Chapter 22.2 (Last day)

25 0 0
                                    

Sandy's POV 

Kung papiliin ko na lang kaya sya? Siguro sasagutin naman nya. Hindi na naman sya snobber sa akin, though na cold naman sya but atleast kinakausap na nya ako. Sobrang konti nga lang ng conversation namin but at least pumayag sya sa date.


Ay ang gulo! Tanungin ko na nga lang sya.


"Ahmm. I have two options kung saan tayo pupunta. Hindi pa kasi ako makapag-decide. Do you want to go to Star City or Eastwood? For now gusto ko maging average people, kung paano sila mag-date."


Just choose Oya. Please.


"Ikaw bahala." Nag-pout naman ako bigla.

"Why me? Hindi nga ako makapag-decide eh." Tumingin sya sa akin dahilan ng pagka-bigla ko.


Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko and my tummy felt butterflies suddenly.


"Gusto mo parehas na lang?" Tanong nya sa akin still nakatingin pa rin.


Kahit na hindi sya nakangiti parang mamahimatay na ata ako sa titig nya. Nakaka-hypnotize sya.


"S-sure. I-if that's what you want." I really stuttering right now. D*mn!


Tumango sya at pinaandar na ang kotse.


I think I'm gonna die now. Dying in kilig. Seriously mga small things lang nya ang laking epekto na sa akin. Ang laking epekto na sa puso ko. Really d*mn.


Nakakapanibago pa rin hanggang ngayon dahil hindi sya snob sa akin. Cold sya oo pero pinapansin nya ako. Yung mga gestures nya rin nakakapanibago. Parang hindi sya si Oya na kilala ko ngayon parang ibang tao tong katabi ko.


Paano ako mag-lelet go at mag-momove on kung ganito?


His small things..


\\\


Papunta na kami sa Eastwood. Actually sa mall na lang kami pupunta at hindi na kami pupunta sa Star City. We decided kasi na cheap kapag pumunta ng Star City. Alam nyo naman mayaman kami so dapat sa mayaman place din kami.


Kailangan ko ng mag-isip kung anong gagawin namin doon. Hindi naman pwede tumunganga na lang kami. Kailangan may gawin kami.


Tiningnan ko ang phone ko kung anong oras na at 10:48 na pala. May oras pa ako. Marami pa akong oras para mapakita sa kanya kung gaano ko sya kamahal.


\\\


Buong byahe tahimik lang kaming dalawa. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko. Alam ko naman na hindi talaga sya magsasalita.


Nasa Eastwood na kami at naka-park na rin ang kotse. Nag-retouch muna ako bago bumaba.

The Love Game (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon