I dedicate this kay ate Haveyouseenthisgirl o ate Denny. Sobrang epic kasi din nya. Ang galing talaga nya. Hanga talaga ako sa kanya. Nakakainlababo yung DIARY NG PANGET at 11 WAYS TO FORGET YOUR EX-BOYFRIEND.
*** FLASHBACK ***
Miyuki's POV
"Yuki! Anak kumain ka na, ma lalate ka pa nyan oh."
"Opo My." Kumain na ko gaya ng sinabi ni My.Hello. Ako nga pala si Miyuki Henderson isang simpleng babae at 3rd year college student taking Fine Arts. Transferee ako sa isa sa mga sikat na school dito sa Pilipinas at sa iba pang bansa including Canada, Japan, New Zealand, Taiwan, Singapore, Dubai, Korea at iba pa-- walang iba kung hindi ang Xaverville Academy. Maraming gustong mag-aral dito dahil syempre isang exclusive school to at syempre once na nalaman nila na nag-aral ka dito ibig sabihin either mayaman ka or talagang mayamang-mayaman ka.
Oo, gaya nga ng sabi ko isang exclusive at elite tong school na to. Lahat ng nag-aaral dito ay expect mo ng mayayaman. Mga parents nila ay may ari ng ganito may ari ng ganyan at kung ano ano pa. Isa pa yung academic nila ay sobrang mabibilib ka talaga dahil puro magagaling ang mga professors dito kung magturo, mapapamangha ka talaga at ang tatalino ng mga studyante dito kaya once na nandito ka sa Xaverville Academy hands down sayo ang mga tao.
Kung naitatanong nyo kung bakit ako nakapasok dito uunahan ko na kayo di ako mayaman, di rin ako matalino pero di rin naman ako mahina yung normal lang, di rin ako maganda-- oo, puro magaganda at gwapo DAW kasi yung mga nandito. Pero iisa lang ang masasabi ko kung bakit ako nandito at iyon ay.......
.
.
.
.
HINDI KO ALAM! Oo hindi ko talaga alam. Isang araw pagkagising ko nabigla na lang ako kay My at sinabi nya sa 'kin na mag-aaral na daw ako sa Xaverville Academy, ang school na pinapangarap ng lahat well sama mo na rin ako. Anyways, syempre sa una nagulat ako grabe kaya tuition fee duon eh mahirap lang kami. Laking public ako at nararansan ko din na putulan ng ilaw dahil hindi pa kami nagbabayad kaya nga takang-taka ako kung bakit ako mag-aaral dito sa exclusive at elite school na to.Tinanong ko si My kung bakit ako papasok dun at papaano nagkaroon kami ng pera pang tuition fee nun? Eh pagkain nga namin sa araw-araw eh pinoproblema namin ito pa kayang tuition fee na to.
Anyways, wala na akong magagawa. Kahit humindi ako kay My nagbayad na sya ng tuition fee so wala na talagang back out dito. Tuloy-tuloy na to. Bahala na nga lang. Pasalamat na nga lang ako at hindi ako babalik as 1st year. May iba kasing University na kapag transferee ka babalik ka as 1st year. Buti na lang talaga.
Humikab ako sabay subo ng kanin with egg.
"Anung oras ka na naman natulog? Ayan tuloy pahikab-hikab ka pa." Sita sa akin ni My.
"Eh ka----"
"Wag ka na nga magpaliwanag dyan, kumain ka na lang. Sa susunod kasi kung di mo rin kaya gumising ng maaga wag ka mag-pupuyat. Kala mo kaya nya, yun pala di naman." Ang sarap ng almusal ko kanin and egg with MATAMIS NA SERMON. Sarap ibaon sa school.
"Nakikinig ka ba sakin Yuki?"Ay oo nga pala nag-sesermon si My.
"Eh di ko naman kasalanan eh. Ba't kasi ang aga-aga ng pasok. Dapat pala yung kinuha kong sched. medyo late para makatulog pa ako." Sabay pout ko.
"Tumigil ka nga sa pagpa-pout mo. Umayos ka! At diba sabi ko sayo wag na wag kang sasagot sa akin. Ilang beses ko na yun sinasabi sayo ah, hanggang ngayon di mo pa rin sinusunod.." Grabe si mader, umagang-umaga may sermon ako sa kanya.".... naiintindihan mo ba?"
".........."
"Ay sumagot ka!"
"Eh sabi nyo kanina wag akong sasagot sayo tapos ngayon gusto nyo kong sumagot. Gulo nyo din mi eh."Bigla ako pinalo ni My.
"Ouch! My ang sakit." Pinalo ako ni My sa ulo gamit yung newspaper nya. Ang sakit.
"Namimilosopo ka pa ah. Ikaw Yuki tumigil-tigil ka sa pagmimilosopo mo." Hindi naman ako namimilosopo eh.
"Di naman ako nag---- OUCH!" for the second time pinalo na naman ako ni My.
"Isa pang sagot mo ah."
"Ang sakit naman My, may pagka-sadista kayo." Habang sinasabi ko yun pinapahid ko yung kamay ko sa ulo ko.
"Hindi ako sadista." Diin na sabi ni Mi. Anong hindi sadista, sadista kaya sya.
"Opo kaya, parehas kayo nung mama ni Sancái eh."
BINABASA MO ANG
The Love Game (On-going)
Novela JuvenilLet's play a game! Would you like to play a game? "Love is a game that two can play and both win."