Chapter 3: (Likes and Dislikes)

129 1 0
                                    

^ Salamat sa pag-follow sa kin girl. :) :*

Miyuki's POV

Nasa Academy na ako. Hindi ko nga lang alam kung maaga ako dumating o tama lang. Medyo konti pa din kasi kami dito, tsaka wala pa si Sandy. Nalaman ko na pati dito sa minor subject eh magka-classmate kami. Nakaupo lang ako dun. Walang ginagawa.

O.a. na ba kapag sinabi ko na hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-get over na nag-aaral ako sa isang exclusive at elite na school na to? Eh sorry naman kasi diba? Dati pinagpapantasyahan lang namin ng mga friends ko to, na sana makapag-aral rin kami dito pero whatta miracle. May malaking miraglo ang nangyari at nakapag-aral ako dito.

Nakakatuwa. Isang mahirap na babae nag-aaral sa isang exclusive at elite na school na sooner or later eh maiisama na sa guiness book of record. Wow lang diba? Sinong di makaka-move on dun? Wala siguro.

"Hi!" Bigla akong nagising sa fantasy ko ng may nag-hi sa akin.
"Ah hello!" Ngumiti rin ako sa kanya.
"Denisse Padilla, 3rd year college taking BSBA."
"Hello Denisse, ahmm Miyuki Henderson nga pala." Nag-shake hands kami.
"I guess you're new here. From what school are you?"
"Sa ****** University."
"Huh?" Kumunot-noo nya akong tiningnan.
"Public kasi yun kaya di mo ata alam."
"Ow! Ahmmm. Miyuki I'm sorry ah di ko alam school mo. Sorry talaga." Naging malungkot ang mukha nya.

B-ba't sya nagso-sorry? Anong masamang ginawa nya?

"Oy ano ka ba, okay lang yun no."
"NO! Dapat as Padilla dapat alam ko lahat! Dapat perfect ako. Dapat walang mali o walang kulang sa kin." Nabigla ako sa naging reaksyon nya. Alam kagad? Grabe. Medyo O.A.
"Denisse, do not try to know everything. Try to know many things. Try to know as many as possible but not everything, because it is impossible. You will only be miserable. Pag madami kang alam mas lalo ka lang malulungkot."

May sense naman sinabi ko diba? Tama naman ako diba? Di na nagsalita si Denisse nakatingin lang sya sa kin. Walang imik.

"Miyuki!" Biglang may tumawag sa akin kaya lumingon ako.
"Sandy!" Buti naman nandito na si Sandy medyo awkward na eh.
"Ah. Denisse geh una na ako ah. Ahmm. Bye. Nice to meet you." Ngumiti ako rito at nagba-bye na ko sa kanya at tumayo.

Buti na lang talaga nandito na si Sandy dahil mamaya mag-drama ng walang sa oras to eh.

"Hi Miyuki! Ang aga mo." Sabi ni Sandy.
"Miyuki, thanks nga pala. Don't worry I keep that in my mind. Nice to meet you too." Sabay ngiti nya.

O-kay? Alam nyo yung feeling na kahit ganun yung sinabi nya may awkward pa rin? Ewan ko ba kung bakit ganito, dahilan ata ng di ako naka-breakfast ngayon.

"Ah. Welcome." Ngumiti rin ako sa kanya.

Buti naman. Medyo meh pagka-oa. kasi sya eh. Diba-diba?

"Ah?" Naguguluhan na sabi ni Sandy. Napa-kamot na lang ako sa bandang ulo. "Nagkakilala na pala kayo ni Denisse."
"Yep." Tango ko.

Awkward kamo. Sobra. Nag-drama ba naman si ate sa harap ko. Nasabihan ko tuloy ng aking words of wisdom. Hahaha..

"Okay naman ba ha?" Anong okay? May mali ba?
"Ha? Panong okay ah?"
"Ahmm. Wala-wala!"
"Oy geh na. Ano ba yun ha? Ano nga yun?"
"Wala." Anong wala? May laman sa sinabi nya eh.
"Hmmm. Siguro nagseselos ka noh? Hahaha." Sinabi ko lang yun para mawala rin yung curious sa sinabi nya. Curiosity kills the cat nga naman.. Pesteng curiosity yan!
"W-W-Wha-What?!"
"Hahaha. Utal-utal. Hahaha."
"Miyuki What are you talking about?"
"Weh? Hahaha."
"Oy! No I'm not ah. Hindi kaya."
"Hahaha. 1,2,3 para-paraan!"

Thanks to Vice Ganda. Hahaha. Ang sarap asarin ni Sandy kasi namumula na sya. Alam kong sa hiya yan. Hahaha. Nakakatuwa. Kitang-kita yung pagiging kulay red nya. Hahaha. Amputi naman kasi eh. Pero seryoso kung hindi ako babae, liligawan ko talaga to.

The Love Game (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon