Chapter 6: (Hell-tention)

105 1 0
                                    

Miyuki's POV

Humikab-hikab ako habang papunta sa locker room.

Antok na antok pa ako. Di kasi ako maka-get over sa nangyari kahapon. Fine! Psh! Kasalanan ko na. Pero may kasalanan din sya, kung di nya ako pinag-tripan di ko susuntukin yung awesome nyang ilong.

Nakakabwisit mga tao ngayon dito makatingin sa akin ng masama wagas. May ginawa ba ako sa kanila ha? As much as I recall wala naman ah. Ni hindi ko nga sila kilala eh tapos kung makatingin sa akin akala mo kakainin ako ng buo.

Ano nga ba ulit no. ng locker ko? Kinuha ko yung registration paper ko at tiningnan kung anong no. ko sa locker.

Dumeretso kagad ako tapos nilagay ko yung mga gamit ko sa locker. Yung locker ko is yung normal na locker lang naman, mahaba tapos meron sa taas which is pwede lagyan mo ng mga books and notebooks tapos the rest eh parang closet thingy. Basta mahirap I-explain.

Arte nga ng school na to kasi kailangan personalize daw yung locker. Lahat ng students required yun eh. Advantage naman yun sa akin kasi mahilig ako sa mga arts, hmmm. Artistic kumbaga. Nagbubuhat na naman ako ng sariling bangko.

Patapos na akong ilagay mga gamit ko ng may sumulpot na mga babae dito sa gilid ko. Tinapos ko munang ilagay yung mga gamit ko bago ko sila harapin. Sino sila chicks? Psh. Tatapusin ko muna tong ginagawa ko bago sila.

Nilingon ko kagad sila at tumambak sa akin ang 7 na babae.

Tiningnan ko sila ng maigi at sa tingin ko mga nasa 2nd year-4th year tong mga babae na to. Napatingin naman ako sa palda nila kasi sobrang iksi. Alam ko naman na above the knee tong palda naming pero sa kanila kasi sobra na eh. Buti di pa sila nasisita.

"Yes po?" Tanong ko sa kanila na walang kabuhay-buhay. Inaantok pa nga kasi diba ako?

Di sila umiimik sa tanong ko. Tiningnan lang ako mula ulo hanggang paa. Aba sundutin ko kaya yang mga mata nila! Ang sarap tusukin ng chopstick eh!

"Ano bang problema nyo?" Nakakainis kasi eh, makatingin sa akin akala mo kung sino.
"Are you sure na sya yun?" Sabay turo sa akin.

Narinig kong sabi nang isang palakang babae dito. May bulong-bulong pa sya nalalaman eh maririnig ko rin naman. Bulong ba tawag dun? Psh.

"I think she's the one" Sabi nung katabi kong pandak dito.

Anong ako? Ako? Ano bang ginawa ko sa kanila? Wala naman akong ginagawa sa kanila ah. Kahit kelan di ko pa nakikita yang mga pagmumukha nila. Ni hindi ko pa nga sila nakikita eh, ngayon pa lang.

"Deretsuhin nyo na nga ako! Ano ba gusto nyo? Sino ba kayo?" Tumaas ng octave yung boses ko.

Makatingin kasi sila sa akin wagas. Ikaw ba naman tingnan ng 7 babae na akala mo may atraso kang ginawa sa kanila. Sino di maiinis dun, isama mo pa na antok na antok pa ako.

"Sino kami? Kami lang naman ang mga fan girls ni Oya dito sa Academy ang King Daebak."

Tiningnan ko yung patch na pinapakita nila sa akin. Yung patch na yun nakalagay yung name ng group nila tapos yung picture ni Kishida, color blue pa, favorite color ata ng Unggoy, Aba'y ewan ko sa kanya. Maganda rin naman in fairness kasi cross stitch yung gamit at artistic naman. Nag-aksaya pa talaga sila dito para lang malaman na sila ang mga fan girls na mokong na yun. Psh.

May fans pala ang unggoy na yun. Pa-fans fans pa nalalaman, hindi naman artista. Unggoy na artista, yuck! Dapat sa zoo yan tinatapon eh.

"Ha? Anong King Tibak?" Pasensya na. Di ko talaga maintindihan kung ano ba yung pangalan ng group nila. Ang baho nga eh. Tibak. Manyak na manyak kahit kelan. Bagay sa hinahangahan nila. Parehas silang manyak.
"Argh! I hate you! It's not tibak okay? It's Daebak. Pronouns as Taepak. We are King Daebak. Daebak means awesome in Korea, okay? And as we all know Oya is awesome." Shine bright like adiamond and eyes nya ngayon. Napa-poker face na lang tuloy ako.

The Love Game (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon