Continuation...
Miyuki's POV
Dahil pinalayas ni Unggoy yung tatlo sa sarili kong kwarto kami na lang naiwan. Nakahiga sya ngayon sa kama ko samantala ako kanina pa ako naghahanap ng masusuot nya.
"Oh, ito muna suotin mo medyo maliit yan kumpara sa damit mo pati pasalamat ka na lang at least may damit ka. Sige na magpalit ka na para magamot na kita." Sabi ko sa kanya sabay bigay ng damit.
"Ang liit naman nito. Sa tingin mo masusuot ko to?" Ang daming arte naman nito.
"Diba nga sabi ko magpasalamat ka na lang kung ayaw mo di wag. Akin na yan!" Sabay lahad ko ng kamay ko sa harap nya.
"Oy hindi na. Okay na." Kahit anong angal nya wala syang choice kung hindi suotin yun.
"Wala kang c.r sa kwarto mo?" Dagdag pa nya. Kumunot-noo ko syang tiningnan.
"Hindi to hotel no. Dun ka sa baba kung gusto mo mag-c.r."
"Hindi ko na nga kaya gumalaw eh."
"Tss. Wait nga lang tawagin ko lang sila Alvin." Pasalamat sya at baldado sya at guilty ako sa ginawa ko.Iniwan ko muna sya sa kwarto ko at bumaba na, pinakiusapan ko yung dalawa na kung pwede tulungan palitan ang baldado nilang kaibigan. Nasa sala kami ngayon ni Sandy.
"What happened Miyuki?" Nabigla ako ng makita ko sa mata ni Sandy na may luha-luha pa. Katatapos nya lang umiyak? Umiyak na naman sya?
"Sandy sorry ha? Its all my fault kaya sya naging ganyan kung hindi lang ako naging pasaway eh di sana di sya nabugbog." Kamot-kamot kong sabi sa kanya. Ako naman kasi talaga ang may kasalanan.
"But how? Why?" Hanggang ngayon pala hindi nya pa alam ang nangyari. Napabuntong-hininga ako at kwinento sa kanya ang lahat ng pangyayari kanina well syempre except yung sa kiss. Wala dapat makakaalam nun.Naalala ko na naman yung kiss scene na yun kaya umiling-iling akong tiningnan si Sandy. Gusto ko talaga masuka.
Pagkatapos kong i-kwento kay Sandy, kagaya ng dalawa nagulat din sya.
"Ms. Sungit Oya need's you." Sabi sa akin ni Ostritch. Tumango ako kay Ostritch at bago ako umakyat tiningnan ko muna si Sandy na nakayuko.
Shocks. What I have done.
"Ang sikip ng damit mo." Napa-poker face naman ako sa sinabi nya.
"Pasalamat ka may nasuot ka pati hindi yan sa kin sa Dy ko yan. Isipin mo na lang naka-leggings ka." Palapit na ako sa kanya at may dalang-dala na rin akong medicine kit.
"Hmmm. Sa bagay. Bagay naman sa kin diba?" Nag-smirk sya bigla at nag-pose. Napa-face palm na lang ako sa ginawa nya.
"Akala ko ba baldado ka? Mas lalo kang naging unggoy! Sumobra ata yung mga suntok nila kaya mas lalo kang naging mahangin." Pang-aasar ko sa kanya nakita ko naman biglang umiba aura nya. Hahaha. Pikon.
"Shut up." Pikon nga.
"Ewan ko sayo. Umupo ka na nga dyan gagamutin na kita." Tinuro ko yung kama ko at pinaupo na sya.Akala ko hindi sya susunod pero nagkamali ako, sumunod sya. Umupo na rin ako at kumuha ng isang bulak at naglagay ng Agua Oxigenada.
"Bago ko ilagay tong bulak na to dyan sa mga sugat mo uunahan na kita hindi to masakit. Kokotongan kita kapag umaray ka. Wag kang o.a." Inirapan nya lang ako.
Una kong gagamutin yung sugat nya sa pisngi. Dinampi ko na ang bulak sa sugat nya. Pag-ito talaga nag-aray humanda sya sa akin.
"Aray naman!" Hinawi nya bigla yung kamay ko.
"Kokotongan kita! Diba sabi ko sayo wag kang umaray di naman to masakit eh." Daig nya pa bata.
"Eh sa masakit eh." Natawa ako kasi para syang bata na kinuhanan ng lollipop. Mukha syang tanga. Hahaha.
"Ang o.a mo. Sandali lang to lilinisin ko lang yang sugat mo."
"Faster. Ang sakit sobra." Ang o.a talaga kahit kelan. Daig pa ako nito.At baka umiyak na to ng tuluyan binilisan ko na ang paglilinis sa sugat nya. Kumuha ulit ako ng panibagong bulak at nag-lagay naman ng betadine.
"Hindi rin to masakit wag kang o.a." Sabi ko ulit sa kanya. Buti nga at di ko nilagyan ng alcohol eh. Pasalamat pa sya kamo.
"Oo na. Bilisan mo lang. Masakit na sugat ko." Bossy much. Habang naglalagay ako ng betadine naalala ko na lang bigla yung eksena kanina.
BINABASA MO ANG
The Love Game (On-going)
Teen FictionLet's play a game! Would you like to play a game? "Love is a game that two can play and both win."