Chapter 6.3 (Hell-tention Room)

115 1 0
                                    

Miyuki's POV

Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko dito. Sumasakit na nga yung ulo ko kakatingin kung na saan ba dito yung Outfit Room. Mukha na kaming gusgusin dito, pero MAS gusgusin ako dito. Mas madami akong pintura sa mukha kesa sa kanya kasi yung sa kanya sa braso lang tapos ang galing pa umilag di katulad ko na mukha ng avatar.

Kanina pa kami lakad ng lakad dito, deretso lang ng deretso. Feel ko pinagtri-tripan ako nito eh. Lumilingon kasi sya sa kin tapos ngingisi. Mung-ewan lang, nangunguna kasi sya sa paglalakad habang yung dalawang kamay nya nakalagay sa bulsa. Masabi lang na cool eh. Psh.

Kating-kati na ako dito. Ikaw ba naman lagyan ng pintura sa katawan sino di mangangati ha?

"Oy!"
"AY TAENG KINALABAW KA!" Napatalon naman ako sa gulat.

Nangangamot ako dito tapos biglang susulpot sa harapan ko tong si unggoy. Kelan pa to nandito? At kung makatulak sa akin wagas? Babae ako di lalake!

Di ko sya pinansin at naglakad na lang ulit ako. Lumayo pa kamo ako sa kanya para di na ako kulitin nitong mukhang epal na unggoy na to.

"Oy Henderson!" Kinulbit pa ako. Ano bang gusto nito ah?

Ang kulit talaga nito ni Kishida no? May balat talaga to sa pwet. Tapos kung makakulbit wagas eh. Uulitin ko babae ako ah?

Lumayo ulit ako sa kanya. Bahala sya. Hindi ko sya papansinin. Lelang nya.

Kanina pa kami lakad ng lakad at kanina pa rin kami tinitingnan ng mga tao dito. Asan na ba yung outfit room na yun ah? Ang layo naman nun dito! Kailangan pa ba namin tumawid ng dagat at umakyat ng bundok para makapunta dun? Ugh!

"Bakit mo ba ako sinusundan ha?" Naka-kunot nyang sabi sa akin.

Ayan na naman sya sa kunot kunot yang chever! Ano ba! Sabi ng wag syang mag-ganyan eh! Lintek.

A-at anong sinasabi nya na bakit ko sya sinusundan? Diba sya papuntang outfit room? Dun kami papunta eh. Wag mong sabihin--- asdfghjkl!!!! Kanina pa kami lakad ng lakad dito tapos di pala sya papunta dun? Eh san pala sya papunta ah?

Kating-kati na ako dito tapos sya-- Ugh! Kainis naman oh.

Kumunot na rin yung noo ko. Magkaharap na kami ngayon, napatigil ako sa paglalakad nung nagtanong sya eh.

"De joke lang. HAHAHAHAHA!!" Tumawa pa sya at ginulo yung buhok ko.

Lintek sya! Bakit nya ginulo yung buhok ko ah!? Magulo na nga to tapos lalo pa nyang guguluhin.

May gana pa syang tumawa at mag-joke!? Akala nya siguro kinilig ako? Hindi no! Che! Walang epek sa kin yun. Pero to be honest nung tumawa sya para syang unggoy! Hahaha.. May bandage kasi sya sa ilong kaya imbes na kiligin ako natawa pa ako. Muka syang unggoy. HAHAHAHA!!

"... oh bakit di ka pa naglalakad dyan? Kinilig ka naman?" Sabay smirk ng loko.

Bwisit sya! Bakit ako kikiligin dun ah? Di no. Utot nya. Asa sya.

Naglakad na ako para di na nya ako asarin. Ako? Kikiligin? Di no.

Napatingin ako sa orasan ng room na nasa left side ko lang. Ilang minuto na rin pala kami palakad-lakad dito. At kanina pa pala ako dito kamot ng kamot. Bahala na nga. Gusto ko na magpalit.

"Matagal pa ba? Kating-kati na ako dito. Nasan ba yang outfit room na yan?" Tanong ko sa kanya. Kating-kati na kasi talaga ako dito. Gusto na ng katawan ko maligo.

Tumingin sa kin si Unggoy at.....

*eyes widen*

Hinawakan bigla ni Unggoy yung wrist ko at hinila ako.

The Love Game (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon