Chapter 27.2 (Her reason)

27 0 0
                                    

Narrator's POV


"Jolina." She said bago pa sya pagpawisan ng sobra.

"May I?" Tanong ni Jolina kay Miyuki.

"Ah oo pasok ka." Bigla namang tumayo si Miyuki.

"Uhmm. I'll leave you two alone." Ngiti ni Sandy sabay alis nya sa kwarto.


Gusto sanang pigilan ni Miyuki si Sandy at sabihin na wag umalis dahil baka anong gawin sa kanya ni Jolina, pero hindi nya masabi. Sa mga ganitong pagkakataon kung kelan gusto nyang magsalita ng malakas hindi sya makapagsalita ng malakas.


Napapansin naman ni Jolina na natataranta at hindi mapakali si Miyuki kaya ngumiti sya dito.


"Don't worry Miyuki, I don't bite. I just need to talk to you, you know.... about sa nangyari kanina." Lumapit si Jolina kay Miyuki.

"Ah ano. Jolina, sorry ah? Hindi ko naman alam na yung joke ko seseryosohin mo." Saad ni Miyuki kahit na alam nyang totoo naman yung sinabi nya kay Oya.

"I should be the one na mag-sorry sayo. I'm sorry if naging sensitive ako kanina." Seryoso na sabi ni Jolina.

"Nako, hindi. Ba't ka magsosorry? Wala ka namang ginawa. Tama ka naman eh." Natatarantang sabi ni Miyuki.

"No, I really mean it. I'm really sorry for what I did to you. It's just that when it comes to Louis I'm really sensitive and overreacting. Sobrang special kasi ni Louis para sa 'kin."


Nagulat si Miyuki sa narinig nya. Gusto nya tuloy tanungin na kung ano bang meron sa kanilang dalawa. Since nandito na rin naman, gusto na nyang tanungin si Jolina. Kaso nauuna ang hiya nya, feeling nya baka pag-nagtanong sya baka mas lalong magalit sa kanya si Jolina.


"Nako, wala yun. Basta sorry rin talaga." Aniya ni Miyuki. Bigla na lang sya niyakap ni Jolina.

"I know you're curious about me and Louis. I'll tell you my reason kung bakit ako ganito sa kanya." Umupo si Jolina sa kama ni Miyuki. Nag-gesture si Jolina na umupo rin si Miyuki, umupo naman si Miyuki.

"Actually all of them are special to me— Carl, James and Louis and even Sandy. Louis have a mother but the problem is hindi sya sinusuportahan unlike the three na suportado ang mother nila sa kanila. Then suddenly by accident nakita ko kung paano sya i-treat ng mother nya. So one day I decided na i-treat si Louis baliktad sa ginagawa ng mother nya. So then, I'll always care, sensitive and overreacting when it comes to Louis. The guys and Sandy know about this." Hinawakan bigla ni Jolina ang kamay ni Miyuki.

"I hope you understand." Dagdag pa nya. Tumango naman si Miyuki.

"Sobrang bait mo talaga Jolina."


Ngayon kahit papaano naiintindihan na ni Miyuki kung bakit ganun na lang nagalit si Jolina sa kanya. Sa bagay hindi naman kasi nya kilala ng husto si Oya. Pero may bumabagabag pa rin sa kanya at yun ay kung anong relasyon nila Oya at Jolina.


Ano bang meron sa kanilang dalawa. Since nandito na rin naman might as well tanungin na niya.


"Jolina, m—" Bigla na lang napatigil sa pagsasalita si Miyuki ng biglang may kumatok.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Love Game (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon