Pano pag nawala sakin ang anak ko.. hindi ko kaya. Sobrang kaba ang kanina ko pa tinatago. Nandito ako sa silid ni Wallace natulog habang nakatingin sa kanya.Natatakot ako sa sinabi ni lucas.
Nabalik lang ako sa sarili ng may pumihit sa pinto. Nilingon ko ito, kakapasok lang ni kiel. Napadako Ang tingin niya sa 'min mag-ina.
Agad akong tumayo saka siya nilapitan.
"Hi babe"sabi niya.
Tipid akong ngumiti atsaka hinalikan siya sa labi. Simpleng pag dampi lamang ng labi ko sa kanya pero humurot pa siya. Mahina ko naman siyang hinampas na kaniyang kinatawa.
"Pagod ka?"tanong ko habang inaalis ang polo niya.
Ungot lang ang natanggap ko. Kita ko din ang antok sa kanyang mata.
"Tara na sa kuwarto. binantayan ko lang saglit anak mo, di kasi siya makatulog" pagsisinungaling ko at nagiwas ng tingin.
" I see. Sarap ng tulog oh, Tara na"aya niya.
Nakahawak siya sa bewang ko habang nakapatong naman ang ulo ko sa braso niya.
......
Kinabukasan
Maaga akong nagising para maghanda dahil may pasok kami ngayon. Ihahatid ko Sana ngayon si Wallace sa school pero si kiel na ang nagpresinta.
Kumain kami ng breakfast na inihanda ko saka pagkatapos ay nagbihis na rin ako.
Sinabay na din ako ni kiel para daw safe. Natuwa naman ako dahil ramdam ko na iniingatan niya talaga ako...
Hinalikan ko ang mag ama ko bago pumasok ng iskuwelahang pinagtatrabahuan. Dumeretso agad ako ng faculty room, Halos tatlo palang kami ang nandoon.
Ipinatong ko sa side table ang bag at lunchbox saka umupo sa upuan. May natira pa akong che-chekan. Mga pinagawa ko sa students ko last week
Nagchat ako sa gc na nandito na ako agad namang sumumbat sila Mira at aira.
Aira=
Frenddd baka matagalan akoo! Nakalimutan ko mag alarm..
Natawa nalang ako sa sinabi ni aira.
Jasiah=
jusko ano ba kasing inuna mo
Sabi ko naman.
Halos limang minuto din kaming nagusap usap na tatlo. Dumating si mara.
Dumeretso kami ng canteen para bumili ng snacks at sakto namang kakarating ni aira.
"Busy kasi yan kagabi" nakangising sabi ni mara.
Ngumuso samin si aira habang kinakain ang banana bread nya.
"Hindi noh. Nakatulog kasi ako agad sa pagod" sambit niya naman.
Hindi na ako umiimik sa usapan nila. Wala ako sa mood tsaka sumasakit ulo ko hays baka antok lang.
Dumating ang oras ng klase. Nandon na agad ang mga chikiting ko na estudyante. Tumahimik sila ng pumasok ako ng classroom.
"Goodmorning class"masaya kong sambit.
"Goodmorning teacher jasiah!"sabay sabay nilang sabi.
"Yann goods ng mga babies ko ah. Let's pray na mga anakshie" galak kong sabi.
Nagsimula ang klase. Madami din akong pinagawa dahil malapit na ang nutrition month. Tinuro ko ang mga pangalan ng gulay at dapat kainin.
Natapos ang 3rd subject at Breaktime na. Kinuha ko lang ang mga books at ipinunta iyon sa faculty room.
Aninag ko agad si aira na seryosong nagchechek. Pumasok ako ng fc tsaka nilagay sa ibabaw ng table ang mga books.
Sabay sabay kaming tatlo na nagsnack.
Nakakapagod din ang araw na toh kahit preparatory ang tinuturuan ko. Minsan kasi hindi sila masabihan at talagang nagkukulit.
Inanounce din ng principal saamin ang bagong teacher nyan.
"Starting tomorrow. Darating na ang bagong teacher na papalit kay ms. Joy. And I want you all to meet Sir Jace laxon from Vincent high. And please be nice to him. That's it you may go back to your classes" sambit nito.
Nagbulungan ang iba habang kaming tatlo ay prenteng nakinig.
"Yes ma'am"sambit naming lahat.
Bumalik ang class hour. Nagturo lang ako ng mga prutas at gulay dahil sa nalalapit na nutrition month.
Umidlip ako saglit para makapagpahinga. Lately kasing sumasakit ang ulo ko siguro dahil sa pagod ko lang.
Kanina habang sinusulat ko sa blackboard ang mga kakailanganin sa nutrition month bigla nalang dumidilim ang paningin ko.
Buti nalang natapos ko agad at nakapagpahinga sa upuan. Tinext ko si kiel kung puwede ba akong sunduin and buti naman wala din siyang masyadong ginagawa.
Natapos ang klase lumabas na ako. Nagpaalam na sakin ang mga estudyante ko.
Pero mukang kakaiba nga talaga ito. Dali dali akong pumasok sa cr ng biglang parang may umiikot sa tiyan ko.
Pulos suka ang ginawa ko. Napahawak ako sa bibig ko ng maalala ang nangyare nung pinagbubuntis ko si Wallace.
'Shit buntis ako?!
BINABASA MO ANG
My Sex Addiction (COMPLETED) |EDITING|
Romance|MATURED SCENES| !SPG! A/N: Expect some immature typings Being Raised in poverty, Jassiah Guerrero Became S*X addict. Will they get together? Written in: Tagalog Start: Sep 10, 2020 End: Oct. 4, 2021