Pekeng tumawa.
"Ang kapal mo din eh noh. Wala Kang anak saakin Lucas " sabi ko.
"Wag mo akong niloloko jas. Oras na malaman kong nagsisinungaling ka saakin. Ilalayo ko ang anak ko sayo" yun ang huling sinabi niya. Bago humakbang palabas.
'Ilalayo ko ang anak ko sayo
Paulit ulit na prinoproseso ng utak ko ang sinabi niya.
______
<3
BINABASA MO ANG
My Sex Addiction (COMPLETED) |EDITING|
Romance|MATURED SCENES| !SPG! A/N: Expect some immature typings Being Raised in poverty, Jassiah Guerrero Became S*X addict. Will they get together? Written in: Tagalog Start: Sep 10, 2020 End: Oct. 4, 2021