Chapter 24 (Jolina Cruz)

33 3 0
                                    

Miyuki's POV



Napaka-haggard ngayong araw na to. Marami kasing ginawa kanina. Next week mas magiging haggard pa kasi prelim na. Sunod-sunod nga ang exam.



Isama mo pa ang paggawa namin ni Mr. P ng sculpture para sa darating na birthday ng president. We're almost there na rin naman.



Kakalabas ko lang ng library. Nag-aral kasi ako ng kaunti sa math. Alam ko naman kasi sa sarili ko na hindi ako sa magaling sa math.



Ngayon naman pupunta ako ng bldg. sa Art Club. Tatapusin na kasi ang sculpture. Isang buwan na lang kasi ang natitira sa amin.



"Ms. Sungit!" Nabigla ako sa tumawag sa akin at lumingon dito.

"Alvin?" Si Ostrich lang pala akala ko kung sino na.



Tumakbong pumunta sa akin si Ostrich.



"Where are you going?" Ininspect nya ang bag ko at tumingin ulit sa akin. "Pauwi ka na?"



Umiling naman ako.



"Hindi. Papunta ako ngayon sa bldg. ng Art Club." Sabi ko.

"Good. Come on." Nagulat ako ng bigla nyang hinawakan ang pulso at nagsimula syang maglakad hila-hila ako.

"T-teka! H-hoy! Alvin!" Hindi ata ako marinig ng loko na to dahil kahit anong piglas ko ayaw nya pa rin.



Patuloy lang sya sa pangkakaladkad sa akin. Medyo masakit na. Pero pinabayaan ko na rin kasi kahit anong piglas ko alam ko naman na sya pa rin ang masusunod.



Ganyan talaga ata kapag tropa ng ugok na yun.



Sa hindi kalayuan nakita ko si Sandy (na ngayon ko na lang ulit nakita. Isang buwan nga diba siyang hindi pumasok) at si Kishida?



Magkasama sila?



Akala ko kung saan kami papunta pero sa direksyon kami nila Sandy kami pupunta.



Hindi pa rin ako makapaniwala na magkasama silang dalawa. I mean hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila pero syempre diba knowing Kishida ayaw nya kay Sandy.



Well no offense my bestfriend.



Huminto na sya sa paglalakad kaya pati ako huminto na. Tumingin ako kay Ostrich at nag-head gesture sya na tumingin sa dalawa.



Hindi ko gets. Ano bang nangyayare dito?



Tinignan ko sila. Si Sandy naka-upo ng maayos. Yung bag nya nasa lamesa tapos naka-crossed legs pa sya. Si Unggoy naman naka-upo sa lamesa with matching bukaka at nakalagay yung dalawang braso sa binti habang nag-pophone.



"Miyuki! Long time no see!" Sabi ni Sandy sabay tayo nya at niyakap nya ako. Niyakap ko naman sya pabalik.

"Ah. Long time no see rin."



O-kay. Hindi ko talaga gets ang pangyayari ngayon. Gusto ko sanang itanong si Sandy kung anong relasyon na nila ngayon ni Kishida kaso nakakahiya naman diba?



Minutes later nagsalita na si Ostrich. Sa wakas.



"May gagawin ka ba ngayon?" Kunot-noo ko syang tiningnan. "You see reunion kasi namin." Lalong kumunot ang noo ko.



What does he mean na reunion? Eh diba parati naman silang magkakasama?



Ang tinutukoy nya ba eh yung kanila Sandy at Unggoy?



The Love Game (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon