Miyuki's POV
Hindi ko alam pero nangingilid na yung mga luha ko. Mas bumilis yung tibok ng puso ko at mas kinakabahan ako ngayon. Napahawak pa nga ako ng mahigpit sa kumot at nararamdaman ko ngayon na nanginginig yung labi ko.
I can't believe na sya ang iluluwa ng pinto. Sya yung kumatok? Sya yung nagpa-suspend sa 'kin? Sya? Bakit sya nandito? Bakit? Ano na namang gusto nya? Ano na namang gagawin nya? Hindi pa ba sapat yung ginawa nya kanina? Hindi pa ba okay para sa kanya yun? Hindi pa ba sya na kokontento sa ginawa nya? Hindi nya ba nakikita kung gaano ako nagmakaawa sa kanya at umiyak sa kanya kanina? May gagawin pa ba sya?
Palapit na sya ng palapit. Yung isa nyang kamay nasa bulsa tapos nakatingin lang sya sa kin ng maayos. Hindi ko mabasa yung mukha nya. Kung galit ba sya, kung natuwa ba sya, kung nanghinayang ba sya o kung naguilty ba sya? Hindi ko maintindihan.
Mix emotion na nararamdaman ko ngayon. First time ko lang maranasan yung mga ganitong emosyon na halo-halo. Hindi ako mapakali. Parang ako nakakita ng multo or mas worst pa dun.
Gusto ko umalis sa kamang to at magtago or better lumabas dito sa room na to kaso ayaw gumalaw ng mga paa ko. Ayaw makisama.
Nakita ko na lang sya na nakatayo na malapit sa kama. Kinakabahan pa rin ako. Hindi ko alam kung anong gagawin nya ulit sa 'kin.
I found myself crying na pala. Hindi ko na napigilan. Sunod-sunod na sakit nararamdaman ko ngayon. Yung sakit sa mga sugat ko at yung sakit na nagyari kanina. Hindi ako O.A. pero kapag iniisip ko yung nangyari kanina parang gusto ko na lang umiyak ulit. Nakakatakot kasi talaga sya.
Hindi ako emotional na tao pero kapag alam kong sobra na, nilalabas ko na talaga. Hindi ko pwede kimkimin to kasi baka sumabog ako kapag hindi ko iniyakan to. 'tong nangyari sa 'kin. Hindi lang kasi basta-basta na sakal, kung basta-basta lang yun hindi ko iiyakin to. Pero kasi iba kasi yung ginawa nya, para bang naging halimaw sya na ewan.
Sa wakas nakita ko na yung expression ng mukha nya. Ngayon nakita kong nagulat sya. Nagulat sya dahil umiyak ako? Sino bang hindi iiyak sa nangyari? Sino bang matutuwa dun? Wala. Walang matutuwa dun.
Hindi ako makapag-salita. Gustong-gusto kong itanong kung bakit nya ginawa yun pero hindi ko kaya kasi natatakot ako. Natatakot ako na kapag tinanong yun baka mapuruhan na naman ako.
Now I know na may ganung side sya. Nakakatakot talaga syang magalit. Nagiging halimaw sya kapag magalit. He's worst than a monster. He's worst than I thought. Monkey Monster sya.
Hindi sya nagsasalita. Hindi rin ako makapagsalita. Magka-eye to eye contact lang kami.
Ako na yung umiwas ng tingin. Hindi ko sya kayang tingnan. Natatandaan ko na naman kasi yung nangyari kanina.
Ilang minuto ang nakalipas pero wala pa ring umiimik. Ganun pa rin yung position namin. Sya nakatayo ako naka-upo, di nakatingin sa kanya. Kahit papaano tumigil na rin yung iyak ko. Hindi ko nga lang mapunasan ng maayos kasi nakakapit pa rin ako ng mahigpit sa kumot.
Narinig ko syang nag-sigh at nag-start maglakad. Hindi ko naman maiwasan na tumingin sa kanya. Ganun lang yun? Hindi ba sya magso-sorry sa ginawa nya? So parang ako pa ang may mali? Ganun ba yun? Ganun ba yung gusto nyang ipahiwatig? Hindi man lang nya sasabihin kung bakit nya yun ginawa?
Di ko tuloy mapigilang umiyak ulit. Nakakainis sya. Akala ko kumukuha lang sya ng timing pero yun pala wala lang din. Sana pala di na lang sya pumunta pa dito. Mas maganda pa yun, di sana ako umiiyak ng ganito.
Nasa pinto na sya ngayon. Binuksan ang pinto, pero bago yun tumigil muna sya at tumingin sa gawi ko (Not necessary, yung tenga lang yung nakikita ko ngayon at yung side ng mukha nya).
BINABASA MO ANG
The Love Game (On-going)
Ficção AdolescenteLet's play a game! Would you like to play a game? "Love is a game that two can play and both win."