"Nako iho wala akong kilalang pangalan na ganyan"nanghihinayang akong tumingin sa matanda saka tumango."Ganun ho ba. Salamat po"nakangiti kong Saad bago sinara ang bintana ng kotse ko.
"Bro kung San San na tayo nakaabot. Tama ba address na binigay ng kaibigan niya?"maya maya'y tanong ni Travis
Nagpasama ako sa kanya para matunton ang binigay na address ni via. Kaso nakalimutan kong sabihin kung saan ba mismo nakatira si jasiah
"Siguro, Seryoso naman siya habang binibigay address ni jas"sagot ko.
Napahawak ako sa noo ko.
"Siya ba yung babaeng naabutan natin sa hotel noon? Ano palang ginagawa niya don"tanong niya ulit.
"I don't know." tugon ko.
Sa sobrang bagot namin. Nagpasya nalang kami magpalipas ng gabi sa malapit na hotel. Isa sa kanya at Isa sa akin ang kinuha kong kuwarto
"Hanggang kailan ba kita hahanapin?" Bulong ko sa sarili ko.
Napahinga ako ng malalim at napag pasyahang maligo na muna.
May dala akong damit matagal din ako mag iistay dito para mahanap lang siya.
Lumusong ako sa bathtub habang umaagos ang tubig.
____________
"San mo gustong kumain anak?" Tanong ko sa anak ko.
"Sa Jollibee po!" Natutuwa nitong sagot.
Tumango ako saka kami nagtungo sa Jollibee. Mamaya din ay uuwi din kami para makapag handa ng hapunan
Nagorder lang ako sa counter habang ang anak ko ay umupo na sa bakanteng upuan. Sinilip ko siya sakto naman nagmumuni muni ito magisa.
"What's your order ma'am?"nakangiting Saad ng cashier.
" 1 piece chicken Joy miss, and Ultimate burger stake"sagot ko.
"Drinks ma'am?"
"Water lang"tugon ko.
Nagbayad agad ako saka nagtungo sa anak ko.
"Mommy I want chicken"salubong nitong sabi.
"Yes anak chicken yon"sagot ko.
Naghintay pa kami ng ilang minuto bago iserved ang inorder ko. Naging matakaw na si Wallace kaya nakikita ko na ang pagtaba ng katawan niya.
"Dahan dahan wallace"wika ko. Ang bilis niya kasi ngumuya maya't Maya kung humugot ng chicken.
"Mommy I'm hungry po" puno pa ang bibig nito habang nagsasalita.
Pinagbawalan ko agad siya saka pinanood ng kumakain. Nilantakan ko na din ang pagkain ko.
Absent si Wallace sa school niya sa province Pati na din ako. Gusto ko Sana umuwi na kaso ayoko naman maiwan si kiel dito mag Isa baka mag alala siya pag nauna kaming umuwi.
Nang matapos kaming kumain magpapasya na sana kaming umuwi pero naalala ko wala palang stock si via sa bahay. Dumaan muna kami sa supermarket, unti lang naman ang bibilhin ko para naman may kalaman laman ang bahay namin.
"Get a cart baby"mahinahon kong utos kay Wallace.
"Okay mommy" tumakbo siya papunta sa mga cart tsaka kumuha ng isa.
Lumapit siya saakin saka ibinigay ang cart. Nagtungo agad kami sa mga Delata unti lang ang kinuha ko. Habang kumukuha ako ng iba pang produkto naramdaman ko ang pag alis ni Wallace sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
My Sex Addiction (COMPLETED) |EDITING|
Romance|MATURED SCENES| !SPG! A/N: Expect some immature typings Being Raised in poverty, Jassiah Guerrero Became S*X addict. Will they get together? Written in: Tagalog Start: Sep 10, 2020 End: Oct. 4, 2021