Sunday na. Tamad akong bumangon, wala na si kiel wari koy nasa trabaho na. Tulog pa siguro si Wallace maaga pa kasi 5am palang.Naghanda lang ako ng breakfast. Mamayang tanghali maggogrocery kami ni Wallace at bibilhan ko nalang din siya ng laruan. Antok pa ako pero nilabanan ko nalang 'hotdog nalang din naman ang lulutuin ko.
Mga alas sais ng Umaga habang inaayos ko ang pinaglutuan ko rinig ko na ang yabag galing sa hagdan. Napangiti ako ng makita ang anak ko na naglalakas habang kinukusot ang isa niyang mata.
"Mommy"tinig niya.
"Anak.."lumapit ako sa kanya saka binuhat. "Ang aga mo gumising ah" Saad ko. Napahikab pa siya, nagkunwari akong nabahuan kahit sa totoo naman ay amoy toothpaste ang hininga niya.
"Nag toothbrush na po ako mommy" nakanguso nitong asal. Natawa ako
" I know. I'm just kidding" napahagikhik siya ng pindutin ko ang baywang niya.
Nakakatuwa na makita ang anak ko na masaya. Parang Dati lang 'takot akong madapuan siya ng lamok or langgam. Sobrang pag aalaga ko sa kanya noon. Nagsimula siyang kumain ng rice ng mag 1 and half year old siya. First time mom ko kaya over protective ako kay Wallace. Bawat humahawak sa kanya pinagaalcohol ko muna. Di nila ako masisisi dahil anak ko yon
Sabay kaming kumain. Kinuwento pa niya sakin ang pag lalaro nila ng pinsan ni kiel na si cedrix. Hindi ko akalain na la-laki ng ganto ang anak ko. Hindi ako perpektong ina pero ipinagkaloob pa din sakin si Wallace.
Napahaba ang kuwentuhan namin hanggang sa maubos ang pagkain. Tuwang tuwa si Wallace ng sabihin kong mag grocery kami, Favorite niya ang pumunta sa market kaya lagi ko siyang sinasama pag namimili ako. Para na rin malibang siya at hindi maboring lang dito sa bahay...
Medjo masama pakiramdam ko ngayon pero napagpasyahan ko nang mag grocery para lang may stock na kami dito sa bahay. Hindi ko na din sinabi kay kiel baka mamaya siya nanaman magpresinta na mag grocery. Hindi naman ako papayag dahil pagod na rin siya sa trabaho at responsibilidad ko rin Ang tulungan siya...
"Mommy, done na po" nilingon ko si Wallace ng magsalita ito. Nakabihis na siya 'alam niya na kung ano ang pang alis.
"Good job anak" nakangti kong usal. 'Dati kasi nagpapatulong pa siya sakin maghanap ng susuotin niya at kung pano isuot.
Square neck top at pants ang suot ko. Nagtawag lang ako ng tricycle. Nilingon ko si Wallace na prenteng nakaupo habang nakatingin sa Daan.
"Anak nasan yung binigay ng daddy mo na bracelet?" Tanong ko ng makitang wala ang suot niya na binigay ni kiel nung pasko.
Inosente siyang humarap saakin.
"Kinuha po ni daddy" inosente nitong Saad. Kunot noo akong nagtaka.
Napatango tango nalang ako.
Hindi ko nalang pinansin yon 'may dahilan naman siguro siya or nilinis yung bracelet matagal na din kasing suot ni Wallace yon
Ng makarating kami sa market.
Hinawakan ko agad kamay ni Wallace 'pumasok kaming sabay tumingin ako sa kanya na kung saan saan dumadapo ang kanyang paningin. Ng may madaanan kaming toy store alam ko na agad na nagning ning ang mata niya."Mommy bili tayo ng toys!" Magiliw nitong sabi habang tinuturo ang laruan. Napangiti ako
"Yes baby sige pero later na ha" malambing kong saad. Tumango tango ito.
Ng nasa tapat na kami ng supermarket kumuha ako agad ng push cart. hawak kamay kong hinawakan si Wallace dahil malikot siya pag nakakakita ng mga pagkain. Dumeretso agad kami sa mga frozen foods.
Binitawan ko saglit si Wallace saka kumuha ng bacon, hotdog, hashbrown at iba pa.
Pero nung lingunin ko ang tabi ko hindi ko nakita si Wallace. Tinambol agad ang dibdib ko saka hinanap kung nasan ang anak ko.
Nakahinga ako ng maluwag ng makita siya sa may mga isda.
"Wallace jusko naman anak dito ka lang sa tabi ko" Nag aalala kong Saad habang hila ko siya.
Kita ko ang pag singhot niya. Napabuntong hininga ako saka siya pinantayan. Hinaplos ko ang buhok niya gamit ang daliri ko saka siya hinalikan sa noo.
"Nag aalala si mommy sayo okay, kaya dito ka lang sa tabi ni mommy" payo ko.
"Sorry mommy" nakayuko nitong sabi.
Ngumiti lang ako saka nagpatuloy sa pag kuha ng pagkain.
Pagkatapos naming mamili sa grocery dumeretso agad kami sa may toy store.
Habang pumipili siya ng laruan napagpasyahan ko munang tawagan si kiel.
Tinipa ko ang number niya saka dinial.
Nagriring pero matagal niya bago sinagot.
"[Yes babe?]" sagot nito sa kabilang Linya. Rinig ko ang palitan ng salita ng mga tao sa linya.
"Ah sorry nakaabala ba ako?" Paumanhin ko.
"[Nah. How are you? Bakit napatawag ka?]"tanong niya.
"Tatanungin ko lang kung makakauwi ka ba magluluto kasi ako Carbonara..." sagot ko.
"[I'm sorry. May meeting kasi kami ngayon, but puwedeng mamayang gabi ko naman kainin]". Napabuntong hininga ako.
"Hmm okay sige painit nalang. Love you kain ka na nyan ha" Saad ko bago patayin ang tawag.
Nilingon ko si Wallace pero agad akong napatigil ng makita ang taong kausap nito.
Hawak ng lalaki ang laruan saka inabot sa anak kong tuwang tuwa. Kita ko ang pagproseso niya sa anak ko.
Lucas..
BINABASA MO ANG
My Sex Addiction (COMPLETED) |EDITING|
Romance|MATURED SCENES| !SPG! A/N: Expect some immature typings Being Raised in poverty, Jassiah Guerrero Became S*X addict. Will they get together? Written in: Tagalog Start: Sep 10, 2020 End: Oct. 4, 2021