Chapter 7: (IAAHMH ;))

93 1 0
                                    

Miyuki's POV

Nasa library lang ako may pinaggawa kasi sa aming research eh. Buti nga may gagawin na kami eh. Sa bagay second week na ng klase ngayon, magiging busy na naman ako.

Nasa Arts section ako. Naghahanap lang ako ng libro dun para sa research ko. Yung reseach kasi tungkol sa abstracts and such. Basta need mo gumawa ng abstract then need mo i-explain bakit ayun yung ginawa mo. 

Nakita ko na yung hinahanap ko dito. Kanina pa kasi ako hanap ng hanap kung nasan ba yung tungkol sa abstract.

Nawala yung mood ko ng may nakita akong unggoy sa harapan ko. Nung tinanggal ko kasi yung book bigla ko syang nakita. Hindi by accident yung pagkita ko sa kanya kung hindi nananadya sya, talagang hinintay pa ako ng loko na to.

Kinuha ko kagad yung libro kasi bigla ba naman kumindat. Aba'y baliw ba sya ha? May topak na naman tong unggoy na to.

Napansin ko na wala na pala yung bandage nya sa ilong. Ah kaya pala, may dahilan na. Kaya pala malakas mang-kindat kasi wala na yung epal na bandage. Ahhhh. Gusto nyang maulit? Gagawin ko ulit yun.

Ang kapal talaga ng mukha nitong unggoy na to ha! Umalis na ko dun sa kinatatayuan ko at bumalik na sa pwesto ko. Ewan ko sa kanya. Kauma-umaga eh binibwisit ako ni unggoy.

Sa laki ng University na to bakit ako ang pinepeste nya? Wala ba tong klase? Ba't ba parati kami nagkikita nito?

Nilapag ko na yung libro at akmang uupo na ako ng may nakita ako sa harapan ko na NAMAN na ikasusuka ko.

Pati ba naman dito bibwisitin nya ko? Tss. Miyuki, chill ka lang. Tandaan mo na nasa library ka. Chill lang. Inhale, exhale. Inhale, exhale.

Umupo na ako ng maayos at tumingin sa kanya ng deretso.

"Bat ka nandito?" Buti napakalma ko pa sarili ko.
"Bakit sayo ba tong library?" Pipilosopohin nya pa ako ah? Hindi na lang sabihin yung reason.

Chill lang Miyuki. Maging matured ka muna ngayon, remember isip bata yang kaharap mo.

Tiningnan ko yung paligid ng library. Marami pang vacant seats pero itong unggoy na to talagang nandito pa sa harap ko pumwesto. Hindi nya ba alam ang meaning ng space? Kailangan ko yan sa kanya dahil bwisit na bwisit na ako sa pagmumukha nya.

"Hindi. I mean dito sa pwesto na to. Ang dami-daming mga upuan eh. Ba't ka pa nandito?" Nakatingin pa din ako sa kanya.

Hindi naman ako malulusaw sa kagwapuhan nya. Eh kung nakakain yung kagwapuhan nya eh di sana mas okay pa, pero hindi eh. So walang effect sa kin yan.

"Gusto ko. Bakit ba?" Kahit kelan hindi ko sya nakausap ng matino. Kelan kaya kami magkakausap nito ng matino? Ay let me guess.... NEVER! Alam ko sa sarili ko na hindi kami maguusap ng matino nyan at parati kami aso't pusa kung mag-away.
"Tsk. Nakakainis ka talaga." Pinabayaan ko na sya dun. Wala naman akong magagawa kapag pinagsabihan ko pa sya eh. Lalo lang magtatagal ang conversation namin at ayaw ko nun.

Pag-lalo mong pinipilit ang isang tao lalo lang ikaw kukulitin nun o aasarin kaya ako na mismo ang tatahimik. Lalo na na ang kausap ko isang kalahating bata kung mag-isip.

Napansin ko naman na wala syang dalang libro o kahit ano. Sarili nya lang talaga yung dala nya. Basta hindi nya guguluhin ako habang gumagawa dito eh magiging okay kami. Pero kung kukulitin nya ako or aasarin nako baka ma-upper cut ko to ng wala sa oras. Subukan nya lang talaga ako guluhin.

Nagbabasa lang ako ng libro dito. Wala pa kasi ako mahanap ng matino para sa research. Syempre research to kailangan basahin mo rin yung pinag-gagawa mo, hindi yung puro sulat at drawing lang. Mamaya out of no where na pala yang sinusulat at dinadrawing ko.

The Love Game (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon