Miyuki's POV
Sabado ngayon and it's my rest day. Isang buwan na absent sina Unggoy and Sandy. Hindi ko nga alam kung anong meron sa kanila pero nung time na absent si Sandy absent rin si Unggoy. Akala ko coincidence lang pero hindi pala. Kase syempre parehas na isang buwan na wala yung dalawa.
Tinanong ko nga sa tropa nya kung alam ba nila kung bakit absent yung dalawa kaso pati sila hindi rin alam.
Na saan na kaya sila? Na paano kaya yung dalawa?
Hindi naman ata siguro nagtanan na yung dalawa, noh?
\\\
Gabi na pero kakatapos ko lang mamili ng pagkain. Wala na kasi akong foods. Tumingin ako sa relo ko at mag-aalas otso na pala.
Sa di kalayuan may nakita akong familiar na tao and when I say familiar. Familiar talaga sya.
Pagewang-gewang ang lakad nya. Teka, huwag mong sabihin lasing to?
Nabigla na lang ako ng bumagsak sya. Tumakbo kaagad ako papunta sa kanya at nilapag ang grocery bag.
Lumuhod ako at tinapik-tapik sya.
"Hoy! Bakit ka nandito? Anong pakulo na naman to Kishida?"
Tama. Si Kishida nga. Iba ang itsura nya ngayon. Ang messy ng hair nya, sobrang pula ng labi nya, ang gulo ng damit nya.
Inamoy-amoy ko sya at..... amoy alak sya! For Pete's sake anong nangyare dito? Tiningnan ko pa sya ng maigi at napailing na lang ako.
Ang dugyot nyang tingnan! Basa-basa pa yung dulo at kwelyo ng damit nya.
"Oy, Kishida tumayo ka nga dyan marami ng tao tumitingin sa 'tin." Sabi ko sa kanya na sabay yugyog pa. Hindi sya umimik.
Marami na kasi talagang tao ang tumitingin sa amin. Yung iba nga ang sama ng mga tingin at parang may meaning. Yung iba naman gusto ako tulungan pero nginitian ko na lang sila.
Siguro akala nya nasa bahay na sya at ngayon nakahiga na sya sa malambot at malaki nyang kama at naka-pajama pa. Pero ang hindi nya alam nasa kalsada sya, pinagtitinginan ng ibang tao at ang dugyot nya.
Tumayo ako at kinuha ang kamay nya. Hinawakan ko ang parehas na kamay nya at pinipilit na itayo sya.
"Oya Kishida tumayo ka na nga dyan!" Ang bigat nya. Kahit anong pilit kong itayo sya ayaw talaga.
Sumuko na ako at umupo ulit pero yung upo lang na akala mo tumatae ka.
"Buhay ka pa ba?" Inosente kong tanong. Mamaya hindi na pala buhay to, nag-effort pa ako.
BINABASA MO ANG
The Love Game (On-going)
Ficțiune adolescențiLet's play a game! Would you like to play a game? "Love is a game that two can play and both win."