Chapter 8: (His dark side)

122 1 0
                                    

Miyuki's POV

"Okay lang kaya sya?"
"Duh! Oo naman no."
"Patay na ata."
"Mark! Your so mean."
"Nagjo-joke lang eh."
"Jokes are half meant."
"Ang dami mong satsat"

Ang ingay naman nun oh. Unti-unti kong binuksan yung mga mata ko at..... may nakita akong 1 PRINSESA at 1 PALAKA! Dejokelang.. Nakita ko lang naman sila Sandy at Mark (?) na nasa harapan ko. Nasan ako?

Tumingin-tingin ako sa paligid para malaman ko kung nasan ako. Puting kisame. Puting pader. Amoy clinic. Nasa clinic ako?

Bakit ako nandito? Anong nangyare?

Sandy: "Miyuki!"
"Bakit ako nandito?—Ouch!" Ouch! Hinawakan ko yung bandang dulo ng ulo ko at meh bandage na nakalagay. Bakit meron ako nito? San ko nakuha to?
"Hala ka! Nagkaroon na ng amnesia." Biro ni Mark. Pinalo naman ni Sandy sya sa braso.
Sandy: "Tumigil ka nga Mark. Okay ka lang ba Miyuki ha? Nahimatay ka kasi tapos pagka-himatay mo ayun tumama yung ulo mo sa dulo ng lamesa." Nahimatay ako? Ako nahimatay? Bakit ako nahimatay? Ano bang nangyare?
"Buti na lang kamo paakyat na ko. Kaya nung narinig ko yung sigaw ni Sandy tumakbo kagad ako." So may malaking utang na loob pa ako sayo Mark? Sa bagay kung hindi dahil sa kanya wala ako dito at hindi ako makaka-rest ng maayos. So thanks Mark ah. Hindi sarcastic yun.
Sandy: "At buti na lang hindi malala yang nangyari sayo. Although grabe nga pero at least hindi tumama yung buong ulo mo sa may dulo ng lamesa." Grabe pala nangyari sa kin. Kaya pala. Pero bakit ba ako nahimatay ah? Ano bang ginawa ko?
"..... Doc. ba't po kaya nahimatay si Miyuki?" Parehas lang pala kami ni Sandy ng tanong. Hindi ko kasi talaga alam kung bakit ba ako nahimatay. Wala akong matandaan kung anong last na ginawa ko bago ako nahimatay.

At first time ko lang mahimatay ah. Kahit kelan hindi pa nangyari sa kin yun. Nakakatakot pala kasi pagkagising mo nakalimutan mo na yung reason kung bakit ka nahimatay.

"Madaming reason kung bakit sya nahimatay. Pwedeng dahil sa mainit ang panahon, pwedeng dahil sa madami syang ginagawa, pwede ding dahil sa stress sya o kaya pwede ding hindi sya nakakain."
Sandy: "Miyuki sa mga binanggit ba dun ni Doc. Eh isa dun reason kung bakit ka nahimatay?" Hmmmm...

Bakit nga ba ako nahimatay?

Automatic na lumaki ang mata ko. Now I know. Naiintindihan ko na kung bakit ako nahimatay. Alam ko na yung reason.

Bumilis na naman yung tibok ng puso ko. Shocks! Lumunok ako ng laway kasi naalala ko na naman. Si Kishida ang may kasalanan. Sya ang may kakagawan nito.

Sinakal nya ako. Sinaktan nya ako. Naalala ko na naman yung kanina na nangyari. Kung paano nya ako sinakal, kung paano ako nagmamakaawa sa kanya na alisin na yung kamay nya sa leeg ko, kung paano nya sinuntok yung desk nya, kung paano ako naghahabol ng hininga, kung paano sya umalis ng room ng galit, kung paano ako nahimatay. Naalala ko na.

Ang sakit. Hindi ko alam na kaya pala ni Kishida na sakalin ako. Hindi ko alam na kaya nya pala akong saktan. Hindi ko alam na kaya nya akong patayin ng ganun-ganun lang. Muntikan na akong mamatay sa ginawa nya. Alam kong konting force na lang nya sa kamay nya  bigla na lang ako mamatay.

Hindi ko akalain na kaya nyang manakit ng babae. Parang hindi sya si Kishida nung mga time na yun. Hindi sya si Kishida na kilala ko na nangungulit, mapang-asar, nangbibwisit at mahangin na lalake. Nung time na yun sya si Kishida na galit sa mundo na walang pakelam sa ginagawa nya. Para syang halimaw. Para syang pokemon na na evolved. Iba talaga si Kishida kanina. Ibang-iba sya. Isa lang ang masasabi ko kanina hindi sya si Kishida na kilala ko. Hindi sya si unggoy.

Mark: "Pero Doc. Bakit sya may sugat sa may bandang leeg?" Sabay turo ni Mark sa leeg ko.Nawala yung pagda-daydream ko ng nagsalita si Mark.

The Love Game (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon