Chapter 11.4: (Audition)

104 1 0
                                    

Miyuki's POV

Bigla akong napatigil dahil sa may narinig akong hindi familiar na boses na tumatawag sa 'kin.

Lumingon kagad ako sa tumawag sa 'kin at I didn't expect na sya ang tatawag sa 'kin. WWAAAHHHH! Sya yung tumatawag sa 'kin and promise iba ang aura nya ngayon parang hindi sya yung nakausap ko nung audition. Iba talaga. Para syang may positive na aura ngayon hindi yung tatahi-tahimik na suplado na hindi mo alam.

Hinintay ko lang sya na lumapit sa 'kin. Alangan namang tumakbo ako papunta sa kanya mamaya sabihan nya pa ako ng crush ko sya o natuwa ako ng nakita ko sya kahit na natuwa talaga ako. Syempre di ako aamin. Nakakahiya. Di kami close.

"Buti naman nakita na kita." Nasa harap ko na sya ngayon.

Tinaas ko naman yung isa kong kilay. Bakit nya ako hinahanap? Though nakakatuwa dahil hinahanap nya ako but still bakit nya ako hinahanap? May ginawa ba akong kasalanan sa kanya? Wala naman akong ginawa sa kanyang masama uhhh!

"Uh bakit?"
"Did you not see my text?" Ha? Ano ba pinagsasabi nya? Kelan pa ako nagkaroon ng phone? Ba't di ko alam?

Waahhh!! Is this his another side? Kung ganito lang pala nakakaloko ang pagiging positive nya. Waahh!

"Anong text? Eh wala nga akong phone."

Bigla nag-iba ang aura nya. Nagpapalit na sya ng expression. Is this a good sign? Kaloka sya.

"Psh.. Kaya pala. Oya, you tricked me." Ha? Di ko gets. Napakunot na lang ang noo ko. Ano bang gusto nyang sabihin?

Pero bakit ganun malumanay pa rin syang magsalita. Hindi ba to nasigaw man lang o kaya lakasan ang boses kahit octave? Natural pa rin yung tono ng boses nya eh.

"Ako? *sabay turo sa sarili*" He said innocently.

Lumapit si Mr. P kay unggoy. So parang pwesto namin eh nasa gitna nila ako. Ang tangkad naman nitong dalawang to. Parang magka-height lang sila eh.

"Oo. Nangtrip ka na naman."
"I really don't get you, Russ."

Nakita ko si Mr. P na nag-roll eyes. Luh! Nag-roll eyes sya! Nag-roll eyes sya! Ang galing! Yung expression na naman nya! Umiiba-iba na! Ang galing!!!!!

"Wait nga lang. Pati ako hindi ko gets eh." Napa-kamot na ako sa bandang batok ko. Hindi ko rin gets eh although alam kong gets na ni unggoy hindi lang sinasabi.
"Last night bago mag-uwian I ask him *sabay turo kay unggoy* if may phone ka ba. Hihingin ko sana, para sa Arts Club then he gave it naman. Then tinext kita na pumunta sa may bench malapit sa may Arts Bldg. para matignan mo yung result ngayon. Pagpunta ko dun kanina instead na ikaw ang nandun, ibang babae pala. Nangtrip na naman sya." Habang nage-explain si Mr. P si Unggoy naman parang wala lang. Yun bang parang wala syang kasalanan. Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa yung mata nya. Obvious naman. Tsk.

Ngayon bumalik na naman sya sa sarili nya pagkatapos nyang magsalita. I mean yung unang pag-uusap namin. Naging serious face na naman sya.

Waahhh!! Bakit ang bilis naman ata nun? May expiration ba yung postive aura nya? Nawala na kagad? Ang bilis naman! Ano ba pwedeng gawin para bumalik sya sa pagiging positive? May kailangan bang i-text para bumalik sya? Ano ba? 8888? *143#? 223? 911? Ano baaa???

"Oy wala akong kasalanan dyan ha." Deny pa nga. Ashu!

Hindi naman umimik si Mr. P at tiningnan lang si Unggoy ng sobrang seryoso ng mukha. Waahhh! Hindi na talaga nya maibabalik yung kanina? Wala na? Seryoso na ulit sya. LUUUUHHHH!

"Hahaha. Yung babae kasi binigay nya sa kin yung no. nya eh ano naman gagawin ko dun kakainin? Psh. Eh buti na lang hiningi mo yung no. ni Henderson kaya yun naisip ko na i-trip ka. Haha.." Sabay hawak nya kay Mr. P sa balikat.

The Love Game (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon