Chapter 9: (Now or Never)

88 1 0
                                    

Miyuki's POV

Sa wakas makakapasok na rin ako. After ng 1 week ng pagpapahinga makakapasok na ulit ako. Okay na ako at ang mga sugat ko. Tinanggal na rin yung bandages sa noo at leeg ko kaso nilagyan pa rin ng Band-Aid ang mg sugat ko para hindi ito bumuka. Mukha tuloy akong nabugbog na ewan.

Yung mga sugat ko okay na pero hanggang ngayon naiisip ko pa rin yung ginawa ni ano sa 'kin. Napanaginipan ko nga yun. Ginawa na naman daw nya yun pero this time natuluyan na talaga ako. Bangungot. Ilang araw din akong hindi nakatulog ng mahimbing, lalo naman nung araw na sinakal nya ako. Matutulog na ako ng maalala ko na naman yung nangyari tapos hanggang sa hindi na ako nakatulog at umiyak na ako. Aaaahhh! Ayoko na maalala yung nangyaring hindi maganda. Ayoko na talaga.

Buti na lang may permission slip ako kaya hindi na ako mag-iisip ng dahilan kung bakit ako absent ng 1 week. Alam kong maghahabol ako nito kasi umabsent ba naman ako ng 1 week, pero hindi yan tiwala lang. Hahaha..

Nasa room ako as usual nagdo-doodle. Nagulat nga yung mga classmates ko kasi pumasok na ako, akala nga nila di na ako papasok. At bakit naman? Dahil lang sa ginawa nya? Ano sya. Tsk.

Club Week pala namin ngayon kaya halos lahat ng tao dito sa Academy busy, wala ring klase ng isang linggo. Required din pala na sumali sa mga clubs. Syempre alam ko na kung ano yung club na sasalihan ko. ART CLUB! Dun lang naman ako magaling. Bukas pa yung audition para dun, kaya petiks muna ako ngayon.

Medyo kinakabahan ako kasi di ko alam kung ano yung gagawin ko. May audtion-auditon pa kasi nalalaman eh. Psh.

Kaya ngayon ito ako nagpa-practice. Puro doodle lang naman ginagawa ko. Kailangan meh bago. Kaso di ko alam kung ano. Wala akong maisip. Yung utak ko ba nadali rin? Paktay!

"Miyuki!"

Napatalon ako sa gulat ng may tumawag sa 'kin. Nag-iisip ako dito ng kung anong gagawin ko para sa audition ng Art Club eh.

Tumingin naman ako sa tumawag sa 'kin.

"... May itatanong lang ako. Ano. Ano kasi. *sabay kamot sa batok* A-anong feeling na kinukulit ka ni Oya?" Biglang lumaki yung mata ko at muntikan na ako masamid kahit na wala naman akong iniinom. Seriously? Akala ko kung ano yung itatanong nya yun pala yung tungkol lang sa pangungulit ni ano sa 'kin?

Eh ayoko pa ngang marinig yang pangalan nya kasi hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa ginawa nya.

Hindi ko na lang pinansin yung classmate kong babae at nagpatuloy na ako sa pagdo-doodle ko dito. Wala ako sa mood para sagutin yang tanong nyang walang kwenta.

"... Eh sige na. Kaw lang kasi yung kinukulit ni Oya dito eh, kaya anong feeling ha?" Sabay yugyog nya sa 'kin. Aba kung makayugyog kala mo close kami eh. May sugat pa ako no!

Sinamaan ko sya ng tingin at bumalik ulit sa ginagawa ko. Makuha ka sa tingin atey. Bahala ka. Hindi talaga ako sasagot sa tanong mo.

"... Miyuki! Sige na. Kailangan ko lang talaga malaman. Nagse-selos nga ako sayo kasi ikaw kinukulit ka nya." Nakita ko sya na nag-pout at umupo sa desk ko. Aba'y! Diba nya alam na may ginagawa ako dito? Tsk.

Tiningnan ko sya at nakangiti sa 'kin ng wagas. Putik! Di talaga sya titigil hanggang di ko sagutin yung tanong nya? Aish!

"Kulitin mo din kase sya! Ayun lang naman eh!" Sinigawan ko sya at tinulak sya ng dahan-dahan hanggang sa umalis sya sa desk ko.
"Ayun nga. Okay lang sana kaso everytime na kinukulit ko sya kinikilig ako." At tumili sya sabay hampas pa sa kin. Ang sakit ah!

Ang babae talaga kapag kinilig kailangan may hampas na kasama hindi ba pwedeng kiligin na lang na walang hampas na kasama? Kawawa naman kaming mga biktima nila.

The Love Game (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon